KABANATA 26: RECESS TIME

1778 Words
"Ano ba 'yang kaklase mo, Rosana? Parang may sayad, e." Mahina at naiintrigang tanong ni Andres sa akin. Halos pabulong niya lang iyon sinabi dahil baka marinig ni Andy. Natawa ako at tinapik ng mahina ang braso ni Andres. "Ssshh, baka may makarinig sayo. Ganyan talaga siya tuwing makikita kayo ni Joaquin. 'Di ko pa ba nabanggit sa inyo na crush niya kayong dalawa?" Sunod sunod na umiling si Andres saka tila nadismaya na ewan sa narinig niya mula sa akin. "Seryoso ka ba? Bakit dalawa pa kami ni Joaquin? Pwede ba yun? Si Joaquin na lang sana. 'Di ko pa naman siya type." Hindi ko maintindihan ang hitsura ng mukha niya habang nakatingin sa kinaroroonan ni Andy. "Hoy, feeling gwapo ka naman diyan! Maganda naman si Andy, ah. Cute nga siya, e. May lahi kaya yan. Saka mayaman din sila no, pasalamat ka nga may nagkaka-crush pa sayo, e. Ang itim mo kaya," pagtatanggol ko kay Andy. "Ano naman ngayon? Hindi lang naman sjya ang nagkakagusto sa 'kin dito sa buong campus at fyi, Rosana. Gwapo kaya ako at nakikita mo to?" Itinaas niya ang t-shirt na suot at pinakita ang maliliit na abs niya sa akin. Sakto sa mamasel masel niya ring hulma ng katawan. Kaagad ko siyang pinandilatan ng mata. "Yuks, Andres! Mahiya ka nga sa ginagawa mo," hinampas ko pa sa kanya ang hawak kong towel. "Aba, aba. Maswerte ka nga at nakikita mo ng libre 'to." Nakatawa niyang sambit saka umayos ulit ng upo sa tabi ko. "Yung iba diyan, laway na laway sa abs ko. Gaya niyang kaibigan mong may sayad." Inginuso niya pa si Andy na nasa likuran ni Joaquin. "Puro ka may sayad, mamaya yan kainin mo din yang mga sinasabi mo, e." Inirapan ko siya saka pinagmasdan ang mahabang pila ng mga estudyante sa canteen. "Hindi mangyayari yan, may ibang babae akong gusto no," aniya. Ikinagulat ko yun. Ng tingnan ko siya ulit ay tutop niya ang sariling bibig. "Hala ka, Andres. Kailan ka pa naglilihim sa amin ni Joaquin?" Inis na sambit ko. Inilapit ko ang mukha ko sa kanya saka bumulong. "Sino? Kaklase mo ba o taga rito lang sa school? Kapit-bahay natin?" Panghuhula ko. Pero itinulak niya ang mukha ko palayo at tinuktok ang noo ko gamit ang hintuturo niya. "Ayan, tsismosa! Joke lang yun, murit!" Tumatawang sambit niya. Muli ko siyang inirapan saka hindi na ako kumibo. Kasalukuyan kaming nasa canteen. Nagprisinta si Joaquin na siya na lang muna ang bibili ng recess namin ngayong tatlo tutal naman ay siya din ang magbabayad noon. Doble pa tuloy ang meryenda ko dahil ililibre din ako ni Andy. Bayad iyon sa pagsama ko sa kanya sa bonding namin nila Andres at Joaquin. Nasa Canteen din si Andy at animo'y pulubing nakatunghay lamang kay Joaquin kahit pa nga nakatikod ito sa kanya. Kung ang pagbabasehan ay ang pagkakalapit ng katawan niya sa kaibigan ko, animo'y gusto niya ng yakapin ang may kalaparang likod ni Joaquin at simsimin ang amoy nito. Ilang sandali pa ay pabalik na si Joaquin sa upuan namin habang si Andy ay naiwan pa upang mamili naman ng recess niya. "Parang linta naman yung kaibigan mo, Rosana," inis na sambit ni Joaquin pagkaupo sa katapat na upuan. Inilapag niya ang hawak na tray at pinunasan ang noo niya gamit ang bimpo na hawak ko. "Bakit ba ang weird niya?" Muling tanong ni Joaquin. Inilapit ko ang mukha ko sa kanya at bumulong, "Crush niya kasi kayong dalawa ni Andres?" "Hindi nakakapagtaka," dagling tugon niya saka inilapag sa tapat namin ang nabili niyang meryenda. "Ha?" Takang sambit ko. "Oh, wala namang bago sa sinabi mo, e." Tila balewalang pahayag ulit ni Joaquin. "Diyos ko, ang tataas ng upuan niyo, oh? tingnan niyo! Grabe," sarkastikong sambit ko habang umiiling. Hindi rin naman saksakan ng hangin ang dalawang 'to! Maya maya ay papalapit na rin si Andy sa amin. Sabay na nagyuko ng ulo sina Andres at Joaquin. Tila nagpopokus sa pagkain nila. Nailing akong muli. Masaya akong ngumiti kay Andy at kinuha ang tray sa kamay niya. Nakatayo pa rin kasi siya at tila hindi alam kung saan uupo. "Ah, diyan ka na lang maupo sa tabi ni Joaquin, Andy. Bakante naman 'yan, 'di ba, Joaquin?" Pahayag ko sa kanya. Mabilis naman siyang sumunod. Sinimulan ko na ring kumain. Napansin ko na parang ang arte ng pagkakahawak ni Andy sa tinapay niya. May palaman iyong hotdog sa loob. "A, Rosana. Pwede ba akong sumabay sa inyo mamayang uwian?" Maya maya'y tanong ni Andy. Tatango na sana ako pero biglang nagsalita si Joaquin. "Susunduin kami mamaya ni Kuya Nestor. Puno na ang kotse kaya hindi ka na pwedeng sumabay." Nagtaka ako, ang pagkakaalam ko kasi, hindi naman kami nagpapasundo dahil mas gusto namin ang maglakad at magkwentuhan. "Ay, gano'n ba? Pwede naman ako makikandong kay Rosana, o kaya sayo o sa kanya," huli niyang tinuro si Andres. Sabay na nagkatinginan sina Joaquin at Andres saka natawa ng bahaw. "Joker din pala 'tong kaibigan mo no, Rosana?" Ani andres. "Oo naman, gusto kong magpasaya ng ibang tao, lalo na kayo, syempre." Dagling tugon ni Andy. "Maliit ang kotse ni Dad. Mauumpog ka sa bubong kaya 'wag na, sayang naman yang mga ipit sa buhok mo ang gaganda pa naman," nakangiting sambit ni Joaquin. Agad na napahawak si Andy sa mga kolorete niya sa buhok at tila nahihiyang nagyuko ng ulo. Nakita ko kung paano mamula ang magkabilang pisngi niya. Ng tingnan ko si Joaquin ay kinindatan niya ako at si Andres. Sabay pa silang nag-apir habang hindi nakatingin si Andy. Paano ba naman kasi, parang ninanamnam niya yung papuring narinig niya mula kay Joaquin kahit ang totoo ay niloloko lang naman siya nito. Habang unti-unting napupuno ng mga estudyante ang canteen, papaubos na rin ang upuang maaring pagpwestuhan doon. Natanaw ko si Zach na papalapit sa amin, kaklase ko rin at isa sa matalinong estudyante doon. Siya rin ang escort ko ng maging muse ako sa buong klase. Nakakapagtaka nga na ako ang napili o mas maiging sabihin na wala na lang silang choice dahil lahat ng magaganda sa klase ay may pwesto na. "Hi, Rosana. Pwede bang maki-upo?" Bati niya sa akin habang nakatayo sa kabilang gilid ko kung saan may pwesto pa naman para sa isang tao. Nakita ko kung paano sabay na nag-angat ng tingin sina Andres at Joaquin at matamang tinitigan si Zach. Nagulat pa ako ng mabilis na tumayo si Joaquin at lumipat sa tabi ko. "Doon ka na lang, Pre." Itinuro niya pa ang dati niyang pwesto. Sa tabi ni Andy. "Ah, okey. S-salamat," tila nahihiyang sambit ni Zach habang napapakamot sa ulo. Hindi ko mapigilang magtaka. Tiningnan ko ng masama si Joaquin pero tinaas taas niya lang ang dalawang kilay niya sa akin at saka ako nginitian. "Kaibigan ba kayo parehas ni Rosana?" Maya maya'y tanong ni Andres kina Zach at Andy. Kiming inipit ni Andy ang buhok niya sa kanyang tainga saka sumagot. "O-oo, magkaibigan kami ni Rosana sa room. Ang totoo niyan, palagi ko nga siyang pinapakopya at nililibre ng recess," pagmamalaki ni andy. Sa ilalim ng lamesa ay lihim kong sinipa ang paa niya. Gumanti naman siya sa akin na tila sinasabing sabayan ko na lang ang trip niya. "Gano'n ba. Kaya naman pala mataas ang grade palagi ni Rosana. Pero bakit kaya gustom pa rin siya tuwing uwian kung nililibre mo naman siya?" Kunwa'y nagtatakang tanong naman ni Joaquin. Muling nanlaki ang mga mata ko, ano bang pinagsasabi ni Joaquin? Mamayang uwian talaga may libreng sapok sa akin 'tong dalawang 'to! "Ah- hayaan mo, bibilihan ko na lang siya ng mas nakakabusog sa susunod," tila nahihiyang turan ni Andy. "Very good. Huwag mong pababayaan ang prinsesa namin, ha?" Si Joaquin ulit. Shet! Pakiramdam ko pulang pula na ang buong mukha ko sa hiya. Kinurot ko ng palihim sa hita si Joaquin. Mabuti na lang at si Zach ay tahimik lang na kumakain habang nakayuko ang ulo. "Outch! May langgam yata," kumibot siya ng mahina at tinapik ang kamay ko. Pero kinurot ko siya ulit, Nagulat ako ng imbis na gumanti siya ng tapik ay hinawakan niya nalang ng mahigpit ang kamay ko. "Bitaw, kakain na ako," mahina kong sambit sa kanya. "Kapag nangurot ka pa ulit, itatali ko na yang kamay mo sa kamay ko," mahinang banta niya. Inirapan ko siya saka inis na binawi ang kamay ko. "Eatwell, princess," panunudyo ni Andres. "Tse! Manahimik ka na nga lang at kumain din," inis na saad ko. "Hoy, Rosana. Ang sungit mo naman. Ang swerte mo nga at- at may kaibigan kang mga gwa-gwa.. mababait at mapag-alaga, e," pautal utal na sambit ni Andy. "Kitam, Rosana. Maraming naiinggit sayo," si Andres ulit. "Isa na 'ko dun," nakataas pa ang kamay ni Andy. "Hindi ba 'ko pwedeng sumama sa grupo niyo?" Malamlam ang matang tanong niya kay Andres. "Wala naman kaming grupo, pagkakaibigan ang mayroon kami simula noong maliliit pa kami kaya siguro hindi pwedeng may makisali na lang bigla," seryosong pahayag ni Andres. Totoo naman yun. Wala namang may gusto sa amin na magsama pa ng ibang tao. Magkaroon siguro ng ibang mga kaibigan sa labas ng pagkakaibigan namin nina Andres at Joaquin, pwede. Pero kaming tatlo? Solid na kami, e. "Totoo yun, Andy. Andy nga ba ang pangalan mo?" Si Joaquin. "Kilala mo pala ako, Joaquin." Kinikilig na sambit ni Andy. "Ah, hindi. Naikwento ka lang ni Rosana." Dagling bawi ni Joaquin. "Talaga?" Manghang sambit ni Andy. "Oo, kaya maging mabuti kang kaibigan kay Rosana, Okey?" Kinindatan pa siya ni Joaquin na naging dahilan ulit ng pamumula ng pisngi niya. Sakto naman ang pagtunog ng bell. Hudyat na tapos na nag recess time at kailangan na namin bumalik sa kanya kanya naming mga klase. "O, pano? Mauna na kami," paalam ni Andres. Tinapik niya pa ang balikat ko saka siya umikot sa gawi ni Andy. Pumuwesto siya sa likuran nito saka hinawakan ang magkabilang balikat. "Ikaw na ang bahala sa prinsesa namin, ha, Andy?" Bulong niya sa tainga ni Andy. Halos himatayin naman si Andy sa labis na tuwa. Kitang kita ko ang hindi maipaliwanag na ningning sa mga mata niya. Nanginginig din kasi ang mga kamay niya. Mga luko luko talaga 'tong dalawang 'to. Mamayang uwian siguradong sasabunin ko silang dalawa. Bago tuluyang umalis ay nag-abot pa ng tissue paper si Joaquin kay Andy. "P-para saan to?" nagtatakang tanong ni Andy. "Sa bibig mo," kunway seryosong sagot ni Joaquin. "Baka mabasa kasi yung uniform mo ng laway mo," pahabol ni Joaquin saka mabilis na umalis. Ngumisi pa sila at sabay na kumaway sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD