Chapter 26: The Earth and Fire (2)

1265 Words
Castor POV Napaisip ako, sa palagay ko may punto siya. Ang malaman ko na may magulang ako, na isa rin akong pure blood wizard ay hindi ko basta basta natanggap, ito pa kayang malaking rebelasyon na ito? Baka nabaliw na ako nun. Umiling ako sa bilang sagot sa tanong niya. "Alam mo, ang lahat ay may proseso. Maging ang paghinga mo ay may proseso na sinusunod hindi ba? Ang buhay mo, may proseso din na sinusunod, o kahit sinong tao, lahat may proseso. Nangyari lang na ikaw ang napili, ikaw ang espesyal sa lahat ng nabubuhay, dahil ikaw lang ang may kakayahan na iligtas ang mundong ito laban sa kadiliman. Ngayon lang, ngayon mo lang kami nakilala dahil alam namin na handa ka na, na tanggap mo na ang kapalaran mo, ang nakatadhana sa'yo. Hindi katulad nun una kitang nakilala. Napaka bata mo pa at napaka inosente, ang akala mo lahat ng magic ay may trick na sinusunod, lahat ay may pandaraya. Kahit ang pagtitiwala sa tao ay hirap na hirap ka pa." "Wait, bakit mo alam ang tungkol diyan?" "Dahil bata ka pa lang magkakilala na tayo." "Anong sinasabi mo?" Sa harapan ko mismo, nag iba iba siya ng anyo at mukha. Nanlaki ang mata ko. Lahat ng taong nakausap at na meet ko sa mundo ng mga tao ay nagagaya niya, mula sa pari, madre, magtataho, teacher ko nun gradeschool at high school, tindera sa palengke at marami pang iba. "Paanong...." Naguguluhan kong tanong habang patuloy siya sa pagpapalit ng anyo at itsura. "Can't you realize? Lahat ng taong ito, ay ako. Magkasama na tayo simula ng magkaisip ka hanggang sa mapunta ka sa mundong ito." "Ang.. ang akala ko isa kang... Guradian Angel." Nagsimula na akong maiyak. Naalala ko kasi ang lahat ng taong ipinakita niya sa akin sa pamamagitang pagpapalit niya ng anyo at mukha ay ang mga taong nagligtas at tumulong sa akin para mabuhay ako sa mundo ng mga tao. "Parang ganun na nga." Simpleng sabi nito Pinahid niya ang luha ko na umaagos na sa magkabila kong pisngi, nagsimula na rin akong suminghot at humikbi. "Umpisahan na natin ang pag aaral mo, para mapahiya si Brean sa mga iniisip niya tungkol sa'yo." "A-anong ituturo mo sa akin?" Napangiti lang si Dhara, saka mabilis na tumayo. Inilahad pa niya ang kanyang kamay, para hawakan ko iyon at maalalayan niya akong tumayo. Castor POV "Tsk, sinasabi ko na nga ba, tumakas na naman siya." Nakatayo ako sa harapan ng kama niya habang hawak ang kumot na inalis ko mula sa kama. Isang ghoul ang kanyang ginawa para magpanggap na siya ito habang ang totoong siya ay lumabas sa Academy para mag ensayo. "Inaakala mo talaga na, maloloko mo ako ng ganitong klaseng trick." Nailing kong sabi Gamit ang wand ay itinupi ko ang kumot at inayos ang kama matapos kong idispell ang ghoul na ginawa niya para lang malinlang ako. "Saan na naman kaya siya nag ensayo?" Nakatayo na ako sa may bintana habang nakatingin sa malaki at mataas na gate ng Academy. Oceane POV "Salamat Dhara!" sabi ko Nakatingin lang siya sa akin. Dahil malapit na sumikat ang araw, niyaya na niya ako bumalik sa Academy. Sabay kaming naglakad pabalik sa Academy, inihatid pa niya ako sa pintuan ng dorm ko. "Tandaan mo lang ang itinuro ko, hindi mo naman kailangan magmadali sa lahat ng bagay. Pwede mo iyan gawin sa loob, hindi mo na kailangan tumakas pa para lang makapag ensayo." Sabi ni Dhara "Tatandaan ko." "Sige, walang makakakita sa'yo hanggang sa makapasok ka sa loob ng silid mo." Ngumiti lang ako at pumasok na sa loob ng dorm. Mula sa labas ng aking silid, nakatayo si Zaiden at mukhang hinihintay niya akong lumabas. Nagtangka rin siyang kumatok ngunit bago lumapat ang kamao niya sa pintuan, nagbago ang isip niya. Tama si Dhara dahil hindi ako nakikita o napapansin man lang ni Zaiden. Kahit pa ilang inches lang ang pagitan namin sa isa't isa. Ilang sandali pa ay naglakad na muli pabalik ng kanyang silid si Zaiden, ako naman ay pumasok na sa loob ng aking silid. Castor POV "Kamusta?" Nakatayo sa may pintuan si Oceane, nakahawak ito seradura habang nakaharap sa pintuan. "Castor." Sabi lang niya "Tumakas ka na naman kagabi." Sabi ko Naglakad siya papunta sa CR. Mula sa loob ay nag uusap kaming dalawa. "Hindi ako tumakas, alam mo naman na nag eensayo ako diba?" "Sinabi ko sa'yo na sasamahan kita diba?" Narinig ko ang pagbukas ng shower sa loob ng CR. Ako naman ay sumandal sa pader malapit sa may CR, habang nakapasok sa bulsa ang aking dalawang kamay. "Hindi na kailangan." Sigaw ni Oceane mula sa loob ng CR "Bakit hindi na kailangan?" Hindi na siya sumagot sa tanong ko, hindi ko alam kung hindi niya narinig o hindi lang siya interesado na sagutin ito. Napailing ako saka lumayo sa may CR, naupo ako sa bintana, itinaas ang paa at ipinatong sa kabilang bahagi ng bintana at sumandal naman sa kabilang parte. HInintay ko na lang siyang matapos maligo, medyo maaga pa naman kaya maari pa siyang mag enjoy sa loob. "Dahil alam ko na kung ano ang dapat kong matutunan at malaman." Nagpapatuyo siya ng buhok gamit ang towel, bihis na rin siya. Kinuha ang suklay sa drawer niya. "What?" "Hindi ba't tinatanong mo ako kanina?" sabi naman niya Sunod lang sunod ang aking mata sa bawat galaw at kilos niya habang paikot ikot sa kanyang silid. "So, ano ang dapat mong malaman at matutunan?" Nakangiti siyang tumingin sa akin, pagkatapos ay nilapitan ako. "Will you believe na may isang taong nagturo sa akin?" "Sino?" Wala akong idea kung sino ang maaring magturo sa kanya, wala ang mag asawang Nazar at Miranda, wala rin ang matandang Elf at mas imposible na si Zaiden Alfiro ang tinutukoy niya dahil hindi sila masyadong nagkikita at nag uusap. Napansin kong bahagya siyang natigilan. Para bang may malalim na iniisip o isang bagay na biglang naalala. "Sino ang nagturo sa'yo?" tanong ko ulit "W-walang nagturo sa akin." Simpleng sbi niya Bumalik siya sa kama niya at inayos ang mga gamit na dadalhin sa klase. "Wala? O ayaw mo lang sabihin sa akin." "It's complicated." Sabi niya "Wow, parang relationship lang pala yan." Sabi ko naman Napailing lang siya saka binuksan ang pintuan ng kanyang silid, ako naman ay naglakad na rin papalabas sa kanyang silid at sabay kaming naglakad papalabas sa dorm. "Bakit ba ayaw mo sabihin?" "Sorry Castor, hindi muna ngayon, alam mo naman na daig ko pa ang may cctv na nakakabit sa akin." Sabi niya "Cctv?" maang na tanong ko "Basta! Wag muna ngayon Castor, mainit ang mata sa akin ni Brean ngayon." "So anong kinalaman naman nun?" pangungulit ko Huminto siya at hinarap ako, pagkatapos ay lumingon lingon sa paligid. Ako naman ay nakatitig lang sa kanya. "This is for my own safety, Castor. Sana maintindihan mo. Sasabihin ko din naman sayo pag tapos na kami ni Brean but for now, just trust me okay?" Habang nagsasalita siya at nakatitig ako sa kanya, kakaiba ang napansin ko, worried siya pero confident naman. Hindi ko alam bakit siya worried. Huminga ako ng malalim. "Okay fine." Ngumiti naman siya saka kami nagpatuloy sa paglalakad. Nang makarating kami sa dining area, napansin namin si Zaiden Alfiro na nakatingin lang sa amin at may kasama siyang babae na nakayakap pa sa kanyang braso. Napalingon ako kay Oceane, hindi ko alam kung hindi niya ito napansin o nakita man lang dahil diretso pa rin siya sa paglalakad hanggang sa tuluyan kaming makapasok sa loob ng dining area.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD