Chapter 17: Dark Lord Knows Everything (2)

1502 Words
Castor POV Napansin kong itinutok ni Nazar ang wand niya kay Oceane. Isang liwanag ang unti unting lumalabas sa dulo ng wand ni Nazar at diretsong tumama ito sa dibdib ni Oceane. Ikinagalit niya ito. "Lapastangan ka!" sabi nito Naramdaman ko ang paglakas ng enerhiya ni Oceane mula sa loob ng barrier. "Sino ka para gamitin sa akin ang itinuro ko sa'yo?" dagdag pa nito Maslumakas pa ang enerhiya, napatingin ako sa paligid ng barrier, sa sobrang lakas kasi ng enerhiya, nagkaroon ng lamat ang barrier. Sinamantala ko ang lamat na nakita ko. Agad koi tong tinalon at isang malakas na suntok ang ginawa ko. Nabasag ang barrier, ngunit parang hindi naman ito nabahala. Isang kakaibang pwersa ang naramdaman kong dumadaloy sa aking ugat. Muli, sumakit na naman ang aking dibdib kung saan may marka. Napalihod ako habang nakahawak sa aking dibdib, na para bang umaapoy sa sobrang init, at para naman pinapaso sa sobrang hapdi at sakit. Naramdaman ko na lang na lumutang ako sa hangin, hindi ako makakilos.Pilit kong inalam kung paano ako lumutang sa ere, sa di kalayuan nakita ko si Old Elf. Itinaas nito ang kanyang tungkod saka mabilis na ibinaon sa lupa. Sa ginawang iyon ni Old Elf, nawala ang pwersang nararadaman ko at bumagsak ako sa damuhan, gayundin si Oceane, kaya naman mabilis ko siyang sinalo. Hindi naman ako nahuli dahil, mabilis ko siyang nasalo sa aking mga braso at wala na siyang malay. Castor POV "Hijo, ayos lang ba kayo?" tanong ni Old Elf Buhat buhat ko si Oceane habang naglalakad kami sa gubat pabalik sa Elfwood at wala pa rin siyang malay. "Anong pong nangyari kanina?" tanong ko "Hindi ko rin alam, Castor." Sabi naman ni Old Elf Hindi na ako nagtanong pa. Bakit ko nga ba itatanong sa kanya, wala naman siyang alam sa nangyari sa amin ni Oceane. Huminto si Old Elf saka ako hinarap. "Hijo, kailangan mong maging maingat sa bawat gagawin mo. Alam na ng Dark Lord ang tungkol sa'yo at siguradong siya ang may kinalaman sa nangyari kanina." Sabi nito "Pero wala naman akong ginawa kanina, nag uusap lang kami ni Oceane regarding sa nangyari sa akin then.." "Ang nangyari sa'yo kanina ay hindi isang lihim. Sa lakas ng pinakawalan mong aura, imposibleng hindi malaman iyon ng Dark Lord." Sabi ni Old Elf Natahimik ako, may punto naman siya. Kahit ako ay nagulat sa lakas ng kapangyarihan na lumabas sa aking katawan. "Atsaka bakit ka, umalis kanina? Bakit kailangan mong habulin ang aking apo?" tanong ni Old Elf Hindi ako nagsalita. Rewind 3 hours ago Naramdaman ko ang unti unting pagdulas ng kamay ni Oceane sa braso ko, ngunit wala naman akong magawa dahil hindi ko hawak ang katawan ko, may ibang kumokontrol dito. Ang itim na aura ang kumokontrol sa aking katawan habang nakikipaglaban ito sa puti kong aura. Kitang kita ko rin ang tuluyang pagbitaw ni Oceane at pagkahulog, mabuti na lang at nasalo siya ni Alfiro. Ngunit hindi ko maintindihan, hinihila siya ni Alfiro palayo,. 'Bakit niya inilalayo si Oceane? Baka may masama na naman siyang plano.' Kahit nahihirapan ako, pinilit kong igalaw ang aking daliri, pag nagawa ko iyon siguradong mapapasunod ko ang ibang parte pa ng aking katawan. Hindi ko na matanaw sina Alfiro at Oceane, hindi na ako mapalagay. Sa akin ipinagkatiwala ni Nazar ang kanyang anak at hindi ko hahayaan na mapahamak na naman siya sa kamay ng mga Alfiro. Ilang sakit, hapdi at kirot pa ang naramdaman ko ng magawa kong igalaw ang aking kamay. Unti unti ko na rin nakokontrol ang aking katawan, at ang itim na aura, tinulungan niya akong makontrol ito na naayon sa aking kagustuhan. Nang masiguro kong kontrolado ko na ang buo kong katawan, mabilis kong sinundan sina Alfiro at Oceane. Malayo pa ako sa kanila ngunit naririnig ko na ang kanilang usapan. Napahinto ako sa pagtalon sa mga puno. Ang lahat ng pinag usapan nila ay narinig ko. Ikaw ang Knight of Darkness, wag mo hayaan na mapunta sa iba ang babaeng nakatadhana sa'yo Napalingon ako sa paligid, wala naman ibang wizard doon maliban sa akin. Kayo ang nakatadhana, kayo dapat ang magmahalan.. "Sino ka? Magpakita ka!" sigaw ko Ngunit wala naman dumating, lumapit o nagparamdam sa akin. Ako lang mag isa ang naroon. Masmalakas kayo sa lahat kung magiging magkasangga kayo, sundan mo ang Infinity Napahawak ako sa dalawa kong tenga, tinakpan ko ito ng aking mga kamay. Ang naririnig ko ay ang isip ko, ang ibang bahagi ng aking katauhan. Nararamdaman mo ba? Ang bilis ng t***k ng puso mo, papalapit na siya. Lapitan mo siya.. Dahan dahan kong inalis ang aking kamay sa aking tenga, tumingin ako sa baba at nakita ko nga na naglalakad si Oceane, mag isa sa di kalayuan at papunta ito sa aking kinaroroonan. Nang malapit na siya, inayos ko ang aking sarili saka tumalon sa kanyang harapan. Back to Real Time "Sinundan kita pag alis mo kanina, medyo natagalan ako sa paghahanap sa'yo dahil hindi ko naman nararamdaman ang aura mo." Sabi ni Old Elf "Pasensiya ka na Old Elf, nag alala ako kay Oceane ng makita ko siyang kasama ni Alfiro palayo sa bahay." Sabi ko na lang "Pinaalis ko sila, sinabihan ko si Alfiro na lumayo kasama ang aking apo." "Bakit? Bakit kinailangan mong ipagkatiwala ang Infinity sa taong iyon? Sila ang dahilan kaya napahamak ang apo nyo." May inis kong sabi "Ginawa ko iyon dahil hindi kayo maaring magkalapit ng mga sandaling iyon." "Anong mangyayari kung di lumayo si Oceane?" sabi ko Nakalimutan kong si Old Elf ang kausap ko, pakiramdam ko wala na akong galang sa kanya. "Katapusan na ng lahat." Sabi naman ni Old Elf. "Hindi mo alam kung paano kontrolin ang kapangyarihan mo, bukod pa doon, siguradong nalaman ng Dark Lord ang tungkol sayo. Kung magbabangga ang dalawang kapangyarihan mula sa Knight at sa Infinity, isang malakas na kapangyarihan ang mabubuo. Kung kaya sana ninyo kontrolin ang kapangyarihan hindi ko kayo paglalayuin dahil iyon ang magiging panlaban nyo sa Dark Lord, pero dahil hindi nyo alam at hindi pa kayo handa, magiging mitsa ito ng pagkawasak ng buong dalawang magkaibang mundo." "Paano kung di matupad ang tadhana namin dalawa?" tanong ko "Ang tadhana ay tadhana." Sabi ni Old Elf "Kung gumawa kami ng paraan na hindi matupad ang tadhana?" sabi ko naman "Anong gagawin mong paraan, hijo?" tanong ni Old Elf. "Hindi ko pa po alam, basta hindi ko hahayaan na matupad ang tadhana." Sabi ko "Tatanungin kita, hijo. Ang tanging paraan para hindi pansamantala na matupad ang tadhana, kinakailangan mong layuan ang aking apo. Ang tanong ko, kaya mo bang lumayo sa aking apo?" tanong ni Old Elf Hindi ako nakapagsalita, tumingin lang ako kay Oceane na wala pa rin malay. Kaya ko nga ba? Nakarating kami sa bahay na hindi ko nasagot ang tanong ni Old Elf. Kailangan ko pag isipan mabuti ang lahat, ayoko magdesisyon ng biglaan. Inilapag ko sa kanyang kama si Oceane na wala pa rin malay. "Hayaan muna natin siyang makapagpahinga." Sabi ni Old Elf Naglakad na ito palabas ng pintuan, ako naman ay nakatitig lang kay Oceane. Napatingin ako sa pintuan ng marinig ko ang pagsara nito. Mabilis akong tumakbo para mahabol ang Old Elf. Nakita ko na naglalakad na pabalik sa kanyang silid ang Old Elf. "Old Elf..." sabi ko Huminto naman sa paglalakad ang Old Elf at lumingon sa akin. "Sa tingin nyo ba, na- possessed ng Dark Lord si Oceane kanina?" tanong ko Imbes na sumagot ay naglakad ito papasok sa kanyang silid, sinundan ko naman siya at pumasok din ako sa silid. Nakaupo na sa paborito nitong upuan ang matandang elf. "Ano bang nangyari, bago ako dumating?" tanong ni Old Elf Lumapit ako sa kanya at ikinuwento ang nangyari, ang tungkol sa imahe nila Nazar at Miranda na nakita ko, ang tungkol sa biglaang pagkawala sa sarili ni Oceane. Tahimik lang ang Old Elf habang nakikinig hanggang matapos ko ang aking kwento. Para itong nag iisip, tumayo pa ito at ilang beses naglakad sa tapat ng mga bookshelf. "Kung ganyan nga ang nangyari, maaring tama ang iyong hinala." Sabi ni Old Elf "Sinasabi nyo ba na kaya talagang i-possessed ng Dark Lord si Oceane kahit pa hindi sila personal na magkakilala at nagkikita?" Hinarap ako ng Old Elf. "Hindi balakid para sa Dark Lord ang hindi nila pagkikita o pagiging magkakilala ng aking apo." "A-anong ibig nyong sabihin?" "Sa kweba, ang nangyari sa kweba, imposibleng hindi maramdaman ng Dark Lord ang aura ng apo ko, ang nangyari kanina, sigurado akong simula ng maramdaman niya ang aura ng aking apo, patuloy siya sa paghahanap ng maari niyang magamit para makilala ang Infinity." "Paano niya nagawa iyon? Wala si Nazar... Wala rin si Valkoor o ang iba pang Dark Wizards.." sabi ko naman "Ngunit nandiyan ka, hijo. Kasama moa ng Infinity." Kumunot ang aking noo. Anong sinasabi ni Old Elf? "Sinasabi nyo bang ako ang dahilan kaya nagawang i-possessed ng Dark Lord si Oceane." "Oo Ikaw nga." Sabi naman ni Old Elf
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD