Miranda's POV
"Oh akala ko ba tinawag mo yung dalawa?" tanong ko
Mag isa lang kasing pumasok sa loob ng kusina si Nazar, ang buong akala ko ay kasunod na niya si Oceane at si Castor. Dumating na rin si Old Elf.
"Asan na ang dalawang bata?" tanong ni Old Elf
"Asa terrace pa, busy.." sabi ni Nazar
Naupo na siya sa lamesa. Dahil may kakaiba sa ngiti ni Nazar, naisipan kong puntahan sila sa terrace. Pero bago pa ako makahakbang ay nahawakan na ni Nazar ang aking braso para pigilan ako.
"Kasunod ko na sila.. maupo ka na." sabi niya sa akin
Naupo naman ako at sumandok ng pagkain, ilang sandali pa ay dumating na sina Castor at Oceane. Mukhang masaya ang dalawa. Magkatabing naupo.
"Bakit ang tagal nyo sa terrace, kanina ko pa kayo pinapatawag kay Nazar." Sermon ko
"Kasi nga busy.." sabi naman ni Nazar
"Ewan ko sayo Nazar." Sabi ko pagkatapos ay binalingan ko sina Castor at Oceane." May namamagitan na ba sa inyong dalawa?"
Natigilan sa pagkain sina Castor at Oceane. Si Oceane ang sumagot.
"Wala po Mama. Magkaibigan lang po kami." Sabi niya
Hindi ako sumagot pero tinitigan ko silang dalawa. Kahit ayoko na magkatuluyan o magkamabutihan sina Castor at ang aking anak, mas okay na nakikita kong masaya siya pagkatapos ng mga nangyari. Malaki ang kasalanan ko sa aking anak, kaya naman hinihiling ko kay Merlin na ibaon na lang sa bangin ang lahat.
Zaiden's POV
Malalim na ang gabi pero wala pa rin dito si Oceane. Tumakas ako sa bahay para lang pumunta dito sa Serenity falls sa pag aakalang matatanggap ni Oceane ang aking munting hiling kay Merlin. Malamig na ang hangin at nararamdaman ko na rin ang lamig.
Naghintay ako hangang maghating gabi ngunit wala pa rin siya, kaya naman naisipan ko na umuwi,sumakay ako sa broomstick .
Sa bintana ako dumaan para di ako mahuli. Maingat kong itinago sa likod ng drawer ko ang broomstick. Nahiga ako sa kama, kinapa ko pa ang unan para masigurong naroon pa rin ang ginawa kong spell.
Hindi ako magsasawang maghintay sa Serenity Falls gabi gabi para lang makausap kita Oceane..
Napangiti ako ng magflashback ang scene nun una kaming magkita hangang sa mawala ang ngiti ko sa labi nun sa eksenang ginamitan ako ni Dad ng spell para pgilan na sumama kay Oceane, wala siyang malay nun at ngayon, nasasaktan ako dahil sa pagtatago kong ginawa kanina, parang hinayaan ko na mapalayo siya sa akin, na maging close talaga sila ni Silverwood.
"Mukha kang engot..."
Napatingin ako sa liwanag sa kisame, naroon si Altheia nakaupo sa hangin at nakatingin sa akin.
"Altheia..." sabi ko
Tumaas ang kilay niya. Pagkatapos ay lumipad siya papalapit sa akin, hinayaan ko siyang maupo sa aking palad.
"Ano yon?" sabi niya
"Ha?" tanong ko naman
"Kilala na kita Zaiden, sa itsura mong yan alam kong may gusto kang ipagawa sa akin." Sabi niya
Maslumawak ang ngiti ko. Ang totoo, kaya ako napangiti kanina dahil matagal kaming hindi nagkita ni Althea. Siya kasi ang maliit kong bestfriend na halos nakakakilala sa akin. Pero dahil iba ang naisip niya sa magiliw kong pagbati sa kanya, sasamantalahin ko na rin.
"Masaya lang ako dahil naisipan mo ako dalawin, lalo na sa panahon ngayon..."
"Bakit? Makulimlim ba ang panahon mo ngayon?"
Bahagya akong natawa sa sinabi niya.
"Let us say na parang ganun na nga.." sabi ko naman
"Tungkol na naman ba yan sa babaeng kinalolokohan mo?"
Bago pa ako makasagot lumipad na papalapit sa pintuan si Altheia.
"Dito na siya nakatira?!"
"Hindi si Oceane yan.."
"Ha? Eh sino?"
Lumipad si Altheia hangang sa maabot niya ang siwang sa pintuan at masilip ang tao sa labas ng silid. Mayamaya pa ay mabilis siyang lumipad papalapit sa akin, masyado na siyang malapit sa mukha ko habang nakayakap siya sa aking ilong.
"Anong ginagawa ng babaeng iyon dito?" takot na sabi ni Altheia
"Dito na siya titira.. kinuha na siya ni Dad." Sabi ko naman
Takot na takot si Altheia kay Gaeia dahil sa ginawa nito sa kanya.
"Aalis na ako.." sabi niya
Pero bago pa siya makalayo, napigilan ko na siya.
"Don't worry, ako bahala sayo, hindi na ako papayag na masaktan ka niya. Promise.." sabi ko
"Pero natatakot ako sa kanya..."
"Hindi ka na niya masasaktan Altheia okay, just relax.." sabi ko
Sandaling tumingin sa may pintuan si Altheia pagkatapos ay tumingin ulit sa akin.
Castor POV
Naglalakad kami ni Oceane sa hallway ng Academy papunta sa library. Tahimik lang siya habang seryosong naglalakad, binabasa ko ang kilos niya ngunit blanko, para bang hindi ko siya kilala ng mga sandaling iyon.
"Why so serious?" tanong ko
Napalingon naman siya sa akin, kunot noo.
"Am I? Really?" tanong niya
Tumango naman ako. "You look scary."
Bahagya siyang natawa sa sinabi ko. Ilang hakbang pa bigla siyang huminto siya sa paglalakad. Nakatitig siya sa di kalayuan. Napatingin naman ako sa kanyang tinititigan. Mula sa aming unahan, makikita ang dalawang estudyante na naglalakad rin sa hallway, nakayakap sa braso ng lalaki ang babaeng estudayante. At kahit ganun kalayo ang pagitan naming sa dalawang estudyante, kilala ko at siguradong kilala ni Oceane ang lalaki.
Bumalik ang aking tingin kay Oceane, bagaman walang luha makikita ang pag iiba ng timpla ng kanyang mukha. Malungkot nag alit, halo halong emosyon ang nababasa ko sa kanya.
Huminga ako ng malalim saka ko hinawakan ang kanyang kamay.
"Let's go.." bulong ko
Hindi siya tumingin sa akin o nagsalita man lang pero sumabay siya sa aking paglalakad. Hindi niya inalis ang kanyang mga mata sa aming unahan.
Pinisil ko ang kanyang kamany nun tumapat kami sa library, para naman siyang naalimpungatan sa ginawa ko dahil napatingin siya sa akin.
Bahagya akong ngumiti. "We're here."
Napatingin siya sa pintuan sa aming harapan. Hinawakan niya ang seradura ng pintuan saka siya walang lingon na pumasok sa loob. Ako naman ay lumingon pa sa kinaroroonan nila Zaiden at ng babaeng halos pumulupot na sa kanyang katawan.
Sa loob ng library agad kong hinanap kung saan naupo si Oceane. Bahagya pa akong nagulat ng mapansin na maraming estudyante sa loob. Ang iba'y tumatambay at nakikipag kwentuhan, meron na naman na parang nagliligawan, may napansin din akong mga estudyante na kung makatitig sa binabasang libro may exam kinabukasan. Naailing na lang ako, bagaman gusto ko ng tahimik na lugar, hindi naman ganitong klase.
Mula sa siwang ng isang shelf, nakita ko si Oceane, tahimik itong nakatingin sa libro. Habang nilalapitan ko siya, napapansin ko na hindi naman siya nagbabasa, sarado ang libro at walang kurap na nakatitig siya dito. Hindi nga niya namalayan ang pag upo ko sa kanyang tabi.
Hinawakan ko lang ang kanyang buhok na bahagyang tumakip sa kanyang magandang mukha.
"Castor naririnig mo yun nagsasalita?" tanong niya
Kumunot ang noo ko. Vampire ako at malakas ang aking pandinig ngunit wala akong naririnig na boses katulad ng sinasabi niya.
"Wala akong naririnig Oceane." Sabi ko
Kahit sabihin na maraming tao sa loob ng library, wala kang maririnig na ingay, kahit anong ingay.
"Kinakausap niya ako." Sabi ni Oceane sabay tingin sa akin
Hindi ako kumibo. Lumingon lingon lang ako sa paligid. Pagkatapos naramdaman ko ang kamay ni Oceane na mahigpit na nakahawak sa aking braso. Kaya naman napatingin ako sa kanya. Mukha siyang takot at kinakabahan.
"Bakit?" nag alala naman ako
Napansin ko na nag iba ang kulay ng kanyang mga mata pagkatapos ay nagsalita siya.
"Denim shika Denim, Fadesh shika Fadesh. Am en sinaento nebesra. Poyer Adveniska!"
"Anong sinasabi mo Oceane?" tanong ko naman
Hindi siya sumagot, tinapik ko ng marahan ang kanyang pisngi, maya maya pa ay pumikit siya saka muling nagdilat ng mata.
"Bakit Castor?" tanong niya
Natigilan ako sa tanong niya, napansin ko kasi na nakahawak pa rin ako sa pisngi niya habang nakatitig sa kanya. Agad kong inalis ang aking kamay.
"Hrmmm may... may sinasabi ka kanina..." sabi ko
"Talaga? Anong sinasabi ko?"
"Di mo maalala?"
Umiling naman siya.
"Baka hindi ikaw yun, nagkamali ako ng narinig." Sabi ko
Inumpisahan na niyang basahin ang libro. Ako naman ay naguguluhan sa nangyayari, kailangan ko ipaalam kay Nazar ang bagay na iyon. Isang makalumang salita ang sinabi ni Oceane kanina at kinabahan ako sa bawat bigkas niya ng salita.