Zaiden POV
Oo, sanay ako na may mga babaeng nagpapacute at nagpi-flirt sa akin pero ngayon nakayakap sa aking braso si Gaeia nakakaramdam ako ng pagkailang. Dahil bas a hindi na ako sanay na may ibang babaeng humahawak sa akin bukod kay Oceane? O dahil ayoko na makita kami ni Oceane na ganito?
"Oh bakit ang lalim naman ng hinga mo?" tanong ni Gaeia
"Wala may iniisip lang ako." Sabi ko naman sabay lingon sa aking kanan
"Let's go?" tanong ni Gaeia
Napalingon ako sa pintuan sa harapan namin. May malaking mga letra sa itaas ng pintuan at may larawan pa ni Principal Alyora.
Hawak na ni Gaeia ang doorknob at bubuksan n asana niya ito ng pigilan ko ang kanyang kamay. Napalingon siya sa akin saka binitiwan ang door knob.
"Why?" tanong niya
"Are you really sure gusto mong mag aral dito?"
"Ofcourse. Why not, isa rin naman sa pinaka magaling na school itong Academy."
"Alam mong hindi tayo magiging magka section, hindi tayo magkikita katulad ng gusto mo. It's better siguro if..."
"Nag aalala k aba dahil hindi ako mapupunta sa section mo at bihira tayo magkikita?" may tamis sa ngiti ni Gaeia
"No. Hindi iyon ang ibig kong..."
"Well, hindi naman problem yun right. After class we can meet outside. Kaya mo naman maghintay ng 12hours na hindi tayo makikita diba? Oh, 11hours lang pala kasi sa lunch may tendency na magkita tayo." Sabi pa ni Gaeia
"Okay lang sa akin na hindi na tayo magkita pa.." bulong ko
"What?" takang tanong niya
"Nothing."
"Okay so shall we?"
Hindi na hinintay ni Gaeia na sumagot ako, pagkatapos niyang kumatok ng 3 beses ay binuksan na niya ang pintuan. As expected, wala sa may table niya si Principal Alyora kaya naman naupo muna kami sa sofa sa may gilid malapit sa pintuan.
Castor POV
Palabas na kami ng Academy, sabay kaming naglalakad ni Oceane. Dala ko ang 3 makakapal na libro na hiniram niya sa library. Tahimik pa rin siya.
"Nakita mo siya kanina diba?" tanong ko
Napatingin si Oceane sa akin. Tumitig din naman ako sa kanya. Halos 1 minuto yata ang lumipas bago siya sumagot.
"Yeah, nakita ko nga siya." Simpleng sabi niya
Hindi na ako nagtanong pa. Ayoko naman na itanong kung nasaktan ba siya sa nakita niya, dahil alam ko naman ang sagot, ayoko rin itanong kung ano ang nararamdaman niya ngayon .
"May pagkakataon talaga na hindi mo inaasahan na mangyayari. Na akala mo forever na, katulad ng sa fairytale na happy ever after."
"It's part of loving because you have a heart."
"Yeah, I have a heart.... Because I feel it breaking." Simpleng sabi niya
Sa sinabi niyang iyon, naramdaman ko ang kirot na nararamdaman niya. Hindi ko alam kung makakatulong ang gagawin ko pero hinawakan ko ang kamay niya habang naglalakad kami palabras ng Academy.
"Talaga?"
Nakaupo kami ni Nazar sa veranda ng hapong iyon. Ikinuwento ko sa kanya ang nangyari kanina sa library. Katulad ko may naramdaman din siyang kakaiba.
"Hindi kaya ang Dark Lord yun at unti unti na siyang nagpaparamdam sa anak mo?" sabi ko
Nag iisip si Nazar, maari kasing tama ang sinabi ko. Malapit na sumapit ang kaawaran ni Oceane at ilang buwan na lang iyon. Ikaw labing anim na taon na nito, Unang senyales na maaring magparamdam ang itim na dugo mula sa Dark Lord.
"Nararamdaman ko na rin na may kakaiba sa kanyang aura. Malakas ngunit kalmado." Dagdag ko pa
"Ang bagay na iyan ay siguradong sinyales na rin na unti unti ng nabubuhay ang nakatagong kapangyarihan niya. Masmalakas pa siya kesa sa inaakala natin at sigurado akong nararamdaman iyon ng aking... ng Dark Lord."
"Anong plano mong gawin?"
"Sa ngayon mag uusap muna kami ni Miranda tungkol sa bagay na iyon, ngunit kailangan ko ang tulong mo para monitor natin ang nangyayari sa aking anak."
Tumayo si Nazar naglakad ng konti saka ako muling hinarap.
"Sa lakas ng kapangyarihan ng aking anak, maari siyang lamunin nito at maari niya iyong ikamatay."
Oceane's POV
Pumasok si Mama sa aking silid, may dala siyang meryenda. Mukhang good mood siya dahil ang tamis ng ngiti niya hanggang sa makaupo siya sa aking tabi. Isinara ko naman ang librong binabasa ko.
"Kamusta anak? Heto magmeryenda ka muna." Sabi niya
"Salamat Mama."
Agad kong kinuha ang platito na may slice ng cake saka tinikman. Masarap talaga mag bake si Mama.
"Masarap?"
Tumango naman ako. "Opo."
"Kamusta pala pag punta ninyo ni Castor sa Academy?"
"Ayos naman po, may nahiram ako na 3 libro. Babasahin ko habang hindi pa nagsisimula ang pasukan."
"Maganda yan anak, para malibang naman ang isip mo."
Ngumiti lang ako sa sinabi ni Mama. Muli akong kumain ng cake. Nakatitig naman si Mama sa akin kaya medyo nailang ako.
"Bakit Ma?"
"Dun sa Academy, nun nagpunta kayo... iniisip ko kung..."
"Yes Ma, nakita ko siya kanina may kasamang babae na nakayakap pa sa kanya."
May pait ang boses ko sa sinabi kong iyon.
Alam ko naman na iyon ang gusto ni Mama na itanong, kung si Mama masusunod ayaw niya na pumasok pa ako sa Academy.
"Masakit Ma, kasi parang ang bilis niyang makalimot." Dagdag ko pa
Niyakap ako ni Mama, hinalikan sa noo.
"It's part of loving. Kahit masakit kailangan natin tanggapin na wala na. All you need to do is to move on.. and you'll find a better person."
"Pero Ma, naiisip ko na mahihirapan akong mag move on kasi pag dumating ang araw ng pasukan, araw araw ko na siyang makikita. Iisa an gaming section, iisa an gaming dorm, magkatabi an gaming room, magkaklase kami sa lahat ng subjects. Iniisip ko pa lang, parang nawawalan na ako ng lakas ng loob na pumasok pa."
"Stop the feeling that you're really broken... you can be fixed. Just trust yourself, isa pa kahit hindi ko gusto na magkaroon kayo ng relasyon ni Castor, gusto ko naman ang pagiging totoong kaibigan niya sayo. Kung hindi mo napapansin, pagkailangan mo siya palagi siyang nandyan sayo. Kahit alam ko na nasasaktan siya sa tuwing luluha yang mga mata mo."
"Sa... sa tingin mo Ma gusto pa ako ni Castor?"
"Oo naman.. teka what do you mean gusto ka pa? May past ba kayo?"
Umiling lang ako, saka bahagyang ngumiti. Hindi na rin naman nagtanong pa si Mama.
Zaiden POV
Masayang masaya si Gaeia habang pauwi kami sa bahay. Bakit nga ba naman na hindi? Tinangap siya sa school, though gaya ng inaasahan sa ibang section siya napunta, sa Water Section.
"Kanina ka pa ganyan, nakakahalata na ako sayo. Para bang naiinis ka na magkasama tayo sa Academy." May tampong sabi ni Gaeia
"Honestly, oo naiinis ako." Sabi ko naman
Huminto si Gaeia at hinarap ako.
"Bakit ka naiinis? Dapat nga masaya ka kasi kasama mo sa Academy ang kababata mon a matagal mong hindi nakita."
"Yun nga eh, dapat ganun ang nararamdaman ko, kasi iba.. iba ang nararamdaman ko."
"Bakit ano bang nararamdaman mo bukod sa pagkainis? Galit na ba?"
"NO! HINDI YON!"
Napalingon kami sa paligid. Mukhang nabigla ang mga taong naglalakad sa pagtaas ng aking boses. Halos lahat ng nandun ay nakatingin sa amin, agad akong hinawakan ni Gaeia sa braso at hinila sa isang eskenita. Nang masigurong wala ng ibang tao na nakatingin sa amin doon lang siya nagsalita ulit.
"Hindi mo kailangan magtaas ng boses dahil hindi naman ako bingi Zaiden Alfiro." May inis na rin sa kanyang boses
"I'm .... I'm sorry." Sabi ko naman
"Eh ano bang problema mo ha?! Kanin aka pa kasi.. nakakapikon ka na."
"Hindi sa ayaw ko na magkasama tayo pero iba ang kutob ko.. may plano si Dad, nararamdaman ko."
Nagsmirked si Gaeia sabay iling.
"Plano? Anong plano?"
"Anong rason at bigla ka na lang lilipat ng school? At sa bahay ka pa titira? Kung gusto talaga niya na gawin yan dapat noon pa hindi ngayon, hindi ngayon."
"So gusto mo talaga malaman ang totoo? Para magprangkahan na tayo Zaiden.."
"So alam mo nga ang totoo.."
"Ang totoong gusto mong malaman, ang katotohanan na iyong pinagdududahan sige sasabihin ko. Nagkaroon kami ng financial problem, kinailangan ni Uncle na ibenta ang mansion at ibang lupa na aming pag aari. Nabaon sa utang si Uncle, at walang ibang paraan para makabayad kundi ang magbenta."
Natahimik ako sa narinig ko, hindi sana ako maniniwala ngunit makita siyang umiiyak para naming nakonsensiya ako.
"Nakulong si Uncle dahil sa pagtatago niya sa mga iba pang nautangan niya. Kinakailangan na rin akong tumigil sa pag aaral para mabawasan ang gastusin. Mabuti na lang, MABUTI NA LANG dumalaw si Uncle Val sa bahay habang nag eempake ako paalis ng bahay. Sinabi ko sa kanya ang lahat at hindi siya nagdalawang isip na tulungan ako."
"Gaeia.."
"Ang plano ng Daddy mo Zaiden ay patirahin ako sa bahay nyo at pag aralin para magkaroon ng magandang kinabukasan, yan ang plano na pinagdududahan mo."
Pagkasabi nun ay mabilis na siyang tumakbo palayo. Ako naman ay naiwan habang nakatingin lang sa kanya.