"G-gusto kita, Rosana.." Nagulat ako sa tinuran ni Andres. Mula sa pagkakayuko sa kanyang nagdurugong kamao ay nag-angat ako ng tingin. "A-ano bang pinagsasabi mo, Andres?" kinakabahang tanong ko. Bumuntong-hininga siya saka marahas na inagaw ang kamay niya sa akin at tumayo.. "Hindi mo ba 'ko narinig? Sabi ko gusto kita! Mahal kita, Rosana!" sigaw niya. Hindi ko napigilang kabahan sa kakaibang ikinikilos niya. Halos mabasag niya ang mukha ni Timothy kanina kaya siguradong sa Police station nanaman ang bagsak niya mamaya. "P-pero bakit parang galit ka?" "Sino ba ang matutuwa, ha? Muntik ka ng gahasain ng pinagkakatiwalaan mong kaklase, ang tigas kasi ng ulo mo!" pabalik-balik na naglalakad si Andres sa harap ko habang tila hindi mapakali. Tumayo rin ako at tinitigan siya. Hindi ko m