ROSANA'S POINT OF VIEW Nanghihina akong napaupo sa katabing upuan ng higaan ni Itay. Hindi ako makapaniwala sa mga tinuran ni Joaquin. Ang akala ko, dala lang ng pagbibinata niya noon ang pagtatapat niya sa akin isang araw bago siya tuluyang magpunta ng Manila. Inakala ko na baka nasanay lang siya na kasama ako. Na sa paglipas ng panahon, makakalimutan niya rin ang tungkol doon at babalik kami sa kung ano kami sa simula. "Huwag mong sabihin na pinag-iisipan mo ang mga alok ni Joaquin, Rosana?" Bahagya akong nagulat sa galit subalit mahinang boses ni Andres. Ng magtaas ako ng tingin sa gawi niya ay nakita ko ang pinaghalong sakit at galit sa mga mata niya. Napabuntong-hininga ako. "N-narinig mo?" Hindi siya kumibo pero sapat na ang ekspresyon ng mukha niya para sagutin ang tanong ko