Bumalik ang lahat sa simula dahil sa makalumang spell na binigkas ni Ulrika para sagipin ang lahat para sa tiyak na kamatayan ngunit ang inaakalang pagbabago ay hindi nakamit ng isa man sa kanila. Imbes panibagong kapahamakan at kaguluhan ang naging dulot nito hindi lang sa mga Wizarding World kundi maging sa mga ninirahan dito.
Ang pagpasok ni Oceane sa Academy ay isang malaking palaisapan sa kanya dahil pakiramdam niya ay nangyari na ito noon. Mahirap ipaliwanag ngunit iyon ang kanyang nararamdaman. Mga alaalang gumugulo sa kanyang isipan, mga taong may kinalaman sa kanyang nakaraan at isang lalaking malapit sa kanyang puso sa di niya maintindihan na pakiramdam.
Nakilala niya sina Zaiden at Castor na isang magkaaway. Mula sa mayamang pamilya si Zaiden at si Castor naman ay isang bampira na naninirahan sa isang kweba sa kagubatan. At ang malaking rebelasyon, tatay niya ang siyang nagpalaki kay Castor. Ang ama na matagal na niyang hinahanap at ang isang astig na babae sa Magicae Ministerium na si Miranda ay ang kanya palang ina.
Tumawid sila ni Castor sa mundo ng mga tao para mailigtas siya sa isang assassination at ang pagiging malapit ni Castor sa kanya ay naging isang kakaibang kilig ang naidulot nito sa kanyang dibdib. Sa kabila ng pagiging bampira nito ay may mabuti at malinis itong puso para sa kanya. Ngunit ang gumugulo sa kanya ay kapareho ito ng nararamdaman niya kay Zaiden Alfiro. Maslalo siyang naguluhan sa kanyang nararamdaman.
Teaser Book 5
Sino nga ba ang matimbang sa dalawang lalaki na handang ibuwis ang buhay para sa kanya?
At panibagong rebelasyon na naman ang kanyang malalaman. Mga panibagong kontrabida sa buhay niya. At ang Dark Lord na bigla na lang nawala at hindi malaman kung saan ito napunta. Ano ang magiging papel ng mga bampira sa kanilang tatlo? Anong mangyayari kay Calin? Sino ang dapat niyang piliin? Handa ba si Zaiden na gawin ang bagay na iyon para matupad ang propesiya?
Panibagong Adventure ni Oceane at huling libro ng Academy of Witchcraft and Wizardry.