Zaiden POV
"Bakit ganyan ang itsura mo?"
Napalingon ako kay Gaeia saka muling ibinaling ang aking tingin kina Castor at Oceane na naglalakad na papasok sa loob ng dining hall.
"Wala naman." Sabi ko
Nagsimula akong humkbang pero pinigilan ako ni Gaeia dahil nakakapit siya sa braso ko.
"I don't believe you, Zaiden." Sabi niya
Hindi na ako nagsalita pa, muli tinangka kong humakbang pero gaya nun una, pinigilan na naman ako ni Gaeia.
"Ano bang ginagawa sa'yo ng babaeng yun at ganyan ang itsura mo?"
Napatingin ako kay Gaeia. "Sinong babae?"
Nagsmirked si Gaeia. "Hindi ako manhid Zaiden, mabilis akong makaramdam at makapansin. Alam ko na yung babaeng yun kanina ang dahilan kung bakit para kang pinagsakluban ng langit at lupa."
"Pwede ba Gaeia, wag kang mag imbento ng istorya." Inis na sabi ko
"Bakit naiinis ka?" tanong pa niya
Hinarap ko na si Gaeia, feeling ko kasi papakialaman niya ang buhay ko katulad ng ginagawa ni Dad.
"Zaiden, I'm not making story, and I am very sure of that."
"Kung sino man o kanino man ako affected at ganito an g itsura ko, wala ka na dun." Sabi ko
"Okay fine. Nagtatanong lang ako, hindi mo kailangan pagtaasan ako ng boses."
Iniwan ako ni Gaeia at naglakad na siya papasok sa loob ng dining hall.
Sa loob, hinanap ko kung saan naupo sina Castor at Oceane. Dahil late na ako pumasok sa loob ng dining hall, wala ng bakante sa tabi o sa tapat man nina Oceane at Castor. Napilitan akong maupo sa malayo sa kanila.
Agad akong kumuha ng pagkain sa lamesa at inilagay ito sa aking plato. Napansin ko ang lalaking nakaupo ilang estudyante ang layo sa akin. Nakatingin ito kina Oceane at Castor. Kumunot ang aking noo ng mapansin siya, naalala ko ang sinabi ni Castor sa akin nun isang gabi.
'Ano kayang plano niya kay Oceane?'
Hindi ko napansin kaagad na nakatingin na pala siya sa akin. Nakipagtitigan ako sa kanya.
"Hindi ba't ikaw ang kasintahan ng babaeng iyon?" tanong niya sa akin
Ang tinutukoy niya ay si Oceane. Hindi ako nagsalita, nakatingin pa rin ako sa kanya. Gusto ko siyang maramdaman, kung gaano siya kalakas at kung ano ang kaya niyang gawin. Alam ko na Spirit Guardian siya, at talagang malakas siya, ngunit mas maganda at mas masarap sa pakiramdam kung mararamdaman mismo ng katawan ko ang kapangyarihan niya.
"Hindi ako interesado sayo, Alfiro, kaya tigilan mo ang pag iisip ng mga bagay na imposible mong makita."
'Nababasa ba niya ang iniisip ko?'
"Alam mo kung ano ang tadhana mo, binata. Kung ako sa'yo hindi ako makikialam sa bagay na hindi ka naman makakatulong."
"Handa kong tulungan ang Infinity kahit kapalit nito ay buhay ko." Sabi ko naman
"Kung gusto mo siyang tulungan, hindi pa ngayon ang araw na iyon." Sabi niya. Pagkatapos ay tiningnan niya ako ng kakaiba. "Pero kung gusto mong kunin ko ang buhay mo ngayon, mapagbibigyan kita."
Hindi ako nakapagsalita, iba kasi ang naramdaman ko sa titig niya sa akin. Isa pa, unti unti kong nararamdaman ang paghapdi ng aking dibdib na para bang sinusunog. Nabitiwan ko ang hawak kong kubyertos dahil napahawak ako sa aking dibdib. Sobrang init ng aking pakiramdam, kung tatagal pa ang ganoong pakiramdam siguradong mamamatay ako.
Bago pumasok sa klase, dumaan muna ako sa CR di kalayuan sa silid namin. Naghilamos ako ng tubig para mas guminhawa ang aking pakiramdam. Ang buong akala ko kanina ay mamamatay na ako sa tindi ng naramdam ko. Ngunit biglang lumuwag ang aking paghinga at gumaan ang aking pakiramdam matapos ang ilang minuto na iparanas niya ang kapangyarihan niya sa akin.
'Ibang klase talaga ang kapangyarihan ng mga Spirit Guardian.'
Habang umaagos ang tubig sa aking pisngi, napatingin ako sa salamin. Kung sinasabi ni Castor na naiparanas na sa kanila ng Guardian na iyon ang kapangyarihan nito, ibig sabihin naramdaman din nila ang naramdaman ko kanina o baka higit pa sa ipinaranas nito kay Oceane. Hindi ko na naman maiwasan na mag alala sa kanya. Hindi ko siya matulungan dahil sa nangyari sa aming dalawa.
Napalingon ako ng marinig ko ang boses ng grupo ng mga estudyanteng lalaki papasok sa loob ng CR. Kinuha ko ang panyo sa aking bulsa, pinunasan ko ang aking mukha saka mabilis na lumabas ng CR.
Calin POV
Hindi ko inaasahan na makikita namin sa building namin si Brean, ang Spirit Guardian of Fire. Nakatayo ito sa gitna ng hallway at sa palagay ko hinihintay niya kami.
Katulad nun una ko siyang makilala sa gubat, huminto si Dhara ilang metro ang layo kay Brean kaya naman ako ay napahinto rin. Walang nagbago sa expression ng mukha ni Brean mula nun una ko siyang nakilala, si Dhara naman ay seryoso rin.
"Bakit kailangan mong makialam sa akin kanina?" tanong ni Brean
"At bakit naman hindi ako makikialam, kapatid ko?" sabi naman ni Dhara
"Hindi ba't binalaan na kita na wag mo akong papakialaman sa aking plano?" sabi nito
"Hindi naman plano mo ang pinakialaman ko, ang plano mo ay para lamang sa Infinity at hindi para sa ibang wizard na nakapaligid sa'yo kaya may karapatan akong makialam. Kaya naman, wala akong nilabag sa ating napagkasunduan."
"Palalampasin ko ang ginawa mo kanina, ngunit inuulit ko, wag na huwag mong guguluhin ang plano ko sa Infinity."
Muli hindi sumagot si Dhara, ngumiti lang ito kay Brean. Matapos silang magtitigan ng ilang Segundo, tumalikod na si Brean at umalis, kami naman ni Dhara ay nagpatuloy maglakad para sa susunod na klase namin.
"Anong sinasabi ni Brean? Ano bang ginawa mo kanina?"
Napalingon sa akin si Dhara, as usual nakangiti na naman ito.
"Tinangka niyang patayin ang binatang Alfiro kanina sa dining hall."
"Ano?!" gulat kong tanong
Kumpleto ang mga headmistress at headmasters kanina sa dining hall, marami rin estudyante ang nandun ngunit walang nakaalam o nakaramdam man lang sa nangyari, kahit ako ay walang idea.
"Ang buong akala ko ay tatakutin lang niya, ngunit kung nahuli pa ako sa pakikialam siguradong patay na ang binatang iyon."
"B-bakit ginawa ng kapatid mo iyon? Anong ginawa ni Zaiden Alfiro sa kanya?"
"Hindi ko rin alam."
"Paano mo tinutlungan si Zaiden Alfiro? Paano mo nagawang kontrahin ang kapangyarihan ng kapatid mo?"
Nagsmirked si Dhara sabay ginulo ang aking buhok. Gustong gusto kop ag ginagawa niya iyon sa akin, bilang taong lobo, isang uri ng paglalambing ang ginagawa niya, hindi tuloy maiwasan ng aking buntot na gumalaw galaw.
"Mahirap ipaliwanag ang lahat, Calin. Isipin mo na lang na nag laban kami at walang nakakita na kahit sino sa amin dalawa kanina." Nakangiting sabi ni Dhara
Oceane POV
Hindi ko alam kung ano ang dahilan ni Brean at ginawa niya iyon kay Zaiden. Ginagamit ba niya ito para ipaalam sa akin na totoo ang kanyang sinabi na kung may makikialam, papatayin niya? Pero wala naman alam si Zaiden, isa pa, hindi na siya parte ng buhay ko, bakit kailangan pa niya gamitin si Zaiden?
"Hindi ko talaga alam kung ano na ang nangyayari sa'yo."
Napalingon ako kay Castor. "Ha?"
"Anong iniisip mo ngayon?" tanong niya
Huminto ako sa paglalakad saka ko siya hinarap. Kailangan malaman ni Castor ang nangyari kanina.
"Kanina kasi sa dining hall..."
Nakatingin lang si Castor sa akin at naghihintay ng aking sasabihin.
"Ginamit ni Brean ang kapangyarihan niya kay Zaiden."
"Talaga?" kunot noon a tanong ni Castor sa akin
"Hindi ko alam kung bakit, wala naman alam si Zaiden sa nangyayari diba? Feeling ko plano ni Brean na gamitin si Zaiden."
"Bakit kailangan niya gamitin si Zaiden?"
"Ewan ko nga eh, mukhang tuso si Brean at mautak."
Napatingin ako sa may garden ni Prof Wylun. Kanina habang kumakain, naramdaman ko ang kapangyarihan ni Brean, mahina lang at hindi ko pa masyado gamay, dahil na rin sa nag aaral pa lang ako. Ngunit kahit ganoon malaki ang naitulong ni Dhara para masmapalawak ko pa ang kapangyarihan ko. Ang meditation at ilang technique sa pakikipaglaban ay naituro niya sa akin, ako na lang ang kailangan magpalawak at tumuklas pa ng mga bago kong kaalaman.
Naramdaman ko kanina ang kanyang aura sa loob ng dining hall, kahit pa kumpleto ang mga headmistress at headmasters, at mga estudyante, nagawa kong mahanap ang aura niya. Nakikita ko rin ang mga galaw nito, kaya naman nakita ko kanina ng pasukin ng halos 3 inches lang yata ng aura ni Brean ang katawan ni Zaiden, ngunit napansin ko ang naging epekto nito kay Zaiden. Halos ikamatay na niya ito kanina. Ang karimpot na kapangyarihan na iyon ay kayang pumatay ng tao sa ilang segundo lang. Gusto kong kontrahin ang kapangyarihan ni Brean kanina, ngunit hindi ko pa nasubukan muli ang ganoon technique mula nun ituro sa akin ni Dhara. Mabuti na lang at naging maagap si Dhara, nagawa niyang kontrahin ang kapangyarihan ni Brean kaya safe pa rin si Zaiden.
"Bakit ganyan ka makatingin?"
"Paano mo nalaman ang nangyari kanina? Ipinaramdam din ba sa'yo ni Brean ang ipinaramdam niya kay Zaiden?"
Umiling ako. "Hindi."
"Then paano mo nalaman?"
"Naramdaman ko si Brean at ang paglabas ng kanyang kapangyarihan."
Hindi nagsalita si Castor, nakatitig lang sa akin. Marahil nagtataka siya kung paano koi yon nagawa.
"Kung itatanong mo kung paano, hindi ko pa masasabi sa'yo." Sabi ko
Hindi pa rin nagsalita si Castor, imbes matapos akong titigan ay naglakad na ito at iniwan ako.