KABANATA 3 PICNIC

1064 Words
Nakapasok kami ni Andres ng maayos sa loob ng bahay nila Joaquin. Hindi na ako nakaramdam ng takot sa mga aso dahil nasa tabi ko na si Andres. Palagi namang napapanatag ang loob ko sa tuwing pinoprotektahan niya ako. Sa maluwag na terrace kami naupo ni Andres, agad kaming sinalubong ng yaya ni Joaquin at hinandaan ng juice at biscuit habang naghihintay. "Ang ganda ganda mo naman, Rosana! Oo nga pala, sandali lang, ha? Naliligo pa kasi si Joaquin," mabait na sambit niya sa amin. Tumango ako ng sunod-sunod sa kanya, "Sige po, salamat." Marahan kong ininom ang juice gayundin si Andres. Itinabi ko na lang ang biscuit para iuwi sa mga kapatid ko mamaya. Dadaan muna kami sa bahay bago dumeretso sa fishpond. Maya maya ay inabot din ni Andres sa akin ang biscuit niya. "O, heto. Ibigay mo na din sa mga kapatid mo para tig-isa sila." nakangiting saad niya sa 'kin. Kinuha ko naman 'yon at inilagay sa kabilang bulsa ko. "Salamat," kiming sagot ko sa kanya. Sabay kaming naupo sa malambot na sofa at nagngitian. "Hindi ka ba pinalo ni Aling Rosing?" tanong ni Andres sa akin. Masaya akong umiling sa kanya. "Hindi. Ang bait nga ni nanay sa 'kin kanina. Siya din nga yung pumili nitong suot ko tapos inipitan ako." "Ah, kaya pala maganda ka ngayon." ani Andres. Hindi ko alam kung pagkadismaya ba ang nakita ko sa mukha niya pero parang hindi siya masaya na hindi ako napalo ni nanay. "Bakit parang malungkot ka, Andres?" naisipan kong itanong sa kanya. Hindi naman siya kumibo, inubos niya ang laman ng kanyang baso at nahiga sa mahabang sofa. "Ang tagal ni Joaquin. " inip na sambit niya. Maya maya pa ay bumaba na si Joaquin. Nakaporma din ito na gaya ko. "Ang ganda mo naman Rosana." bati niya sa akin. Nakita kong napatayo si Andres mula sa pagkakahiga at lalo pang sumimangot. "Teka, nag-usap ba kayong dalawa na magsusuot ng maganda ngayon? Bakit 'di n'yo ko sinabihan?" inis na sabi ni Andres. "Wala kaming pinag-usapan, Andres." Mabilis kong tugon. Kilala ko magalit si Andres. Siguradong hindi niya nanaman kami papansinin ng ilang linggo at ayokong nakikita siyang malungkot. "Diba hindi ka pinagalitan ni Aling Rosing? Edi magpapakasal na tayo?" si Joaquin. Naupo siya sa tabi ko at masayang ngumiti. "Ah, kaya pala kayo nakabihis. Ngayon na agad?" si Andres. Wala akong maisagot sa kanilang dalawa. Hindi ko naman alam na ngayon na pala gustong maglaro ni Joaquin ng kasal-kasalan.. "P-pero katatapos lang natin maglaro no'n kanina." sabi ko. "Oo nga, sa ibang araw na lang kasi." Mabilis na salo din ni Andres bago nahiga ulit sa sofa. "Gusto ko ngayon na. Saka, nakabihis ka na din naman." pagpipilit ni Joaquin sa 'kin. "Ako na ang bahala sa isusuot mo, Andres. Nandiyan naman yung ginamit ko kanina no'ng kinasal ko kayo, e." dagdag niya pa. "Hay, sige na nga! Tara na.." mabilis na tumayo si Andres at nagpatiuna ng maglakad palabas. Hinawakan naman ni Joaquin ang kamay ko pagkatapos ay inabot ang nakaplastic na kunwari ay damit pang pari at masayang hinila na rin ako palabas. Kapag ganitong gusto magpicnic ni Joaquin ay kailangan kasama namin ang yaya niya. Delikado daw kasing umaakyat kami ng puno tapos walang nagbabantay sa amin. Siya din ang nag-iihaw ng nakukuha naming isda. Paglabas namin ng pintuan ay agad na dinamba ng alaga niyang aso si Joaquin. Napatili naman ako sa sobrang takot habang si Joaquin ay masayang nakipaglaro sa kanyang aso. Mabilis na dumating si Andres para saklolohan ako. "Ano ka ba naman Joaquin. Alam mo na ngang takot si Rosana sa mga aso mo," galit na sabi ni Andres habang pinapapagpag ang bestida ko. Pinalayo naman agad ni Joaquin ang alaga niya at binalingan kami. "Sorry, ha Rosana. Malambing talaga si Tiger. Wag kang mag-alala, hindi ka naman niya aanuhin." "Halika na nga, Rosana. Sa 'kin ka na kumapit." hinawakan ni Andres ang kamay ko at iginiya ako palabas ng malaking gate nila Joaquin. Pagkalabas naming tatlo ay masaya na kaming tumakbo papunta sa fishpond. Sumigaw man ang yaya ni Joaquin dahil iniwan namin ito ay hindi namin siya inintindi. Nagpaunahan kaming makarating sa ilalim ng malaking puno ng akasya kung saan kami palaging pumupwesto kapag kumakain. Maraming puno ng mangga, sirengwelas, santol, bayabas, duhat at kamachili ang malapit sa malawak na fishpond at nakapalibot sa malaking puno ng akasya. Madalas naming inaakyat ang mga punong mabababa doon at kinakain ng sabay sabay ang mga bungang nakukuha namin. "O, eto ang pamingwit mo, Rosana. Eto naman sayo, Andres." Si Joaquin habang isa-isang inabot sa amin ang mga pamingwit na pinagawa pa ng papa niya para sa aming tatlo. "Pagkatapos nito, ikakasal mo na kami ha, Andres?" Nakangiting sabi ni Joaquin kay Andres. Nakita ko nanaman ang pagsimangot ni Andres pero tumango pa din naman siya. Maya maya lang ay naramdaman ko ang paggalaw ng pamingwit ko. Hinila ko ito sa abot ng makakaya ko pero mabigat. Nakita naman 'yon nila Andres at Joaquin. Nakita kong binitawan nila parehas ang hawak nilang pamingwit at tinulungan ako. Dahil sa lakas ng pwersa naming tatlo sa paghihila ay sabay sabay kaming napahiga sa damuhan. Nagtawanan kaming tatlo at nag-apir. Isang malaking dalag pala ang nakuha ko. Hindi na namingwit pa sila Andres at Joaquin. Sapat na siguro sa amin ang malaking dalag. Agad na nilinis ng yaya ni Joaquin ang nahuli namin at isinalang sa nagbabagang kahoy. Pag-akyat naman sa puno ang sunod naming ginawa. Sanay na si Ate Marina sa ginagawa namin, ang yaya ni Joaquin. Masaya lang siyang nanunuod sa aming tatlo at kung minsan ay nakikisali sa pag-akyat namin sa puno at pamimingwit. Malapit kaming tatlo sa kanya, kabisado niya na din ang ugali namin kaya hindi problema sa amin kung kasama namin siya madalas sa paglalaro. Nakikita ko rin na madalas niyang katagpuin doon si Kuya Nestor. Sweet sila na gaya nila Inay at Itay kaya parang magulang na din namin sila kapag ganitong nagpipicnic kami sa tabing Fishpond. "O, mag-iingat kayo diyan, ha?" Sigaw niya sa amin. "Opo." Sabay sabay na sagot namin sa kanya. Ako ay sa puno ng seringgwelas umakyat habang si Joaquin at Andres ay sa puno ng Camachile. Si kuya Nestor ay inaabot lang ang mangga at duhat habang nagluluto naman si Ate Marina...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD