Chapter 7: First (2)

1251 Words
Castor POV Malayo pa lang kami, naramdaman ko na ang dalawang aura sa paligid. Pamilyar ang aura ng isa, walang iba kundi si Zaiden Alfiro iyon at ang isang aura di ko alam kung kanino. "Bakit may problema ba?" tanong ni Oceane "Wala naman, naisip ko lang baka pagod ka na maglakad. Kaya naman kita buhatin para makauwi tayo kaagad sa bahay." Sabi ko "Ayos lang ako, sa ganitong paglalakad, nakakalimutan ko ang iniisip ko." Napangiti ako. Hindi ko alam kung anong mangyayari kung sakaling magkita silang dalawa ni Zaiden ngayon. Pakiramdam ko, hindi masyadong pinapansin ni Oceane ang kapangyarihan niya, dahil hindi niya naramdaman ang 2 aura na malapit lang sa amin. Isang magandang ibon ang lumipad papalapit sa amin, napahinto si Oceane sa paglalakad habang nakatitig sa magandang ibon. Ang Cenicres ay ang maliit na ibon may mabangong amoy. Kumakalat sa hangin ang amoy ito pag ito'y lumilipad. May tatlong kulay ito, dilaw puti at asul. Ngunit may disadvantage ang kagandahan nito, katulad ito ng isang paruparu na may dust. Maari itong makalason sa mga nerve ng isang tao oras na mapasukan nito ang alin mang bahagi na may butas gaya ng tenga, mata, ilong o kahit mga sugat. Gulat na gulat si Oceane ng bigla ko siyang hilahin papalapit sa akin ng tangkain niyang hawakan ang ibon. Napahawak siya sa aking dibdib at ako naman ay nakayakap sa kanyang beywang at ulo. "B-bakit?" tanong niya "Delikado ang ibon na yan, looks are deceiving, wag ka basta basta magtitiwala sa magagandang nakikita mo." Sabi ko naman Inalis ko na ang pagkakayakap ko kay Oceane. Pagkatapos ay inilabas ko ang aking wand. "Intaro" May kung anong liwanag ang bumalot sa aming dalawa, pagkatapos ay nawala ito. "Para saan yun?" tanong ni Oceane "Sabihin na nating itinaboy ko ang lason.." simpleng sabi ko Napangiti naman siya saka kami nagsimulang naglakad. Nang makalayo kami ng bahagya sa pinagtataguan ni Alfiro muli akong lumingon at nagtama ang aming mga mata. Zaiden's POV Nagtama ang mata namin ni Castor, walang emosyon na mababasa sa kanyang mukha. Malayo na silang dalawa at halos nilamon na ng dilim ngunit nakatingin pa rin ako sa kinaroroonan nila kanina. "Why what happened?" tanong ni Gaeia "W-wala.. let's go home.." sabi ko Mabilis akong naglakad saka iniwan ko si Gaeia, ilang sandali pa ay magkasabay na kaming naglalakad. "What happened?" tanong ni Dad "I'm tired.." sabi ko lang Isinara ko ang pintuan ng aking silid, ginamitan ko ng spell para hindi makapasok si Gaeia. Naupo ako sa kama. Naririnig ko pa ang boses nila Dad at Gaeia sa labas ng aking silid. "I don't know Uncle, bigla na lang siyang nagbago ng mood.." sabi ni Gaeia "Pagpasensiyahan mo na hija baka napagod lang talaga si Zaiden. Mabuti pa magpahinga ka na rin muna, will call you if handa na ang dinner okay?" sabi ni Dad "Okay Uncle.." sabi naman ni Gaeia Ilang sandali pa narinig ko na ang yabag ng kanilang mga paa papalayo. Nang masigurong malayo na sila, nahiga ako sa kama. Ang daming gumugulo sa isip ko. --- Bakit ba ako nagtago kanina? Bakit natakot ako na harapin siya? Dahil ba kasama ko si Gaeia at ayoko na magselos siya? O ako ang natakot dahil nakita kong kasama niya si Castor? Napabalikwas ako ng may maalala ako, agad kong kinuha sa drawer ko ang picture namin ni Oceane pagkatapos ay naglabas din ako ng parchment at quill. Habang nakatingin ako sa larawan namin ni Oceane, isinulat ko sa papel ang gusto kong sabihin sa kanya. Gusto ko siyang makita bago magsimula ang klase, gusto kong magkausap kaming dalawa. I want to talk to Oceane at the Serenity Falls, I want to tell you everything, that I love you.. Pagkatapos kong isulat iyon sa papel. Ibinalot ko sa parchment ang larawan namin 2 saka ko inilagay sa punda ng aking unan na siya mismong pagpapatungan ng aking ulo. Merlin please help me with this.. Oceane's POV Hindi ko maintindihan, may bumubulong sa isip ko na pumunta ako sa Serenity Falls. Wala naman akong gagawin doon at isa pa gabi na. Kung hindi ko kasama si Castor, siguradong hindi ako papalabasin nila Papa. "Mukhang kasing lalim ng pangalan mo ang iniisip mo.." Bahagya akong nagulat ng maramdaman ang malamig na balat ni Castor na lumapat sa aking braso. "Ginulat mo ako.." sabi ko Imbes na sumagot ay inabutan niya ako ng bulaklak, ngayon naman ay yellow bell ang binigay niya. Malaki ito na kayang ipasok sa loob nito ang kamao ko. "Wow, thank you." Sabi ko "See, you're beautiful when you smile.." sabi niya "Panget ba talaga ako pag seryoso ako?" tanong ko Imbes na sumagot siya, hinawakan niya ang dalawa kong pisngi. Dahil nagulat ako, hindi maiwasan na pamulahan ako ng mukha. Ang buong akala ko ay hahalikan niya ako pero nagkamali ako inilapat niya ang kanyang noo sa aking noo. "Nararamdaman ko ang pagdaloy ng dugo mo sa mga ugat mo, ang t***k ng dibdib mo, ang pagbabago ng kulay ng balat mo at ang mabango mong amoy, ang malinis at mapang akit mong amoy..." bulong niya Bigla akong narakamdam ng kaba kaya itinulak ko siya papalayo. "Natatakot ako sayo pag ganyan ka..." sabi ko Ngumiti lang siya saka sumandal sa barandilya ng terrace. "You really think that I'll bite your neck and suck your blood ?" tanong ni Castor "S-sorry." Sabi ko na lang Narinig kong nagsmirked siya. Pagkatapos ay tumalon siya, isang kisap mata ay nakatayo na siya barandilya. Tumingin siya sa akin, saka niya inilahad ang kanyang kamay. "Wanna try this?" tanong niya "Ah ah ayoko, delikado yang ginagawa mo." Sabi ko "You don't trust me?" tanong niya "What if I say I don't trust you?" tanong ko Nagulat ako ng bigla niya akong hilahin at nakatayo na rin ako sa barandilya. Mahigpit akong nakahawak sa kanyang braso at kamay. "Baliw ka talaga Castor, bababa na ako." Sabi ko "You should trust me na hindi kita hahayaang malaglag." Sabi pa niya Nanlaki ang mata ko ng alisin niya ang pagkakahawak ko sa barso niya. Isang daliri na lang niya ang hawak hawak ko para hindi ako mahulog sa barandilya. "Castor, tigilan mo ito.." naiinis ko ng sabi sa kanya Isang kisap mata ay magkaharap na kaming nakatayo pa rin sa barandilya nakahawak ang dalawa niyang kamay sa beywang ko at ako naman ay sa magkabila niyang balikat. Sa itsura namin na yon para kaming sumasayaw sa musika na kaming dalawa lang ang kakarinig. Naramdaman ko na lang na gumagalawa na rin aking aking paa at humakhakbang na ibabaw ng barandilya. Maling hakbang lang siguradong mahuhulog kami sa ibaba na may 15 meters ang taas. "See, magtiwala ka lang.." sabi niya Napangiti naman ako. "At bakit dyan nyo pa naisipan na magsayaw?" Napalingon kaming dalawa sa nagsalita. Si Papa ay nakatayo sa pintuan ng terrace habang nakasandal doon at nakacross arms pa. Dahil na distract ako kaya na out of balance kami. Nahulog kami ni Castor sa sahig na kahoy sa terrace. Dahl niyakap niya ako bago mahulog, siya tuloy ang bumagsak sa sahig at ako naman ay sa kanya. "Are you hurt?!" tanong niya sa akin "O-okay lang ako..." sabi ko naman "Oh kung tapos na yang landian nyong dalawa, mag dinner na tayo, kanina pa nagagalit si Miranda. " Napatingin kami kay Papa na noon ay tumalikod na at pumasok na sa loob ng bahay. Kami naman ni Castor ay tumawa, bilang ganti sa ginawa niya. Buong lakas kong pinisil ang kanyang ilong.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD