Miranda POV
Nakatayo kami sa may pintuan sa terrace, pinagmamasadan naming ang dalawa, ang aking anak at si Castor. Mukhang magkasundo naman sila. Naramdaman ko ang kamay ng aking asawa sa aking balikat.
"Hindi ba't bagay sila?" nakangiting sabi ni Nazar
Napasimangot ako sa sinabi niya.
"Hindi ko gusto si Castor para sa aking anak Nazar." Reklamo ko
Hinarap ako ni Nazar. Kunot noo niya akong tiningnan.
"Bakit hindi? Parang anak ko na si Castor, kilalang kilala ko na ang batang yan, ako kaya ang nagpalaki sa kanya."
Tumaas ang isang kilay ko.
"Wala naman akong sinabi na hindi ikaw ang nagpalaki sa kanya. ANg sa akin lang... ayokong magkaroon ng apo na isang bampira."
"Hindi natural na bampira si Castor, siya ay biktima lang ng mga Dark Wizards.." sabi naman ni Nazar
"Alam ko, ngunit ang dugo na dumadaloy sa kanya ay sa isang bampira. Kahit sabihin mo na half vampire lang siya, bampira pa rin siya." Sabi ko naman
"Ah Miranda, ang dugo niya ay galing sa akin.. ako ang nagbigay buhay sa kanya."
"Mag aaway tayo Nazar pag ipinilit moa ng gusto mo." Nakapamewang na ako. Naiinis na kasi ang mga katwiran niya
Nagulat ako ng bigla niya akong hapitin papalapit sa kanya sabay yakap ng mahigpit sa akin. Bumulong pa siya sa tenga ko.
"Ang sarap sa pakiramdam na ganito, ito ang una nating pagtatalo bilang mag asawa para sa kapakanan ng anak natin." Bulong niya
Napangiti ako sa sinabi niya, ngayon ko lang din napansin ang sinabi niya. Napayakap naman akong pabalik sa aking asawa.
Castor POV
Napalingon kami ng marinig namin ang pagtatalo nina Miranda at Nazar, na noon ay nanonood pala sa aming dalawa habang nakatambay sa may pintuan. Bahagya akong natawa
"Tingnan mo, ang sweet nila.." sabi ko
Napalingon naman si Oceane sa akin pagkatapos ay sa mga magulang niya. Magkayakap na ngayon sina NAzar at Miranda matapos nilang magtalo.
"Oo nga eh." Sabi naman niya
"Alam mo bang pangarap ito ni Nazar?" sabi ko sabay tingin sa kanya
"PAngarap?"
"Oo. Ito ang pangarap niya, ang makasama kayong dalawa ni Miranda. Mahal na mahal kayo ni Nazar." Sabi ko naman
"Mahal ka din naman ni Papa." Sabi naman niya
"Alam ko, siya ang pangalawa kong ama at sobrang ipinagpapasalamat ko iyon." Sabi ko naman
Lumingon ako kina Nazar at Miranda na noon ay naglalakad na palayo sa may pintuan. Tumahimik muli si Oceane at humarap muli sa maganadang tanawin sa aming harapan. Makikita kasi ang lawak ng lawa mula roon.
"So anong desisyon mo? Babalik ka ba sa Academy kasama ako?" tanong ko
Umiling si Oceane. "Hindi ko alam. Buwan pa lang ang lumipas, ang sugat dito." Sabi niya sabay turo sa kanyang dibdib. "Hindi pa rin naghihilom."
"Malalampasan mo rin yan.." sabi ko naman
Napalingon siya sa akin sabay ngiti. "Matagal pa ito."
Nalungkot ako sa sinabi niya. Gaano katagal
"Para mabilis na maghilom yan.." sabi ko naman sabay turo sa kanyang dibdib sa tapat ng puso. "Mag laan ka ng isang araw, alalahanin mo lahat ng nangyari sa inyo mula sa simula hangang sa huli. Kung kailangan mo umiyak, umiyak ka hangang ikaw na mismo ang susuko dahil wala ng luha ang gustong lumabas sa mga mata mo. Pagkatapos noon, gumawa ka ng bagong memories na hindi siya kasama, na hindi mo siya maiisip. In the end, hindi mo mamamalayan na naghilom na pala yan."
"Sana madali lang yang sinasabi mo.." sabi naman niya
Napangiti ako sabay pisil sa kanyang chin.
"Nandito naman ako, tutulungan kita."
Sa pangalawang beses ng araw na iyon, napansin ko ang matamis niyang ngiti.
Oceane POV
Nagbabasa si Papa ng Wizard Times sa sala paglabas ko ng aking silid. Hapon na iyon at palubog na rin ang araw. Wala si Castor, wala rin si Mama at si Lolo. Kami lang pala ni Papa ang naiwan sa bahay. Hindi ko alam kung gaano ko katagal na tinitigan si Papa. NApangiti ako ng simple, maswerte ako dahil nakilala ko na sila, sina Mama at Papa.
"Naniniwala na ako na talagang gwapo ako."
Bahagya akong natawa sa sinabi ni Papa. Sumenyas siya na maupo ako sa tabi niya, kaya naman lumapit ako naupo sa tabi niya. Agad niya akong inakbayan
"Alam mo anak, mabait si Castor, masipag maaalalahanin, ma..."
"Alam ko Papa, di mo na kailangan sabihin." Sabi ko naman
"Boto ako sa kanya para sayo.."
Natawa ako sa sinabi niya. "Ano po?"
"Gusto ko siya ang maging manugang ko."
"Hala Papa, bata pa po ako.."
Niyakap ako ni Papa ng mahigpit. Hinalikan pa niya ako sa buhok ko.
"Kahit sino basta alam kong mamahalin ka, boto ako.."
"Pero bakit kay Zai...." Natigilan ako. Para kasing may kumirot sa puso ko ng maalala ko ang pangalan ni Zaiden
Inalis ni Papa ang pagkakayakap sa akin. Hinawakan niya ang dalawa kong balikat.
"Hindi dahil sa ayaw ko sa batang Alfiro na iyon. Kahit papaano ay naramdaman ko na minahal ka naman talaga niya.." sabi ni Papa
Inalis niya ang kamay niya sa balikat ko. Umayos siya ng upo.
"Ang Ama niyang si Valkoor, Malaki ang kasalanan sa akin at hindi ko iyon basta basta makakalimutan."
"Ano po bang ginawa ng Daddy niya?"
"Binalewala niya ang tiwalang ibinigay ko sa kanya. Alam mo anak, kahit saang relasyon ang tiwala ay isa sa pinakamahalagang sangkap para tumibay at tumagal ang isang relasyon, mapakaibigang relasyon, kai-bigan na relasyon, pampamilyang relasyon etsetera... oras na wala iyon o sabihin na natin na nagkalamat o nagkaroon ng bitak, mahirap ng mabuo iyon. Gaya ng basong ito."
Hinawakan ni Papa ang baso. Ngumiti siyang ipinakita iyon sa akin.
"Kung ang basong ito ang tiwala at biglang.."
Nakarinig ako ng mahinag c***k, napansin ko sa baso na may lamat na ito. Hindi ko masabi kung pag inalis ba ni Papa ang pagkakahawak sa baso ay mababasag ito.
"Napansin mo ba ang linyang ito? Ito ang sisira sa basong ito. At hindi mo masasabi dahil sa lamat na ito, pwede itong dumami para tuluyang mabasag ang baso."
Gaya ng sabi ni Papa, dumami ang linyang makikita sa baso. Mayamaya pa ay nabasag mismo sa kamay ni Papa ang baso.
"Nabasag ang baso dahil sa dami ng linya.. at tingnan mo.."
Ibinuka ni Papa ang kamay niya na may hawak sa baso kanina. May mga bubug ito at dumudugo ang kamay ni Papa. Bigla akong nag alala. Napahawak ako sa kamay niya.
"Papa.."
Napangiti naman si Papa. Mayamaya ay itinapat niya ang wand niya sa kamay niya. Isang kulay puti na ilaw ang lumabas sa wand niya at sa isang iglap, wala na ang mga sugat niya. Buo na rin ang baso na nakapatong sa lamesita.
"Illusion spell.." sabi niya sabay tawa
Napasimangot naman ako. "Papa, kaya ko naman intindihin kahit walang sample eh."
Natawa si Papa saka muli akong inakabayan.
"Bata ka pa anak, marami ka pang mararanasan sa buhay. At gusto ko maenjoy mo iyon kasama kami ni Mama mo." Sabi naman ni Papa
Napangiti ako. Naramdaman ko ang mainit na aura na nagmumula kay Papa. Ang relax niyang heartbeat.
"Pero anak, kung si Castor ang magugustuhan mo kapalit ni Zaiden Alfiro, masmagiging masaya ako."
Malungkot na ngiti ang ibinigay ko kay Papa.
"Hindi pa po ako ready Papa."
"Maghihilom din yan at makakalimutan mo siya." Sabi ni Papa