Chapter 16: Dark Lord Knows Everything

1228 Words
Nazar POV Bahagya akong nabigla ng makilala ang hooded figure na iyon. Napalunok ako, sa tagal namin hindi nagkita, walang pagbabago sa kanyang mukha. Hindi nga mababakas sa mukha niya ang paglipas ng labing limang taon. "Kamusta ka na, anak?" sabi nito Malalim ang boses nito na para bang nanggagaling pa sa malalim na bangin. "Hindi mo na ako anak.." sabi ko naman Naramdaman ko ang paghawak ni Miranda sa aking braso, mahigpit iyon. "Hindi pa naman kita itinatakwil sa kabila ng ginawa mo sa akin." Sabi nito "Hindi mo na ako kailangan itakwil pa, dahil kusang loob akong nagtatakwil sa sayo bilang ama ko." Sabi ko naman Isang malakas na tawa ang ginawa niya, umalingawngaw ito sa buong kagubatan. Nagkatinginan kami ni Miranda. Kahit pa sabihin na siya ang aking ama, hindi kumpleto ang aura niya. Ang malakas na aura na nararadaman namin ay hindi galling sa kanya, sa malayo, sa malayong lugar. Nakatitig kami sa aking ama habang walang sawang tumatawa na bagay na hindi namin maintindihan. Lumakas ang hangin sa paligid, halos hindi na kami masyado makatayo sa lakas ng enerhiya na iyon. "Nazar..." sabi ni Miranda Napatingin ako sa tinitingnan ni Miranda, nanlaki rin ang aking mata katulad ng sa kanya ng makita ang taong nasa aming harapan. Lumulutang sa ere ang hooded figure, ngunit wala na ang hood na tumatakip sa kanyang ulo, malinaw ng makikita ang mukha nito. "Anak.. anak ko.." sigaw ni Miranda Tumayo siya at mukhang lalapitan ang hooded figure na iyon. Pinigilan ko kaagad ang kanyang mga braso. "Miranda, hindi siya ang anak natin." Sigaw ko naman Napatingin si Miranda sa akin, hinawakan ko naman siya sa kabilang pisngi niya para kumalma. Imposible na anak namin ang taong nasa harapan namin. Kanina lang ay si Baragor ang nakita namin.. "Mama..." Napalingon na naman kami sa hooded figure sa harapan namin. Umiiyak ang anak namin habang nakadipa ang dalawang kamay nito. "Papa tulungan mo ako... Mama.." sabi na naman nito Hinarap ko ang hooded figure, itinutok ang wand sa kanya. "Hindi mo kami maloloko pa.. Wala kaming anak.." sabi ko pa Muli tumawa na naman siya ngunit hindi pa rin nagbabago ang anyo nito, kamukha pa rin siya ng anak namin. "Itinatanggi mo ako bilang anak mo, Papa?" seryosong sabi nito "Wala kaming anak ni Miranda.." sabi ko ulit Kung hindi ko alam na kasama ni Castor at Old Elf ang anak namin, iisipin ko na siya nga ang anak namin ni Miranda. Ngunit alam ko naman na ligtas siya sa pangangalaga ni Old Elf bukod pa sa proteksyon na kayang ibigay din ni Castor. Castor POV Habang nakalutang sa hangin si Oceane, para bang may kinakausap itong iba dahil base sa kanyang sinasabi sumasagot ito sa mga tanong. "Oceane.. Oceane.." sigaw ko Ngunit para siyang walang naririnig. Sinubukan ko siyang lapitan ngunit may barrier na pumigil sa akin. Bumagsak ako sa damuhan habang nakatingin sa kanya. Ano ito? Barrier? Bumwelo ako muli para banggain ang barrier ngunit wala pa rin nangyari. Pinagsusuntok koi to, ngunit kahit anong lakas ng suntok at pwersa ang ibigay ko walang nangyayari sa ginagawa ko. "Itinatanggi mo ako bilang anak mo, Papa?" sabi pa ni Oceane Anong sinasabi ni Oceane? Talagang wala siya sa sarili niya "Mama, ako ito si Oceane ang anak mo.. tulungan mo ako Mama." Sabi na naman ni Oceane "Oceane! Oceane! Gumising ka!..." sigaw ko ulit "Bakit nyo ako itinatanggi? May nagawa ba ako?" sabi na naman niya Isang malakas na suntok ang ginaw ako ulit sa barrier ngunit wala pa rin nangyari. "Nakakainis...." Badtrip na sabi ko Habang nakatitig ako sa barrier at iniisip ko kung anong dapat gawin para masira ito, nanlaki ang mata ko ng makita sa kabilang bahagi ng barrier ang imahe nina Miranda at Nazar. "Nazar? Nazar!" sigaw ko Tumakbo ako para lumipat sa kabilang bahagi ng barrier ngunit wala naman sila doon. Napatingin ulit ako sa kabilang bahagi, naroon sina Nazar at Miranda. Muli kong tinakbo ang kabilang bahagi, wala na naman sila doon. Anong ibig sabihin nito? Muli kong pinagmasdan ang kabilang bahagi, napatingin din ako kay Oceane. Kausap niya sina Nazar at Miranda sa ibang lugar? Miranda POV Hindi kami maaring magpaloko ni Nazar sa kaharap namin lalo pa't kanina ay si Baragor ang nagpakita sa amin at ngayon ay ginaya niya ang katauhan ng aming anak para lang maloko kami. "Mama, ako ito si Oceane ang anak mo.. tulungan mo ako Mama." Sabi naman nito "Wala kaming anak, Baragor. Hindi ba't sinira mo an gaming relasyon?" sigaw ko "Bakit nyo ako itinatanggi? May nagawa ba ako?" sabi na naman niya Napatingin ako kay Nazar. "Paano kung anak nga natin siya, Nazar?" "Wag kang magpapaloko sa kanya, Miranda. Wala tayong anak. Tandaan mo." Sabi ni Nazar Alam ko naman ang ibig niyang sabihin, kailangan namin itanggi ang pagkakaroon ng anak lalo pa't nasa panganib ang buhay nito. Napatingin ako sa kabilang sa likuran ni Baragor na nagpapanggap na anak ko, nakikita ko si Castor. "Castor?" bulong ko Napatingin muli si Nazar sa akin sabay tingin sa tinitingnan ko. "Castor.." bulong din niya "Anong ginagawa ni Castor?" bulong ko Hindi nagsalita si Nazar, nakatitig lang ito sa imahe ni Castor. "Nazar.. kung nandyan si Castor ibig sabihin.." sabi ko naman "Miranda, Miranda.. huminahon ka. Pagmasdan mo mabuti si Castor." Sabi naman niya Tumingin ako kay Castor, mabilis itong mawawala sa likod ni baragor pagkatapos ay mabilis din bumabalik. Palingon lingon din sa paligid ang batang bampira na para bang may hinahanap, pagkatapos ay sinusuntok ang isang bagay na di naman namin nakikita, ngunit walang magawa ang suntok at pwersa na ibinibigay nito dahil patuloy lang siya sa pagtumba. "Nakakulong si Castor, nahuli niya si Castor." Sabi ko naman "Hindi iyan ang nakikita ko." Sabi ni Nazar Muling itinutok ni Nazar ang wand niya sa kanyang ama. "Autenaro." Isang liwanag ang lumabas sa dulo ng wand ni Nazar pagkatapos ay dumiretso ito sa kanyang ama. Dahil sa spell na ginawa ni Nazar, bumalik sa pagiging hooded figure ang kaharap namin. "Lapastangan ka!" sigaw ng hooded figure Muling lumakas ang hangin, kumalat sa paligid ang itim na aura. "Sino ka para gamitin sa akin ang itinuro ko sa'yo?" galit na sabi ng hooded figure Itinaas ng hooded figure ang wand niya, at itinitutok ito kay Nazar. Lumutang sa hangin si Nazar at gayundin ako. Parang may kung anong bagay ang nakapulupot sa aking katawan, sobrang higpit nito at hindi ako makakilos. Nalaglag sa lupa an gaming mga wand, nararadaman ko na rin ang hapdi ng bagay na iyon habang mas lalong humihigpit ang pagkakagapos sa akin katawan. Napatingin ako kay Nazar, sa itsura niya para siyang walang nararamdaman dahil patuloy siya sa pagpupumiglas na wala rin naman nagawa sa lakas ng kung anong bagay na iyon. Ilang sandali, naramdaman ko ang pagluwag ng bagay na iyon na nakagapos sa aking katawan, hanggang sa malaglag kami sa lupa. Agad akong nilapitan ni Nazar. "Ayos ka lang ba, Miranda?" tanong nito Napatingin lang ako kay Nazar, hindi ko sinagot ang kanyang tanong , imbes nagtanong ako ng iba. "A-anong ginawa mo?" tanong ko "Hindi ako, Miranda. Wala akong ginawa." Sabi niya "K-kung hindi ikaw? Sino? Sino ang tumulong sa atin?" tanong ko ulit Sabay kaming napatingin sa aming likuran. Wala doon ang hooded figure, ngunit may mga bakas pa rin ng malakas na enerhiya na pinakawalan doon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD