Zaiden POV
Nandito kami ni Kuya sa building ng Magicae Ministerium para makita ko si Oceane at makausap siya. Sabi ni Kuya, nandito daw si Oceane ngayon kaya naman hindi na ako nag aksaya ng oras para sa pagkakataon na ito.
Konti lang ang tao dahil gabi na at wala na rin halos emplayado sa mga opisina.
"Paano mo nalaman na pupunta siya dito Kuya?" tanong ko
Ngumiti si Kuya Justin, asa tapat na kami ngayon ng pintuan sa great hall.
"Just I know." Simpleng sabi ni Kuya
Pumasok kami sa loob ng Great Hall, medyo tahimik ang paligid, bagaman may liwanag na nagmumula sa mga lamps. Mukhang malayo pa naman ang pupuntahan naming ni Kuya kaya nagkwentuhan muna kami.
"What happened between you and her?" tanong ni Kuya
"Her?" tanong ko
Bahagyang natawa si Kuya. "Mahirap ang maging girl magnet, nalilito ka na kung sino ang babaeng tinutukoy ko."
Hindi ako ngumiti sa biro ni Kuya.
"I'm referring to Nazar's daughter." Sabi ni Kuya
"Imposibleng hindi moa lam ang nangyari Kuya." Sabi ko
"Well, ang sabi lang ni Dad sa akin, pinili mon a iwan ang babaeng iyon.."
"That's a lie!" sabi ko, medyo napalakas ang boses ko at umeko iyon sa buong hallway
Nakatingin lang si Kuya Justin sa akin. Ako naman ay huminahon ng bahagya sa aking nagging reaksyon.
"Kung iyon ang sinabi ni Dad sayo, hindi iyon totoo." Sabi ko
"Alam ko, that's why I'm asking you what really happened?"
Huminga ako ng malalim, minsan talaga hindi ko maintindihan si Kuya, may time na kumakampi siya kay Dad ngayon naman ay sa akin. Ayoko naman isipin na he's up to something.
Tumingin ako kay Kuya, sinusuri ko kung nagsasabi ba siya ng totoo o drama lang na wala siyang alam.
"I am telling you the truth." Sabi niya
"Sapilitian akong kinuha ni Dad kaya kami nagkahiwalay ni Oceane." Sabi ko
"Alam ko na kung paano niya ginawa iyon." Sabi ni Kuya na para bang nag iisip
Hindi ako nag salita, sa totoo lang galit pa rin ako kay Dad hanggang ngayon.
"He's always like that, sinasabi niyang para sa atin ang mga dedisyon na ginagawa niya but we can't really see the logic behind that reason." Sabi ni Kuya
HUminto kami sa tapat ng isang silid, mapapansin na may tao sa loob dahil sa mga anino nito at liwanag na makikita sa mga siwang ng pintuan.
"Nandiyan siya sa loob.." sabi ni Kuya
Napatingin ako as kanya pagkatapos ay sa pintuan ng silid.
"Well, she's with that young Silverwood and Nazar." Sabi ni Kuya
Pagkasabi noon ay naglakad na ulit ito sa isang madilim na lugar. Ako naman ay nakatayo pa rin sa labas ng silid, bahagya pa akong nagulat ng bumukas ang pintuan at inuluwa nito si Castor.
Castor POV
Naramdaman ko ang aura ng dalawang Alfiro sa labas ng silid kung saan naroon kami nila Oceane at Nazar.
Ano naman kayang ginagawa nila dito?
Hindi ako kumilos sa aking kinauupuan, habang nagbabasa ako ng Wizard News Paper, nakikinig ako sa usapan mula sa labas ng silid.
"Anong binabasa mo?" tanong ni Oceane
"Ah balita mula sa Goblins na umatake sa Fairywood." Sabi ko
Bagaman nakikinig ako sa usapan ng dalawang Alfiro sa labas, binabasa ko rin ang headline sa balita. Mukhang kumikilos na naman ang mga Dark Wizards. Halos malimit na ang kanilang pag atake sa mga gubat, kaya naman hindi na ako magtataka kung sa mga bayan naman sila mangugulo.
"Bakit? Anong dahilan nila?" tanong ni Oceane
"Hindi ko rin alam, ngunit hindi mo ba napapansin na mula ng mangyari ang insidente sa kweba nagging malimit na ang pag atake nila sa kagubatan na para bang..." di ko natapos ang sasabihin ko dahil inunahan na ako ni Oceane
"May hinahanap sila." Sabi niya
Tumahimik ako. Kung mapapansin, may pattern ang bawat pag atake. Isa pa ang larawan ng Dark Wizard na iyon, hindi man ako sigurado, siya ang umatake sa akin nun araw na aksidenteng nakatawid kami ni Oceane sa kabilang mundo.
"Gusto mo bang basahin?" tanong ko
Iniabot ko kay Oceane ang Newspaper saka ako tumayo sa aking kinauupuan at dumiretso sa may pintuan.
"Saan ka pupunta?" tanong niya
"Magpapahangin lang ako." Simpleng sabi ko
Pagbukas ko ng pintuan, nakatayo sa harap ng pintuan si Zaiden Alfiro, mukhang umalis ang Kuya nito dahil hindi ko ito nararamdaman.
"Castor." Simpleng sabi ni Zaiden
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko
"Gusto kong makausap si Oceane." Sabi niya
Nagsmirked ako. "Bakit?"
"To make things clear..." sabi niya
"Sa tingin ko hindi mo siya makakausap ngayon." Sabi ko
Hindi siya nagsalita, nakatitig lang siya sa akin na para bang gusto niya akong bugbugin.
"Kasama namin si Nazar at hindi niya gugustuhin na makita kang kausap ang kanyang anak." Sabi ko
"Sandali lang kami mag uusap, wala akong masamang plano sa kanya." Sabi naman nito
"Subukan natin kung gusto ka niyang makausap..." sabi ko naman
Bago pa ako nakahawak sa door knob ay bumukas na ang pintuan. Iniluwa nito sina Nazar at Oceane. SA itsura ni Nazar mukhang alam niya na magkausap kami ni Zaiden Alfiro.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Nazar
"Gusto kong makausap si Oceane, I wantbto make things clear.." sabi nito
"Sige, we need to talk.." sabi ni Oceane
Napalingon naman si Nazar sa anak niya.
"Pero anak..."
"Just trust me, Papa." Sabi naman ni Oceane
Huminga ng malalim si Nazar, hinaplos ang buhok ng anak saka hinarap si Zaiden Alfiro.
"I'm giving you 5 minutes.." sabi ni Nazar
Tumango naman si Zaiden. Hinarap naman ako ni Nazar saka kami naglakad papunta sa di kalayuan.
Zaiden POV
"Mabuti pumayag ka na..."
"Let's get straight to the point Zaiden..." sabi ni Oceane
Huminga ako ng malalim.
"Oceane I want to say sorry... hindi kita nadalaw sa Elfwood pagkatapos ng nangyari.."
"Bakit nga ba?"
"Ikinulong ako ni Dad, itinago niya ang wand ko, maging si Altheia ay pinagbawalan na makita ako."
Nagcross arm siya hindi na siya nagsalita pa.
"Wala kang malay nun nagkahiwalay tayo.. pinigilan ako ni Dad na sumama sa inyo para mailigtas ka..."
"That's all lies!" sabi ni Oceane
Natigil ako sa pagsasalita. Nakatitig lang ako kay Oceane. Napansin ko ang pagpatak ng luha niya sa kanyang pisngi.
"Wala ka bang ibang paraan para malaman mo kung ligtas ako? Kung ikinulong ka man ng tatay mo, hinayaan mo na lang na mangyari ang lahat. Ang daming paraan Zaiden, ang daming paraan para makontak mo ako.."
"Hindi mo naiintindihan Oceane, lahat ginawa ko para makontak ka, pero hinaharang iyon ni Dad. Ikinulong niya ako sa bahay ng ilang buwan, wala kahit ano..."
Patuloy ako sa pagpapaliwanag. Kailangan maintindihan ni Oceane na hindi totoo ang iniisip niya.
"Kung alam mo lang ang hirap na naranasan ko, ang hirap na hindi ko man lang nalaman kung ano ng nangyari sayo pagkatapos natin magkahiwalay. Hindi koi yon ginusto, alam na alam iyan ni Nazar at Silverwood. Hindi ko gusting magkahiwalay tayo."
"May pagkakataon ka Zaiden, hindi mo ginawa." Sabi niya
Kumunot ang noo ko, hindi ko maintindihan ang sinasabi niya.
"Hirap na hirap ako na tanggapin na basta mon a lang ako iniwan sa pagkakataon na kailangan kita. Kung akala mo ikaw lang ang nahirapan, ako rin. Umasa ako Zaiden, nagtiwala ako sayo.... Pagkakataon? Hindi mo ginamit ang pagkakataon na iyon para makausap ako, para malapitan ako."
"Anong..."
"Sa gubat.. namasyal ka sa gubat hindi ba? Bakit hindi mo nagawang dalawin ako sa Elfwood? Nakita mo ako, si Castor.. imbes na lapitan mo ako, nagtago ka.. ginamit mo pa ang babaeng kasama mo."
Nabigla ako sa sinabi ni Oceane. Hindi ko inaakala na alam niyang nagpunta ako sa gubat, hindi kaya sinabi ni Alfiro?
"Nagulat ka ba? Alam ko ang bawat galaw ng aura mo Zaiden, ang bilang ng t***k ng puso mo at ang iniisip mo. Kaya kahit nagsasabi ka ng totoo, tapos na ang lahat, nangyari na nasaktan mo na ako kaya wala ng sense kung mag uusap tayo at magpapaliwanagan."
Pagkasabi nun ay naglakad si Oceane papalayo sa akin.
"Oceane, I'm sorry!" sabi ko naman. "Mahal kita.. mahal na mahal kita!"
Huminto sa paglalakad si Oceane.
"Umuwi ka na Zaiden, tapos na ang lahat sa atin." Sabi niya
Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Naramdaman ko na lang na may mainit na likido sa aking pisngi.
"Sinubukan ko Oceane, ipinaglaban kita, minahal kita ngunit kung iyan ang desisyon mo wala na akong magagawa."
Hindi ko na siya nagsalita, lumapit na ito kina NAzar at Castor at naglakad na palabas ng building ang tatlo. AKo naman ay naiwan na nakatingin lang sa kanila hanggang sa lamunin sila ng dilim.
Isang kamay ang lumapat sa aking balikat. Pinahid ko ang luha ko gamit ang aking kamay.
"Atleast sinubukan mo.." sabi ni Kuya
"Kuya, imposibleng magdesisyon si Oceane ng ganoong kabilis, kilala ko siya. May dahilan siya para gawin ang bagay na iyon. Kaya niya sinabi na tapos na kami.."
"Zaiden bro, desisyon na nya iyon, ikaw din ang masasaktan kung aasa ka pa."
"Alam kong may dahilan siya Kuya, hindi ko siya titigilan. Mahal ko siya kuya, ipaglalaban ko ang pagmamahalan namin." Sabi ko naman
Natigil ang aming pag uusap ng may marin ig kaming pagsabog sa di kalayuan.
Castor POV
Walang nagsasalita sa amin ni Nazar o natanong man lang kay Oceane kung ano ang kanilang nagpag usapan ni Zaiden Alfiro, basta alam ko malungkot siya.
Inakbayan siya ng kanyang ama habang naglalakad kami palabas ng building.
"Papa, may kasama ang dalawang Alfiro na iyon, hinihintay nila tayo sa labas." Sabi ni Oceane
"Anong sinabi mo anak?"
"Nila? Ibig sabihin marami." Sabi ko naman
Hindi nga nagkamali si Oceane dahil hindi pa man din kami nakakalabas ng building may umate na kaagad sa amin. Isang malakas na pagsabog ang nangyari dahil sa lakas ng pwersa na inilabas ng isang Dark Wizard.
Mabilis kong nahawakan si Oceane at itinago sa isang malaking poste sa di kalayuan.
"Tutulong ako.." sabi niya
"Hindi, hindi maaring malaman ng mga Dark Wizard na iyan nakasama ka namin. Siguradong alam na nila na may anak si Nazar kaya kukunin ka nila." Paliwanag ko
"Paano si Papa?" tanong niya
"Kasama niya ako, wag kang mag alala.." sabi ko sabay haplos ng aking daliri sa kanyang buhok.
"Mag iingat kayo.." sabi naman niya
Oceane POV
Sa tingin ko ay nasa walo ang Dark Wizards na gusto kaming patayin. Itinago ako ni Castor sa likod ng malaking poste at sila ang humarap sa mga iyon.
Pero hindi ako makatiis, para bang ang aura ko ay pilit na kumakawala sa aking katawan habang nararamdaman ko ang mga Dark Auras sa paligid.
Bahagya kong ikinumpas ang aking kamay at isang makulay na enerhiya ang lumabas sa aking kamay. Ibat't ibang kulay na para bang mahinahon at malumanay. Inikom ko ang aking palad saka muling ibinuka ito, naging kulay apoy ang kaninang iba't ibang kulay ng aking kamay pagkatapos ay inihagis iyon sa grupo ng mga Drak Wizards sa di kalayuan. Para hindi masyadong halata, isinabay ko ito sa pag atake ni Papa.
Nazar POV
Isang malakas na kapangyarihan ang nakipagsabayan sa aking kapangyarihan, humagis sa di kalayuan ang mga Dark Wizard, marahil ay nabigla rin sa malakas na kapangyarihan.
Nagkaroon kami ng pagkakataon para tumakas, agad namin binalikan si Oceane sa kanyang pinatataguan saka kami nag teleport para makalayo sa building na iyon.
Bago kami tuluyang nakaalis nakita pa namin sa di kalayuan, ang magkapatid na Alfiro.