ANDRES POINT OF VIEW Mula sa pagkakahiga ay napabalikwas ako ng bangon dahil sa narinig na sinabi ni Rosana. "Ano?!" Kunot-noong tanong ko sa kanya. Iniisip ko na baka nagkamali lang ako ng narinig. Tumagilid patalikod sa akin si Rosana. "Hayaan mo 'ko sa desisyon ko na ito, Andres. Wala akong choice," aniya sa mahinang boses. "Wala kang choice?" Ulit ko sa sinabi niya. Ibig sabihin totoo ang sinasabi niya! "Anong sinasabi mo, Rosana?" Takang tanong ko sa kanya. Kumabog bigla ang dibdib ko. May determinasyon sa salita niya pero hindi ako makapapayag doon. Umikot ako kung saan siya nakaharap. "Hindi ako papayag, Rosana. Akala ko ba sabi mo wala kang balak patulan ang mga alok niya?" Mahinang sambit ko. Sukat do'n ay tumayo siya. Nagpakawala ng malalim na buntong-hininga habang pi