Castor POV
Ilang araw na kakaiba ang kilos ni Oceane. Sa tingin ko ay unti unti na siyang lumalakas sa training na hindi ko alam kung paano nya ginagawa. Wala siyang sinasabi sa akin, kahit pa palihim ko siyang sundan, nagagawa niya akong mahuli o kaya naman ay takasan. Pakiramdam ko ay may itinatago siya sa akin, at hindi naman ako papayag na magpatuloy siya sa ganoong pagtrato sa akin.
"Sermon na naman ba yan, Castor?"
Nakatambay kami sa bench malapit sa fountain. Kakatapos lang din kasi ng klase at super stress kanina dahil sa exam na ginawa namin. Kailangan iyon para makatuntong kami sa 3rd level sa susunod na semester.
"Oo kung yan ang tingin mo." Sabi ko naman
Sa tingin ko kasi ay tagilid siya sa aming exam kanina, hindi kasi siya nag aral o nagreview man lang kahit pa kinukulit ko siya na huwag muna magtraining kung ano man training ang kanyang pinagkakaabalahan.
"Masmahalaga ang training ko kesa sa exam na iyon." Sabi naman niya
"Parehong mahalaga iyon."
Huminga siya ng malalim. "Alam mo naman ang sitwasyon ko ngayon diba?"
"Pwede mo naman pagsabayin para hindi ka mahuli sa klase. Ikaw din lang ang iniisip ko, kung sa akin lang balewala naman ang mag- aral dito." Sabi ko
Hinarap ako ni Oceane, tumingin siya sa akin, seryoso.
"Okay fine, panalo ka na, ako na ang mali. But my point is hindi ako makapag concentrate sa pag rereview dahil alam ko anytime pwede akong gawan ng masama ni Brean. Walang pumapasok sa utak ko kahit anong review ang gawin ko, kahit magpuyat pa ako at mag memorize gabi gabi, wala talaga eh, walang pumapasok sa utak ko."
Tumahimik na ako, mukhang napipikon na siya sa akin, pero lihim akong napangiti. Atleast alam ko na hindi pa rin siya nagbabago, siya pa rin ang babaeng nakilala ko nun una pa.
"Kung ako ang tatanungin, Castor. Gusto ko ng matapos ang lahat ng ito." Sabi niya
"Ako rin naman, gusto ko ng mabuhay ng maayos at tahimik." Sabi ko
Huminga siya ng malalim. Ilang sandali pa, napansin namin na kanina pa nakatayo sa di kalayuan si Zaiden at palihim na nakatingin sa amin. Kahit pa nakatuon ang mata niya sa librong binabasa niya, hindi niya maitatago sa akin ang mga palihim na sulyap niya kay Oceane.
"Bakit di kayo maging magkasundo ni Zaiden."
"Anong klaseng tanong yan?" sabi niya
"It's a statement not a question." Sabi ko
"Makulit kasi siya, ipinipilit pa rin niya ang isang bagay na alam na niyang imposible."
"Baka iyon lang ang nararamdaman mo." Sabi ko
Napatingin na naman siya sa akin, kunot ang noo.
"What do you mean by that? Na may feelings pa rin ako sa kanya? Ganoon?"
"Well, hindi iyan ang gusto kong sabihin, pero ikaw na ang nag open nyan." Sabi ko
Tumaas ang isang kilay ni Oceane. "Tapos na ang lahat. Wala na akong feelings sa kanya."
"Then why don't you give him a chance, malay mo naman ganyan na rin ang nararamdaman niya para sa'yo."
"Alam mo ba ang sinasabi mo, Castor?"
"Oo naman."
"Paano kung magkaiba kami ng nararamdaman, siya may feelings pa sa akin, sino ba ang masasaktan?"
"Choice niya iyon, wala ka na kasalanan dun."
"Napaka imposible mo Castor, sa totoo lang."
"Ako nga may feelings ako sa'yo, alam mo yan pero pinili mo pa rin na maging friends tayo kahit pa alam mo na masasaktan ako."
Napalingon siya sa akin. Walang kahit anong boses ang lumalabas sa kanyang bibig kahit pa nakabuka ito.
"Mauna na ako, maghunt pa ako ng pagkain ko. Kita na lang tayo mamaya." Sabi ko
Hindi na siya nagsalita hanggang sa makalabas ako ng Academy. Mabilis akong tumakbo hangang sa marating ko ang gitna ng gubat. Huminga ako ng malalim, saka napailing.
'Ano bang nasabi ko? Nakakainis!'
Oceane POV
Matapos akong iwan ni Castor, ipinagpatuloy ko ang aking pagbabasa. Ito ang librong lemiscata na nakuha ko sa library noon. Maraming spell dito, makalumang spells na maaring makatulong sa akin para matalo ko si Brean.
May mga history din ng mga magagaling at legend na Wizards katulad ni Merlin, may mga philosopher din na ikinagulat ko dahil hindi ko inaakala na alam nila ang Wizarding World, ang isa na dito ay si Nicholas Flamel at ang asawa nito na si Perenelle, maging ang mga sikat na tao sa mundong kinalakihan ko ay kilala rin sa mundong ito dahil na rin sa kakaiba nilang abilidad at ang isa sa tinutukoy ko ay ang sikat na sikat na si Michel Nostredame o kilala sa pangalan na Nostradamus.
'Wow! Ngayon ko lang nalaman ang mga ito.'
Sobrang namangha talaga ako sa mga pangalan na nababasa ko. Ang mundong hindi ko alam na nag e- exist ay matagal na pa lang nakikihalubilo sa mga tao.
"Hi!"
Napatingin ako. Si Zaiden Alfiro, nakatayo sa harap ko.
"Hi!" sabi ko naman
"Pwede akong maupo?" tanong niya
Nagsmirked ako. "Kung sabihin ko na bawal?"
Ngumiti lang si Zaiden saka naupo sa tabi ko. Ako naman ay nagpatuloy sa pagbabasa ng libro.
"Kamusta ang exam mo?" tanong nito
"Mukhang hindi ako makakapasa." Simpleng sabi ko
"Ayos lang yan." Sabi naman niya
Napatigil ako sa pagbabasa sa sinabi niya. 'Ayos lang?! Gusto ba niya na bumagsak ako sa exam?'
"Magaling ka naman kaya imposible na bumagsak ka." Sabi niya
Bahagya akong ngumiti sa sinabi niya at hindi na ako nagsalita. Ipinagpatuloy ko ang pagbabasa, at ganun din siya sa hawak niyang libro.
"Den, you're here."
Napatingin ako sa babaeng nakatayo sa harapan namin ni Zaiden. Maganda ito, mahaba ang medyo curly nitong buhok, maganda rin ang mga mata. Mukha siyang naka make up pero pag tinitigan mo ay wala naman siya kolorete sa mukha niya.
"Bakit nandito ka? Bawal ka dito." Sabi ni Zaiden
"I know, napadaan lang ako." Sabi naman ng babae
Ibinalik ko ang tingin ko sa librong binabasa ko, wala na akong paki sa usapan nila.
Zaiden POV
Gulat na gulat talaga ako ng mapansin na papalapit si Gaeia sa kinauupuan namin ni Oceane. Napalingon ako kay Oceane, busy ito sa pagbabasa ng libro at hindi nito napansin ang paglapit ni Gaeia sa amin. Tatayo sana ako para hindi na siya makalapit pa sa aming dalawa, sasalubungin ko na lang sana siya at ilalayo kaso ang bilis niyang naglakad at hindi na ako nakakilos pa.
"Den, you're here." Bati niya
"Bakit nandito ka? Bawal ka dito." Sabi ko naman
Bahagya akong sumulyap kay Oceane, para makita lang ang reaction niya. Napatingin siya kay Gaeia pero after nun ay ibinalik nito ang mata sa binabasang libro.
"I know napadaan lang ako." Sabi nito
Napansin ko ang hawak niyang libro. Naupo pa ito sa tabi ko.
"Wala ng klase kaya pwede akong tumambay dito sa fountain nyo." Sabi ni Gaeia
"Pero.." sabi ko naman
"Hindi naman ako mang iistorbo." Sabi pa ni Gaeia. Tiningnan nito si Oceane na busy pa rin sa pagbabasa. "Hi, would you mind if makishare ako ng pwesto dito?"
Napalingon si Oceane, pagkatapos ay tumingin sa akin bago ibinalik ang tingin kay Gaeia.
"Oo naman. Sabi mo nga tapos na ang klase, maari ka ng tumambay dito." Sabi naman ni Oceane
Ngumiti si Gaeia. "Yeah!"
Tiningnan ko ng masama si Gaeia ng harapin muli ni Oceane ang binabasang libro. Nakataas lang ang kilay ni Gaeia at nakangiti pa sa akin na para bang sinasadya ang lahat.
"Look Den, may nakita akong libro sa library, mukhang interesting ang nakasulat. " sabi ni Gaeia
"Pagod ako Gaeia, mauuna na akong umalis." Sabi ko
Nagulat ako ng hawakan ni Oceane ang braso ko, napatingin kami ni Gaeia sa kanya.
"Bakit iiwan mo ang kaibigan mo dito after ka nya bisitahin. Ako na lang ang aalis, may gagawin pa din kasi ako." Sabi ni Oceane
Tumayo siya saka niyakap ang makapal at lumang librong hawak niya.
"Okay, that's so sweet. Anyway, I'm Gaeia, Zaiden Alfiro's girl friend." Pakilala ni Gaeia
Napatingin si Oceane sa akin pagkatapos ay kay Gaeia.
"Nice meeting you. Si Zaiden na ang bahalang magpakilala sa akin sa'yo. I really need to go. Bye!"
Mabilis na tumalikod si Oceane at naglakad papalayo. Hinarap ko naman si Gaeia. Inis ako sa ginawa ni Gaeia
"What the hell are you doing?" tanong ko
"Just want to see her reaction.." sabi naman ni Gaeia
"Hindi ako natutuwa sa ginawa mo." Sabi ko
"I don't care.." sabi ni Gaeia. "Hindi para sa'yo ang ginawa ko."
"Tsk!" reaction ko sabay iling.
Inayos ko ang librong hawak ko, isinara ito at tumayo na rin ako. Mukhang mababadtrip na naman ako kay Gaeia.
"If I know, na curious ka rin sa magiging reaction niya if makausap ko siya." Sabi ni Gaeia
"You're wrong!" sabi ko "Kilala ko siya, kaya hindi mo na kailangan gumawa ng kung ano ano para lang magpapansin."
"Really? So hindi ka hurt ngayon dahil balewala ang presensiya ko sa kanya? Aren't you threatened na baka may iba na siyang ipinalit sa'yo?" sabi niya
Hinarap ko muli si Gaeia. "We're friends Gaeia, walang magbabago dun. Affected man siya o hindi, wala ka ng pakialam pa. And besides, bakit kailangan ko ma threatened sa presence mo? Who are you? Sa ginagawa mo, ako ang nahihiya para sa'yo. So please stop being desperate."
Pagkasabi ko nun ay umalis na rin ako. Iniwan ko na siyang mag isa sa bench.