Chapter 5: Moving On (3)

1674 Words
Zaiden POV Halos ilang buwan na ang lumipas mula nun huli ko siyang nakausap. Bigla na lang kaming pinaghiwalay at ang masakit nito wala siyang malay ng mga oras na iyon. Natatakot ako sa maaring isipin niya, at hindi ko kaya na magkahiwalay kami ng tuluyan. Tok tok tok Napalingon ako sa may pintuan ng aking silid. Mula sa labas nito, narinig ko ang boses ni Kuya Justin. "Zaiden, may bisita ka." Sabi nito Nabuhayan ako ng loob nun marinig ko iyon. Mabilis akong tumayo sa pagkakaupo ko at nilapitan ang pintuan. Pumikit pa ako sabay sabi Oceane sana ikaw na yan, sana ikaw na yan.. Huminga muna ako ng malalim, inayos ko ang aking buhok at inamoy ang aking hininga. Kailangan na gwapo ako pag nagkita kami ni Oceane. Yayakapin ko siya ng sobrang higpit at.. Biglang bumukas ang pinto, iniluwa nito ang babaeng bigla na lang yumakap at humalik sa akin. Nagulat ako. Dahil sa pagkabigla ko, naitulak ko ang babae. "Ouch, why did you push me?" tanong nito Inihagis nito ang kanyang bag sa kama ko at naupo doon. Kababata ko sa Gaeia kaya feel at home siya kahit sa silid ko pa. "G-gaeia?... what are you doing here?" nagtataka ko naman na tanong "Dito na siya titira." Mula sa may pintuan ng silid ko, pumasok si Daddy sa kuarto ko. "What?" tanong ko "Mag aaral ako sa Academy.." sabi naman ni Gaeia "But why? Akala ko bas a Europe ka mag aaral? Di ba nakapasa ka sa Wizards Academy of Spell?" sabi ko naman "Yeah, pero sabi ni Tito para mainspired ka mag aral ditto na rin ako mag aral which I agreed kasi namiss din naman kita." Sabi pa ni Gaeia "I don't need inspiration kasi meron na ako." Sabi ko naman Napatingin ako kay Daddy na seryoso na nakatingin sa akin. Hinarap niya bigla si Gaeia. "Where do you want to stay? Bakante pa ang guest room.." sabi ni Daddy "Uhmm, pwede ba share na lang kami ng room ni Den?" tanong ni Gaeia sa Daddy ko "What? Gaeia hindi na tayo bata para magshare pa ng room. Gamitin moa ng guest room." Asar ko naman na sabi "I don't mind kung mag share kayo ng room." Sabi naman ni Daddy "No!" malakas kong sabi. "She will use the guest room." "Zaiden.. ako ang masusunod sa bahay na ito.." Mukhang napikon na rin si Dad sa inasal ko. Para mawala ang tense sa silid nag offer na lang si Gaeia. "I was just joking Uncle Val.. hindi na kami bata para magshare pa ng room." Sabi ni Gaeia Tumingin pa ito sa akin habang nagsasalita at kausap si Daddy. "Are you sure hija?" tanong ni Dad "Yes Uncle, but I have one favor.." sabi naman ni Gaeia "What is it hija?" "I want the guest room in the left.." sabi naman ni Gaiea "You mean the guest room beside this room?" tanong ni Dad "Yeah, ang room kung saan malapit ako kay Zaiden." Sabi pa ni Gaeia habang nakangiti. "Okay hija no problem..." sabi naman ni Dad Napatingin ako sa kanila. Anong plano ni Daddy? Siguradong may plano siya kaya nandito si Gaeia. "Seven, dalhin mo ang gamit ni Gaeia sa kabilang room. Ayusin mo rin ang silid para komportableng makatulog an gating bagong myembro ng pamilya." Sabi ni Daddy "Masusunod po Master Valkoor." Sabi naman ni Seven "Hija, samahan mo ako mag meryenda, may inihandang masarap na tea at cake si Seven dun sa garden." "Sige Uncle, namiss ko rin ang masarap na meryenda dito sa bahay nyo." Naglakad na palabas ng silid sina Gaeia at Daddy. Napatingin ako kay Seven, sa itsura nito mukhang naguguluhan din siya. "Young master, mukhang may plano ang Master Valkoor.." sabi ni Seven "Nararamdaman ko na rin yan Seven at hindi ko gusto iyon." Sabi ko naman Oceane POV Isang katok mula sa aking silid ang nagpabalikwas sa akin. Sa pagbabasa ko ng makapal na librong iyon nanakita ko sa library ng Academy. "Bukas yan.." sigaw ko Mayamaya pa ay bumukas na ang pintuan. Iniluwa noon si Castor. Kagaya ng normal niyang get up, nakapasok sa bulsa nito ang dalawa niyang kamay. "Naistorbo ba kita?" tanong ni Castor Umiling ako. Tama lang naman ang dating niya. Nabobore na rin ako sa pagbabasa. Lumingon ako sa bintana. Palubog na ang araw. "Mas maganda yan dun sa tambayan.." sabi ni Castor "Tambayan?" tanong ko Ngumiti naman si Castor. "Nakarating ka na doon diba?" Inisip ko pa kung nakarating na nga ako sa tambayan na sinasabi ni Castor. Nang maalala ko, napangiti ako. Dinala niya ako dun habang nakasakay ako sa kanyang likuran. Si Castor ang unang nagparamdam sa akin ng kaba na hindi ko maipaliwanag noon. "Oo naalala ko na." "Gusto mo doon natin panoorin?" tanong ni Castor Ngumiti ako saka tumango. Nagulat ako ng bigla akong buhatin ni Castor, napakapit ako sa balikat niya napara bang nakayakap ako sa kanya. "Ngayon na ba?" tanong ko "Oo, baka di natin maabutan ang paglubog ng araw kung mamaya pa tayo." Pagkasabi noon ay walang sabi sabing tumalon siya sa bintana ng aking silid at mabilis na nakatayo sa sanga ng puno malapit roon. "Baka hanapin tayo ni Mama at Papa.." sabi ko naman Ngumiti si Castor. "Naipagpaalam na kita bago ka pa pumayag." "Ano?!" gulat kong tanong Imbes na magreact si Castor, muli siyang tumalon pataas para makalipat kami ng ibang sanga ng puno, Halos malaglag ang puso ko ng biglang tumalon kami pababa para lumipat na naman ng ibang puno. Hindi ko alam kung ilang beses niya ginawa iyon basta ang naramdaman ko na lang ay nakalapat na ang paa ko sa sanga ng puno. Narinig ko pang bumulong sa may tenga ko si Castor. "Nangyari na ito diba?" bulong niya Hindi naiwasan ng puso ko na biglang kabahan. Totoo ang sinabi niya ganitong ganito ang posisyon naming nun una niya akong dinala sa tamabyan niya. "Humawak ka na sa akin, bababa tayo sa tambayan ko." Sabi niya Yumakap ako kay Castor at naramdaman ko na para bang nalaglag na ako at nakalapat na ang aking paa sa sahig ng munting kubo s apinakamataas na puno. "Nandito na tayo." Bulong niya Napatingin ako kanya. Hindi ko inaasahan na nakayuko pala siya kaya naman muntik na niya akong mahalikan nun tumingin ako sa kanya. Agad akong bumitaw sa pagkakayakap sa kanya. Zaiden POV Hindi ako lumalabas ng silid ko simula nun dumating kaninang umaga si Gaeia. Hindi dahil sa hindi ko siya gusto, kababata ko siya, magkaibigan kami. Nakaupo lang ako sa kama habang nakasandal sa headboard nito. Binabasa ko ang Wizard Times newspaper na binigay ni Seven kanina. Doon ko nabasa na hindi na pala active sa Magicae Ministerium si Miranda katulad ng dati at walang nakakaalam kung bakit ito nangyari. May grupo ng mga wizards na umatake naman sa Night Market nun nakaraang gabi, nangulo ang mga ito sa mga store na naroroon. Napabuntong hininga ako, wala man lang balita na magbibigay ng idea sa akin kung saan ko makikita si Oceane. Ilang araw pa bago ang pasukan, matagal pa iyon at hindi na ako makapaghintay pa. Napalingon ako sa may pintuan ng bigla itong bumukas. Isinara ko ang pintuan, sinigurado ko na walang ibang makakapasok. "Den, what are you doing here?" tanong ni Gaeia Hawak nito ang wand niya. "Ikaw anong ginagawa mo dito? I told you ayoko na papasok ka dito sa room ko." "Don't be so childish Den.." Mabilis siyang naupo sa tabi ko saka yumakap sa akin. Hinawakan ko ang kamay niya saka tinabig palayo. Lumayo ako sa kanya. Lumapit ako sa may bintana. "Gaeia, stop doing that. Baka makita tayo ni..." "What's wrong with that?!" tanong niya. "Ginagawa ko na naman talaga na yumakap sayo dati pa diba?" "Iba yun dati, iba na ngayon." Sabi ko naman "What is the difference? We're still friends right?" sabi ni Gaeia Tumayo siya sa kama at nilapitan ako. "Atsaka yakap lang yon, anong masama don? Hindi ba we kissed before..." sabi ulit niya Si Gaeia ang first kissed ko. Siya rin ang first crush ko at naging first love ko. Palagi siyang nandito sa bahay nun mga bata pa kami. After mamatay ng parents niya dahil sa ambush na ginawa ng mga Dark Wizards, halos 5 years kaming magkasama. Magkatabi kaming natutulog at sabay naliligo. "May iba ka na bang gusto Den?" tanong niya "Yeah meron." Simpleng sabi ko Bahagya siyang nagulat, pagkatapos ay ngumiti. Naupo siya sa tabi ko saka bumulong sa tenga ko. "So hindi ka na attracted sa akin?" bulong niya Lumayo ako ng bahagya sa kanya. Tumawa naman si Gaeia. "Bakit ka ba lumalayo?" "Dahil lumalapit ka." "Nagbago ka na talaga Zaiden Alfiro. Kaya kahit si Uncle Val, nagtataka na sayo eh.." "Wala siyang karapatan magtaka dahil siya ang dahilan kaya ganito ako ngayon." Sabi ko naman "What?!" tanong ni Gaeia "Bakit ka nandito? Bakit bumalik ka dito? Inutusan ka ba ni Dad? May plano ba kayo?" tanong ko "What's in you? Walang plano ang Dad mo, gusto lang niya na bumalik ka sa dati. And I'm here to help you." Sabi naman ni Gaeia Tinitigan ko siya, sinusuri ko kung nagsasabi siya ng totoo. Huminga ako ng malalim. Naupo sa kama ko sabay sinalo ng aking kamay ang ulo ko. Namalayan ko naupo sa tabi ko si Gaeia. "What's bothering you Den? You can open up with me just like before.." sabi ni Gaeia Gusto ko man mag open up sa kanya katulad ng dati ngunit hindi pwede. Maaring gamitin siya ni Dad para maslalo kaming mapaghiwalay ni Oceane. "Tara!" sabi ni Gaeia Hinila niya ako patayo sa kama. "Saan tayo pupunta?" tanong ko "Gusto kong mamasyal, ipasyal mo naman ako." Sabi nito Napatingin lang ako sa kanya. Mukha naman na di siya nagbago, malambing pa rin siya katulad ng dati. "Sige, tutal matagal naman tayo di nagkita.." Lumawak ang ngiti niya saka nagtangka na yakapin ako pero pinigilan ko agad siya. "Gaiea, friends lang diba?" sabi ko Sumamangot siya, nag pouty lip pa siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD