"Oh, pa'no. Maiwan ko muna kayo ni Rosana dito, ha, Joaquin. May aasikasuhi lang ako sa labas." Rinig kong paalam ni Nanay Rosing. "Ah, sige ho, Nay." I nodded and smiled to her. Hindi naman kumibo si Rosana. Ilang sandali pa ay kami na lang dalawa sa loob ng kwarto ni Tatay Tonyo. Hindi siya kumikibo. Bagkus ay nanatili lang siyang nakamasid sa kanyang ama. Tumikhim ako upang magpahiwatig ng pakikipag-usap sa kanya. "Kamusta ka na, Rosana?" Panimula ko. Ngumiti naman siya at tumingin sa akin. "Ayos lang naman. Ikaw, kamusta ka na? Ang tagal mo ding nawala, ah? 5 years? 6 years?" "Almost 6 years." "Balita ko magte-teacher ka?" She smiled sadly. "Baka huminto na rin ako next semester." I knew she would say that pero hindi ko pa rin mapigilang malungkot sa narinig. Knowing Rosana