Oceane POV
Habang naglalakad ako sa hallway ng dorm namin, naramdaman ko ang presensiya ni Brean. Bahagya akong napangiti, nararamdaman ko na siya, at tanging sa kanya lang nakatuon ang aking aura, ito ang naituro ni Dhara. Nagtatago siya sa likod ng pillar.
"I know you're there.." sabi ko
Hindi ko inalis ang aking tingin sa pillar di kalayuan sa kintatayuan ko, ilang sandali pa lumabas na si Brean. As usual, his maangas looks is there. Akala mo di papahuli ng buhay, na parang anytime papatay ng tao, the way he stares, masyadong intimidating.
Nagsmirked si Brean. "Impressive, mukhang nasasanay ka na sa presensiya ko."
Hindi ako ngumiti o nagreact sa kanyang pang aasar, nakatingin lang ako sa kanya habang unti unti siyang naglalakad papalapit sa akin.
"The way you look at me, it looks like you're ready to fight me." Sabi niya
"Bakit puros laban ang nasa isip mo, Brean? Bakit hindi mo na lang i-enjoy ang paggiging estudyante dito?" tanong ko. "Alam mo na, maging isang normal na tao."
Tuluyan na siyang nakalapit sa akin. Matapos niya akong titigan ay inikutan niya ako, na para bang sinusuri ako mula ulo hanggang paa.
"Normal? As far as I know, walang normal dito sa mundo natin. Sabagay, sa kinalakihan mong mundo, normal nga silang maituturing." sabi niya
Tumahimik ako. Patuloy siya sa pag ikot sa akin.
"Honestly, nag eenjoy ako. Sino ba naman ang hindi mag eenjoy habang pinapanood ang mga taong katulad nyo?" sabi pa nito
"Anong ibig mong sabihin?"
Huminto siya sa harapan ko nagsmirked pa ito bago muling nagsalita.
"Sa isang kakarimpot na kapangyarihan, ang mga tao, akala mo ay sila na ang pinaka malakas at makapangyarihan na nilalang sa mundo. Bakit ko nasabi?"
Habang nakatitig siya sa akin, napansin ko ang lungkot sa kanyang mga mata. Hindi ko maipaliwanag kung bakit ko nakikita iyon, samantalang dati ay tumatagos pa sa aking kaluluwa ang mga titig niya. Bahagya akong nagulahan at napaisip.
"Ang mga taong nakatikim ng karimpot na kapangyarihan, mayayabang!" may himig ng inis sa kanyang sinabi. "Akala mo ay pag aari na nila ang lahat ng nabubuhay.. ang panghuhusga, pang aalipusta at pangmamaliit sa kapwa nila tao ay sadyang nakakairita."
"Hindi ba't ganyan ang ginagawa mo sa akin?"
Nagulat ako ng hawakan niya ang aking baba. Mainit ang kanyang balat, hindi maipagkakaila na pag aari niya ang kapangyarihan ng apoy.
"Hindi ganyan ang tingin ko sa'yo, babae. Nararapat lamang na maging maangas at mayabang ako sa iyong paningin. Ako ang Guardian of Fire, ang kapangyarihan ko ay higit pa sa kaya kong ipagyabang at sa kaya mong makita."
Hindi ako nakapagsalita, may point naman siya. Malakas siya at makapangyarihan, ano pa nga ba ang ipang babara ko eh nagsasabi naman siya ng totoo.
Hindi ko maiwasan na pamulahan ng mukha ng mapansin na tumahimik siya habang nakatingin sa aking mata pababa sa aking ilong hangang sa tumigil ang kanyang mga mata sa aking mga labi.
Bahagya akong lumingon, dahilan iyon para maalis ang pagkakahawak ng kanyang mga daliri sa aking baba. Narinig ko na naman na nagsmirked siya.
"Katulad nun sinabi ko sa'yo, maganda ka, babae." Sabi nito.
Nag cross arm ito saka muling nagsalita. "But it doesn't mean I will change my mind."
Umiling pa ito saka ako tinalikuran. Ilang hakbang na rin ang nagawa niya saka ako nagsalita.
"Bakit hindi mo ako subukan ngayon? Lalabanan kita." Sabi ko
Though kinakabahan ako, hindi naman halata sa boses ko. Huminto siya sa paglalakad saka muling humarap sa akin, sa oras na yon, ang mga kamay niya ay nasa loob ng bulsa sa suot niyang sweat shirt. Malamig na rin kasi ang panahon, kaya lahat kami may suot na sweater.
"Bakit kailangan mo pa ako bigyan ng warning sa araw na gusto mo? Bakit hindi mo na lang samantalahin ang pagkakataon habang sabi mo nga mahina ako." Sabi ko
"Isa akong Guardian, babae. I want you to give me a good fight. Sa tingin mo ba, I will take advantage of you? I am not in a low level Guardian." Sabi nito
This man is really getting into my nerves. Pinipigil ko ang sarili ko na may masabing di maganda, pero talagang naiinis na ako. Kanina lang ang symphaty niya ay nasa mahihinang tao ngayon ay mayabang na naman siya.
"If you want a good fight, I will give it to you, Brean." Sabi ko
"This is not yet the time, magugulat ka na lang pag inaatake na kita. Ibig sabihin, mabibigyan mo na ako ng magandang laban."
Tumalikod muli ito saka naglakad papalayo. Ako naman ay nakatingin lang sa kanya habang nanggagalaiti sa inis. Ang ayoko ko talaga sa lahat ay mayabang, kahit sabihin pa na may ipagyayabang.
Zaiden POV
Hindi talaga ako natutuwa sa ginawa ni Gaeia, hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin ito, hindi dahil sa affected ako ng sobra kundi dahil pakiramdam ko napahiya ako kanina. Sa ginawa ni Gaeia, lumalabas na masyado akong desperado na malaman ang magiging reaction ni Oceane.
'Ah pathetic!'
Pabagsak kong ibinaba sa study table ko ang librong hawak ko. Pagkatapos ay dumiretso ako sa may bintana at naupo doon. Mapapansin ang mga moist sa glass window, malamig na kasi ang panahon.
'Ilang lingo na lang pala, birthday na ni Oceane...'
Huminga ako ng malalim. Hindi na talaga maaring ibalik pa ang tapos na. Nanghihinayang ako, pero wala na ako magagawa. Pareho naman kami ni Oceane na pagkukulang sa relasyon namin, at baka nga kailangan muna namin ng space para mas maintindihan ang isa't isa.
"Masyado ng malalim..."
Napalingon ako sa nagsalita. Nakatayo sa may pintuan ng CR si Castor. Hindi ko namalayan ang pagpasok niya sa aking silid, malamang sa pintuan ng dorm siya dumaan dahil nakatambay ako sa may bintana sa usual niyang dinadaanan.
Nakasandal si Castor sa pader habang nakataas ang isang paa at nakasandal din sa pader at ang dalawang kamay ay naka cross arm.
"Malalim ang ano?" tanong ko
Nagsmirked si Castor. "Ang iniisip mo."
Bahagya akong natawa sa naging reaction ko, mukhang slow na yata ako ngayon.
"Kamusta naman ang exam?" tanong ko
Naglakad siya papalapit sa akin. "Katulad ng inaasahan ko, walang kwenta."
Natawa ako sa sinabi niya. Para kasing pambata ang mga exam, may logic at mga spell. Ngunit hindi iyon ang mahirap doon kundi ang twist na ginawa ng mga examiner.
"Alam mo ang sinasabi ko.." sabi ni Castor
"Si Oceane, sabi niya mukhang tagilid siya sa exam." Sabi ko
"Masyado siyang nagko- concentrate sa laban niya kay Brean." sabi ni Castor
Hindi ako nagsalita. Huminga lang ako ng malalim. Malapit na talaga si Castor kay Oceane, at ako, malayo na.
"Ano nga palang ginagawa mo dito? May kailangan ka ba?" tanong ko
"Sino ang babaeng palaging nakadikit sa'yo?" tanong ni Castor
Hindi ko inaasahan ang tanong ni Castor. Bakit kailangan niya malaman kung sino si Gaeia? Para ano? Nakilala na siya ni Oceane kanina, so anong reason?
Nagsmirked si Castor, pagkatapos ay nilapitan ako.
"Alam ko ang iniisip mo, but you're wrong." tinapik pa ni Castor ang balikat ko
"Well, she's my old friend.. a family friend actually." sabi ko naman
Natigilan si Castor, nakatitig siya sa akin na para bang may gusto siyang malaman pero hindi ko makuha kung ano.
"Bakit interesado ka sa kanya?" tanong ko
Imbes na sagutin ang tanong ko, tinalikuran ako ni Castor. Naglakad ito papalapit sa pintuan ng aking silid.
"Bakit interesado ka sa kanya Castor? Anong iniisip mo?" tanong ko ulit
Nabuksan na niya ang pintuan ng aking silid bago siya lumingon sa akin. Hindi kaagad siya nagsalita. Uulitin ko sana ang tanong ko ngunit naunahan na niya ako.
"Gaano mo siya kakilala, Zaiden?" tanong niya
"W-what?" nagtataka kong tanong
Hindi na ako sinagot ni Castor, tuluyan na siyang lumabas ng aking silid. Ako naman ay naguluhan at nagtaka sa tanong niya.
May gustong sabihin si Castor, may alam siya na hindi ko alam.. Ano kayang gusto niyang sabihin?