6 YEARS LATER... ROSANA's POINT OF VIEW.. Marahan kong hinaplos ang malambot na buhok ni Andres habang nakasandal ang kanyang ulo sa aking hita. Pinagmasdan ko ang papalubog na araw, mula sa maliit na kubong ginawa ni Andres sa mataas na parte ng burol na ito, tanaw ko ang napakagandang sinag noon. Mamula mula rin ang ulap sa kalangitan. Ng umihip ang may kalakasang hangin ay napapikit ako. Masarap sa pakiramdam ang malamig na hanging dumadampi sa aking balat. "Naiinip na ako, Rosana," maya maya'y sambit ni Andres saka siya tumayo mula sa pagkakahiga at naupong paharap sa akin. Alam ko ang pinupunto niya. Matagal tagal na rin simula ng huli naming mapag-usapan ang tungkol sa bagay na ito at tandang-tanda ko pa na muntik na kaming maghiwalay dahil dun. Hinawakan ko ang mga kamay niya.