Castor POV
"Anong sinasabi nyo? Naguguluhan ako, bakit ako? Anong koneksyon ko sa Dark Lord?" sunod sunod na tanong ko
Tiningnan ako ng Old Elf na para bang sinusuri, hindi ko maintindihan kung bakit ganoon siya tumingin.
"Hindi ba't may dugo ka rin ng Dark Lord?"
Tama si Old Elf, ang dugong isinalin sa akin ni Nazar noon ay siyang dugo rin ng Dark Lord, ngunit anong koneksyon? Napansin ni Old Elf na kumunot ang aking noo.
"Sandali lang.." sabi nito
Dahil nakatayo siya sa may book shelf may kung ano siyang hinahanap doon. Isang itim na libro ang kanyang kinuha, luma na ito at mukhang sira sira na ang mga pahina dahil, mapapansin ang di pantay pantay na mga papel na naroon.
"Halika dito.." sabi ulit ni Old Elf
Lumabas kami sa terrace ng silid, pagkatapos ay binuklat ni Old Elf ang libro, mapapansin pa ang alikabok na mga lumalabas at sumasama sa hangin sa bawat pagbuklat ni Old Elf sa pahina. Sa isang pahina, sandali siyang huminto sa pagbuklat at binasa ito.
"Anong koneksyon ng dugo?" tanong ko ulit
"Mula sa pinagmulan, sa mga bunga at pinagbigyan.. ang lahat ay may konkesyon kung saan ito nagsimula at maaring magtapos kung saan ito nagbunga dahil sa pinagbigyan." Binasa ng Old Elf ang nakasulat sa libro
"A-ano?" naguguluhan kong tanong
Maslalo yata akong naguluhan sa binasa ni Old Elf. Ipinakita niya sa akin ang pahina na kanyang binasa. Isa iyong fables mula sa lumang libro. Para bang mga hearsays or sabi sabi ng mga taong nagpasalin salin na iba't ibang dila kaya naging fables. Hindi masasabi kung totoo o kathang isip lang.
"Kwentong pambata po ito." Sabi ko
"Ngunit ang mga ganyang klaseng kwento ay hindi basta kwento, may pinag mulan iyan, minsan ay sa mga totoong nakasaksi o sa mga taong mismong nakaranas." Sabi ni Old Elf
Tiningnan ko muli ang pahina ng libro, may pamagat ito na The Prince of Darkness. Ang kwento nito ay kapareho sa nangyari sa akin, na kung iisipin mo ay biography ko.
"Mula sa pinagmulan, sa mga bunga at pinagbigyan.. ang lahat ay may konkesyon kung saan ito nagsimula at maaring magtapos kung saan ito nagbunga dahil sa pinagbigyan." Binasa ko muli ang nakasulat sa libro
"Ang Pinagmulan ay ang Dark Lord, ang Bunga ay si Nazar at ag Pinagbigyan ay Ikaw, hijo." Sabi ni Old Elf
"Ibig sabihin.."
"Ikaw ang unang na possessed ng Dark Lord, ginamit niya ang iyong isip para makita ang aking apo at si Nazar."
"Ngunit wala naman po akong nararamdaman na..."
"Nagsimula iyan matapos mangyari ang insidente sa kweba, hindi ba't mula ng araw na iyon ay nakaramdaman ka na ng kakaiba?"
"Pero ang sabi nyo, dahil ito sa marka na..."
"Na ang Infinity at Dark Lord ang may gawa."
"Ano po?"
"Sinabi ko na sa'yo ang tungkol sa Knight of Darkness, naaalala mo pa ba?"
Natahimik ako, kailangan kong mag isip mabuti. Kailangan kong pag aralan ang bawat detalye na aking nalaman, ang bawat impormasyon na sinabi sa akin. Napatingin ako kay Old Elf, nakapagpalit na ito ng damit niyang pantulog.
"P-pasensiya na po kayo.." sabi ko
"Walang problema, hijo." Sabi naman ni Old Elf sabay lapit sa akin. "Konting pag iingat, hijo. Ngayon na alam na ng Dark Lord ang tungkol sa inyong dalawa ng aking apo, at nagawa niyang kontrolin, siguradong hindi siya titigil."
"S-salamat po sa paalala." Sabi ko naman
Tinapik pa ni Old Elf ang aking balikat. Naglakad naman ako papalapit sa pintuan.
"Magaling ka, hijo. Kaya alam kong kayang kaya mong labanan ang Dark Aura sa loob mo, tandaan mo hindi maaring sabay na lumabas ang aura ninyo ng aking apo. Kung mararamdaman mon a unti unti kumakawala ang dark aura, kailangan mong lumayo sa para hindi mo maakit ang natatagong aura ng aking apo at ganoon din ang kailangan niyang gawin kung sa kanya naman mangyayari iyon."
"Naiintindihan ko po. Magandang gabi." Sabi ko sabay lumabas na ako ng aking silid.
Zaiden POV
Kitang kita ng aking dalawang mata ang pagkontrol ng Dark Lord kay Oceane sa gubat. Hindi ako makapaniwala sa aking nasaksihan kahit pa ipinaliwanag na ni Dad ang nangyari.
Matapos akong iwan ni Oceane, plano ko sana na umuwi sa bahay at magkulong, ngunit nakasalubong ko si Dad sa gubat. Pinigilan niya akong umuwi kahit pa inaway ko siya at tinanggihan, nagawa niya akong mapilit para sumama sa kanyang pupuntahan.
Nandito na ako sa bahay, sa aking silid ngunit parang nakikita ko pa rin sa harapan ko ang aking mga nasaksihan.
"Ganoon ba talaga kalakas ang Dark Lord kaya walang magawa si Dad sa kanya?"
Nahiga ako sa kama, tumingin sa kisame na iyon pa rin ang laman ng aking isip. Naaawa ako kay Oceane, hindi naman niya ginusto ang lahat ngunit ang nangyayari sa kanya ay sobra sobra, kung di lang siguro malakas ang loob ni Oceane, malamang ay sumuko na ang isip niya at katawan.
Isang katok ang nagpabangon sa akin, napalingon ako sa pintuan. Sigurado akong hindi si Dad ang kumakatok, kahit pa magkasama kami kanina at nag usap, alam kong hindi pa rin kami ayos, may gap parin sa aming dalawa. Imposible rin si Kuya dahil nagpaalam siya sa akin na kaninang hapon ang kanyang lipad patungo sa Italya para sa isang convention doon.
Siya kasi ang napipisil ng Ministry na pumalit sa position ni Dad. Ilang taon na lang kasi, kailangan na niyang magpaalam sa kanyang position at bilang kapalit si Kuya, kailangan ma train ito ng maayos. Mahirap ang trabaho ni Dad sa Ministry kaya dapat ay hindi siya mapahiya kung ipapalit niya si Kuya.
"C-can we talk?"
Natayo sa aking harapan si Gaeia. Seryoso ito habang nakatingin sa akin. Siya pala ang kumakatok, ilang araw na rin kaming di nag uusap nito kahit pa, magkatabi ang aming silid at magkasama kami sa bahay.
"Ano pa bang pag uusapan natin?" tanong ko
Hindi ko siya pinapasok sa silid, nakasandal lang ako sa pintuan habang nakatingin sa kanya.
"Hindi ko alam kung anong kasalanan ko sa'yo Zaiden para bastusin mo ako ng ganito. Sinabi ko na sa'yo ang totoong dahilan kaya ako nandito." Sabi niya
"Ano na naman ba yan? Naiinip ka ba dahil wala kang makausap kaya nandito ka sa harapan ko at nagsisimula na naman ng..."
"Wala akong gustong simulan, Zaiden."
"Then why you're here?" tanong ko
"Dahil kung tratuhin mo ako, para akong ibang tao sa'yo. Parang wala tayong pinagsamahan na parang hindi mo ako kilala." Sabi niya
Mangiyak ngiyak na siya habang sinasabi iyon, medyo na konsensiya naman ako. Kahit naman ganito ang ugali ko, hindi naman ako ganun ka brutal sa mga babae.
Huminga ako ng malalim sabay tingin sa paligid.
"Okay, let's talk." Sabi ko
Bahagya akong tumagilid para makadaan siya sa pintuan at makapasok sa loob ng aking silid.
Naupo siya sa upuan na katabi ng study table ko, hindi katulad ng dati na diretso siya sa kama at mahihiga doon. Pagpasok sa loob ng silid, nagpapakiramdaman kami kung sino ang unang magsasalita.
"Anong pag uusapan natin?" tanong ko
Napatingin sa akin si Gaeia, bakas sa mukha nito ang lungkot.
"Everything that will make our friendship back, Zaiden." Sabi naman niya
Hindi ako nagsalita, para kasi sa akin, wala naman problema noong wala siya, nagkaroon lang kami ng friendship problem nun dumating siya sa bahay.
"Then saan tayo dapat magsimula?" tanong ko
Bago sumagot si Gaeia, isang katok ang narinig namin sa may pintuan. Maya maya pa ay iniluwa nito si Seven na may dalang tray. Humingi kasi ako sa kanya ng tea pagdating ko para marelax ang isip ko. Ipinatong niya ito sa center table sa silid ko malapit sa may pintuan.
"Mabuti at dalawang tasa ang dala mo Seven." Sabi ko
"Nakita ko kasi na nandito sa silid mo si Ms Gaeia kaya bumalik ako sa kusina para kumuha ng isa pang tasa." Sabi naman ni Seven
Ngumiti ako. "Salamat Seven."
Hindi nagsalita si Seven, yumuko lang ito at mabilis na lumabas ng aking silid. Tumingin ako kay Gaeia na tahimik pa rin, kaya naman nagsalin ako ng tea sa tasa at iniabot iyon sa kanya.
"Here." Sabi ko sabay abot ng tasa
"S-salamat." Sabi naman niya na kinuha ang tasa sa kamay ko
"I'm sorry for being rude to you lately, masyado lang ako stress." Panimula ko
"Alam ko kaya nga nandito pa rin ako at nagtitiis sa mga ginagawa mo." Sabi naman niya
Huminga ako ng malalim. Alam kong walang mangyayari sa aming usapan pero napaka ungentleman ko naman kung ipagtatabuyan ko siya, bisita siya ni Dad, kaibigan ko rin naman siya at dito siya pansamantala nakatira sa bahay kaya ang panget tingnan kung patuloy ko siyang dededmahin.
"Ilang taon na tayong friends?" tanong ko
Napatingin si Gaeia sa akin.
"Years na diba? Kaya kilala kita Gaeia."
"What do you mean? Hindi mo ako kilala, ngayon lang tayo nagkasama sa iisang bubong at ngayon din lang tayo nag away." Sabi naman niya.