Alas tres ng hapon. Tapos na lahat ng gawain sa bahay. Si Inay ay kasalukuyang nagpapahinga katabi ang dalawa kong nakababatang kapatid maliban kay Roldan na noo'y naliligo pa lang. Katatapos ko lang din maligo. Namili ako ng isang bulaklaking bestida saka nagwisik ng kaunting pabango sa aking leeg. Susubukan kong tumakas kay Roldan ng sa gayon ay hindi na siya maging asungot pa sa pagkikita namin ni Andres. Saka alam ko na mahihirapan akong takasan siya. Laking tuwa ko ng pipito pito pa siya sa banyo. Matapos kong abutin ang maliit na bag na siyang gamit ko tuwing pupunta ng palengke ay marahan akong naglakad palabas ng pintuan. Sige lang, tagalan mo pa ang pagligo. Good luck na lang sa 'yo kapatid.. Natatawang sambit ko sa sarili. Ng tuluyan akong makalabas ay halos takbuhin ko ang