Chapter 14: Knight Mark

1504 Words
Castor POV Hindi ko maintindihan, malimit na ang pagsakit ng aking mga katawan bukod pa sa parang pinapaso ang aking kaliwang dibdib, ngunit wala naman akong makita na kahit anong sugat. Pakiramdam ko ay nanghihina ako, ang aura ko ay parang gustong kumawala sa akin. "May problema ba Castor?" tanong ni Miranda Umiling ako. "W-wala naman." "Sigurado ka? Parang hindi ka okay." Sabi nito "Ayos lang ako, kailangan ko lang magpahinga." "Sige, bahala ka. Kung maari sana humingi ako ng pabor sayo." Sabi ni Miranda "Oo naman. Ano iyon?" Naupo siya sa aking tabi, matapos lumingon lingon sa paligid. "May pupuntahan kami ni Nazar at hindi ito alam ng aming anak." Sabi niya "Saan kayo pupunta? Kung gusto mo ako na lamang ang sasama sa kanya para..." "Hindi maari, delikado ang aming lakad at ayoko na mapahamak ka. Kaya kung maari ay ikaw ang bahala sa aming anak habang wala kami." "Hindi mo na kailangan sabihin iyan, gagawin ko yan." Sabi ko Ngumiti si Miranda, hinawakan nito ang aking kamay. Maini tang kanyang kamay, nararamdaman ko ang pagdaloy ng kanyang dugo sa kanyang mga ugat. "Maraming salamat." Tumayo si Miranda at naglakad papalapit sa pintuan. "Kailan ang inyong alis?" tanong ko "Mamayang bukang liwayway, ayaw namin na maabutan ng liwanag sa daan, masyadong delikado." "Kung ganoon mag iingat kayo." Ngumiti muli si Miranda saka tuluyang lumabas ng silid ko. Zaiden POV Hapon ng umuwi si Dad mula sa office, hindi niya kasama si Kuya. Mula sa bintana ay tanaw ko si Dad na pumasok sa gate at naglakad sa garden. Agad naman siyang sinalubong ni Seven at kinuha ang dala nitong bag. Mabilis akong lumabas ng silid ko, bumaba sa hagdan at sinalubong si Dad sa sala. Ngunit mabilis itong naglalakad at hinahabol siya ni Seven na halos hindi mabuhat ang dala nitong bag. Hawak na ni Dad ang doorknob ng kanyang office sa bahay, ang library namin. "Dad!" sigaw ko Napalingon si Dad sa akin bago niya tuluyang nabuksan ang pintuan ng library. "Pwede ba tayo mag usap?" sabi ko Sa library, nakaupo kaming dalawa ni Dad sa sofa. Hawak niya ang kanyang tabaco na ilang beses na rin niyang hinihithit mula nun pumasok kami sa silid na iyon. "Anong pag uusapan natin?" tanong ni Dad Bago ako nakasagot ay pumasok sa loob ng silid si Seven na may dalang tray. Inilapag nito ang dalawang tasa sa ibabaw ng table sa harapan namin. Nang matapos ay nagpaalam na si Seven. "Anong plano mo Dad?" diretsong tanong ko "Plano?" balik tanong ni Dad "Alam kong may plano ka Dad, at alam ko na inutusan mo si Kuya na sabihin sa akin ang lahat para hindi ko isipin ang plano mo, para hindi ako humadlang sa mga binabalak mo." Nag smirked si Dad, humigop siya ng tsaa bago ako sinagot. "Inutusan? Ang baba pala ng pagtingin mo sa nakatatanda mong kapatid." Sabi ni Dad Hindi ako nakapagsalita, hindi iyon ang ibig kong sabihin. "Wala akong sinabi o inutos sa Kuya mo, Zaiden. Malaki na siya, may sariling isip at desisyon, katulad mo hindi rin siya sumusunod sa mga nais ko." "Kahit naman hindi ako sumunod sa gusto mo at gawin ko ang gusto ko, ikaw pa rin ang nananalo. Wala pa rin akong magawa." Nagsmirked muli si Dad. Seryosong tumingin sa akin. "Alam mo kung bakit?" Hindi ako sumagot. "Dahil mahina ka, Zaiden. Isa kang mahina." Sabi ni Dad, he even stretched the word mahina "Hindi ako mahina!" sabi ko naman, napipikon na ako "Sabihin mo nga sa akin, Zaiden. Anong nagawa mo ng tangkain ng mga goblins na dukutin ang babaeng iyon?" "Si Vector, ang kasamahan mo ang may utos sa mga goblins para dukutin si Oceane." "Kahit sino pa ang may kagagawan, ang tanong ko ang sagutin mo, Zaiden." Seryoso ngunit mahinahon pa rin si Dad "Ginawa ko ang lahat Dad, hinanap ko siya. Lumuhod pa nga ako sa harapan mo para mahanap siya." Inis kong sabi "Ginawa? Ginawa mo ang lahat?" Tumayo si Dad saka naglakad papalapit sa may bintana, ngunit sa aking likuran siya huminto. Sa palagay ko ay nakatingin siya sa akin. "Naririnig mo ba ang sinasabi mo, anak?" Nagkuyom ang aking palad. Pinipigil ko na magalit at mawala ang respeto ko sa aking ama. "Kahit kalian hindi ko kayo pinabayaan ng kapatid mo, kahit pa sinusuway nyo ang mga gusto ko. Kung hindi mahalaga sa akin ang babaeng nagugustuhan mo, sana hinayaan ko na lang na makuha siya ni Vector." "Pero bakit di mo sinabi sa akin Dad? Bakit?" Tumayo na ako saka ko siya hinarap, nasa pagitan namin dalawa ang sofa. Namumula na ako sag alit, alam kong napansin din niya ang pag kuyom ng aking palad. "Kung sinabi ko ba sayo, maniniwala ka?" Hindi ako nakapagsalita, nahimasmasan ako. Kung nalaman ko baa ng mga plano ni Dad, ano nga bang iisipin ko? Maniniwala ba ako? Naramdaman ko na naglakad sa may table niya si Dad, naupo at kinuha ang laman ng kanyang bag. "Kung wala na tayong pag uusapan, maari ba na iwan mo muna ako?" Napatingin ako kay Dad, mahinahon na ako. "Maraming problema ang Ministry, kumakalat na sa buong Wizarding World ang tungkol sa babaeng kinahuhumalingan mo." Sabi ni Dad Mabilis ako naglakad papalapit sa pintuan, lumingon pa ako kay Dad. "Kung may plano ka sa kanya, ako ang makakalaban mo, Dad." Pagkasabi ko noon ay lumabas na ako ng silid. Castor POV "Anong ginagawa mo dito?" Napalingon ako, si Oceane nakatayo sa di kalayuan. Nakatayo ako sa malaking bato sa may sapa, makikita roon ang iba't ibang klaseng flower nymphs na siyang nag aalaga sa mga water lily at iba pang mga halaman. May mga isda rin na naroon at ilang mga palaka. "Nagpapahangin lang." simpleng sagot ko Ang totoo, lumabas ako ng bahay para mabawasan ang init na nararamdaman ko. Para kasi sinusunog ang loob ng aking katawan. "Hindi ko napapansin sina Papa, alam mo ba kung umalis sila?" tanong niya "Hindi eh." Ibinalik ko ang pagtitig sa sapa, habang nakatago sa bulsa ko ang mga kamay ko, sobrang higpit ng pag kuyom ko sa mga ito. Para akong mawawalan ng malay sa sobrang sakit na nararamdaman ko. "Weird." Sabi ni Oceane Bahagya siyang lumapit sa akin, itinaas niya ang kanyang kamay, umiwas ako ng bahagya sa kanya. "Hindi ko alam na pinagpapawisan pala ang mga bampira." Sabi nito "Hindi, pero sa kalagayan ko oo, pinagpapawisan ako." Sabi ko naman Sumimangot ito, saka ako tinitigan. Sa itsura niyang iyon, alam kong sinusuri niya ako kaya, mabilis akong lumayo sa kanya. Nakatayo na ako sa isang sanga ng puno sa kanyang harapan. "Wala ako sa mood makipag kulitan sa ngayon Oceane, I want to be alone." Sabi ko Hindi na siya nagsalita saka naglakad pabalik sa bahay. Ako naman ay naupo sa sanga at isinadal ang aking ulo sa katawan ng puno. Ang sakit na ito, nararamdaman ko na naman. Ano ba itong nangyayari sa akin? Gaeia POV Pagpasok ko sa library sa mansion ng mga Alfiro, naroon si Uncle Val, nakaupo ito sa rocking chair habang nakamasid sa papalubog na araw. "Uncle.." tawag pansin ko sa kanya "Hija, halika." Sabi niya Hindi niya ako nilingon o tiningnan man lang. Lumapit ako sa kanyang tabi. "Kamusta ka na hija? Pasensiya ka na at hindi na kita nakakausap o nakakamusta man lang." sabi nito "Ayos lang Uncle, I know you're busy." Sabi ko "Have you talked to Zaiden?" tanong niya "Hindi kami nakakapag usap ng matino Uncle. Na uuwi kami sa pag aaway pag nagkikita kami." Sabi ko Napailing si Uncle Val saka huminga ng malalim. "I'm very sorry hija, hindi ganito ang naipangako ko sa'yo nun nakiusap ako na tulungan mo ako kay Zaiden." Sabi niya "Zaiden, his attitude is part of being a teenager. Isa pa, he's so inlove." Tumayo si Uncle, kinuha niya ang tasa ng tsaa sa table at iniabot ang isa sa akin. Saka ko lang namasdan ang itsura ni Uncle ngayon, pumayat siya, may mga buhok na rin ang tumubo sa kanyang mukha, at ang mga mata niya ay para bang hindi siya nakakatulog ng maayos. Ibang iba siya nun huli kaming magkita. "Dumaan din ako sa pagiging teenager, hija. Mas sobra pa ang naranasan ko noon, at hindi iyon alam ng aking mga anak. Tanging ang mahal kong kabiyak lamang ang nakakaintindi sa akin." Tumingin si Uncle Val sa malaking larawan ng kanyang asawa. "Oo, umiibig ang aking anak sa babaeng hindi naman nakatadhana para sa kanya." "Wala naman pong makakapagsabi Uncle kung sino ang nakatandahana sa bawat tao." "Hindi mo naiintindihan hija. Ang babaeng iniibig ni Zaiden ay ang babaeng papaslangin niya sa takdang panahon." "A-ano pong sinasabi nyo Uncle? Hindi po magagawa ni Zaiden ang sinasabi nyo, sumpungin siya oo pero hindi naman po aabot sa..." "Tadhana, Gaeia. Isang propesiya." Sabi ni Uncle "Hindi ko maintindihan Uncle." Hinawakan ni Uncle Val ang aking balikat. "Gusto kong ituloy moa ng ginagawa mo, ang plano natin. Hindi sila maaring magkatuluyan. Masasaktan ang anak ko, hija." "Gagawin ko Uncle."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD