KABANATA 4: ANG PANGANIB

2202 Words
THIRD PERSON POINT OF VIEW.. Matapos kumain ay pansamantala silang nagpahinga sa ilalim ng puno. Nagku-kwentuhan ang tatlong bata habang sweet na nag-uusap din sina Marina at Nestor sa kabilang gilid ng malaking puno. "Oo nga pala, Andres at Rosana. Magbabakasyon kami sa Enchanted Kingdom nila Daddy. Gusto niyo bang sumama?" panimulang tanong ni Joaquin. "Enchanted Kingdom? Saan naman 'yon?" takang tanong ni Rosana habang ngumunguya ng duhat. "Sa ibang bansa, pero malapit lang daw sa pilipinas sabi ni Daddy." Nakangiting tugon ni Joaquin. "Hindi ako maaaring sumama, marami pa kaming trabaho dito nila Rosana. Ikaw na lang Joaquin." malamig na saad naman ni Andres. "Pero, sila nanay at tatay naman ang gumagawa noon," dagling kontra ni Rosana sa pahayag ni Andres. Naiinis siya sa napakasungit na ugali ng kalaro. Kaagad siyang sinimangutan ni Andres pero hindi iyon inintindi ng batang babae. "Ano bang meron sa Enchanted Kingdom, Joaquin?" excited na tanong ulit ni Rosana kay Joaquin. Pakiramdam kasi ng bata ay parang may magic doon dahil sa tawag pa lang sa lugar na iyon. "Parang kapag fiesta dito sa atin. Yung peryahan. Ganon siya pero mas malaki at mas maraming masasakyan na malalaki kaysa sa madalas nating makita dito. May mga picture ako sa bahay. Gusto mo sumama ka mamaya, ipapakita ko sa 'yo." nagniningning ang mga matang saad ni Joaquin. Kaagad na sumang-ayon si Rosana kay Joaquin. Napapalakpak pa ito sa excitement na nararamdaman. Hindi naman maipinta ang mukha ni Andres sa labis na pagkasuyang nararamdaman. Kung tutuusin lang, ayaw niyang sumama sa picnic na ito, alam niya kasing maiinis lang siya sa mangyayari pero naroon si Rosana. Ayaw niya din namang masolo ni Joaquin ang kababata niya. Hindi siya kumikibo ng ilang minuto. Sumasagot lang siya kapag tinatanong. Ayaw niya ring sirain ang mood ni Rosana. Mukhang masaya kasi ito sa pinag-uusapan nila ni Joaquin. Mabuti na nga lang at mukhang nakalimutan na nila ang kasal kasalan nilang dalawa. Mas maigi nang magkwentuhan na lang sila kaysa maging pari siya at ikasal sila. Lihim na nangiti si Andres sa isiping iyon. Napilitan na din siyang makisama sa kasiyahan ng dalawa upang magpatuloy ang kwentuhan at tuluyang makalimutan ang kasal-kasalan. "Sige na nga, sasama na ako." Nakangiting pahayag ni Andres. Masayang lumingon sa kanyan si Rosana. "Alam ko namang hindi mo kami matitiis, e." "Syempre gusto ko din makita at masakyan yung mga rides na sinasabi ni Joaquin. Ililibre mo naman kami 'di ba, Joaquin?" Sunod sunod na tumango si Joaquin. "Ako ang bahala sa inyo," kumindat pa ito sa dalawang kalaro. Saka itinapon sa malayo ang buto ng mangga na kanina niya pa kinakain. "Tapos sabi ni Daddy marami din daw naka-costume na tao doon. May mga nagma-magic pa raw na pwede natin panuorin." "Wow, gusto ko na marating ang lugar na iyon, Joaquin. Kailan ba kayo pupunta doon?" Ani Rosana. Panandaliang nag-isip si Joaquin. "Siguro kapag wala ng pasok sa school para pwede tayo magtagal." "Talaga?" tuwang-tuwa si Rosana sa naririnig. Si Andres man ay nakikingiti na rin kahit pa nga iyon ay purong pagpapanggap lamang. "O, mga bata. Ilang sandali na lang at uuwi na tayo, ha?" Si Marina iyon habang inaayos ang mga ginamit nila sa pagpipinicnic. Si Nestor naman ay kasalukuyang naglilinis. "Teka, parang may nakalimutan tayong gawin?" tila nag-iisip na tanong ni Joaquin sa mga kababata. Kaagad namang sumingit si Andres upang iligaw ang usapan. "Ilang araw naman tayo tatagal doon, Joaquin? Kailangan pala marami tayong dalang damit, Rosana." Nakangiti niyang pahayag. Tila nagtagumpay naman si Andres sa pinaplano niya. "Ay, oo nga pala. Kailangan marami kayong dala. Saka si Ate Marina ang makakasama natin bukod kay Mommy at Daddy, siguradong di tayo mapapababayaan doon," paniniguro ni Joaquin. "Kaya dapat magpaalam na kayo ha?" Pahabol pa ng bata. Sa narinig ay biglang nalungkot si Rosana. Naalala niya na mahigpit pala ang kanyang ina. Masyado siyang nadala sa mga kwento ni Joaquin kanina kaya nawala sa isip niyang mahirap nga palang kumbinsihin ang nanay niya. Nagpakawala ng malalim na buntung-hininga si Rosana. "Sana payagan ako ni Inay," Nagkatinginan sina Andres at Joaquin. Ilang sandali pa ay masayang ngumiti si Joaquin kay Rosana. "Hayaan mo, Rosana. Ipagpapaalam kita kay Aling Rosing. Malakas yata ako sa kanya, no." May pagmamalaki sa boses ni Joaquin. Muli namang napasimangot si Andres sa narinig pero pinilit niyang itago ang nararamdamang inis. "Oo, Rosana. Sasamahan ka namin. Kaya huwag ka ng mag-alala," saad ni Andres. "Totoo?" Naninigurong tanong ng batang babae. "Totoong-totoo!" Panabay na bigkas nina Andres at Joaquin bago sila sabay na nagtawanan. Matapos mag-gayak ay excited na umuwi sina Joaquin at Rosana. Sasama silang muli sa bahay ni Joaquin upang tingnan ang sinasabi nitong mga larawan ng Enchanted Kingdom. Sa daan ay ganoon nanaman ang pwesto ng tatlong bata habang naglalakad, nasa gitna ng dalawang lalaki si Rosana. Walang patid sa pagkukwento si Joaquin tungkol sa mga sinabi ng kanyang ama patungkol sa Enchanted Kingdom. Nababagot man si Andres ay hindi na siya nagpahalata. Baka kasi maalala pa ng mga ito ang tungkol sa kasal at kahit nasa bahay na sila nila Joaquin ay matuloy pa rin iyon. Pagpasok sa gate ay muli silang sinalubong ng mga alagang aso ni Joaquin subalit sa pagkakataong 'yon ay naroon na si Joaquin upang protektahan si Rosana. Pinituhan niya lang ang kanyang alaga at kusa nang tumahimik ang mga ito. "Maupo muna kayo dito at padadalhan ko kayo ng maiinom kay Aling Ising." Bilin ni Marina sa mga bata pagkapasok nila sa loob ng bahay. Tumango naman ang tatlong bata at matiyagang naghintay sa malawak na sala. "Dito lang kayo, ha? Kukunin ko lang yung mga larawan." Maya maya'y paalam naman ni Joaquin. "Sige, bilisan mo lang, Joaquin." Nakangiting tugon ni Rosana. Tumango naman ng sunod sunod si Joaquin. "Oo, madali lang ako." Saka ito nagmamadaling umakyat sa kanyang kwarto. "Rosana," tawag ni Andres sa kababata. "Hmm?" "Sasama ka talaga? Paano kung malayo yun?" Nagkibit balikat lamang ang bata pero hindi ito kumibo. Muling napasimangot si Andres sa ginawi ng kaibigan. "Sige pala, kayo na lang. Mukhang mas masaya ka naman kapag si Joaquin lang ang kasama mo, e." may halong lungkot ang tinig na iyon ni Andres. Kaagad siyang nilingon ni Rosana at tinitigan. "Hindi yon gano'n, Andres. Pa'no kasi pipigilan mo nanaman ako, e. Sabi mo kanina okey na sasama ka na, 'di ba?" "Oo nga, kaya nga tinatanong kita kung talagang gusto mo na sumama, e." Nakalabing saad si Andres. "Oo nga. Gusto ko talaga sumama. Masaya yun. Mas masaya kung magkakasama tayo." "Paano kung may isang hindi pinayagan sa atin?" Kaagad na nalungkot ang mukha ni Rosana sa narinig. Maaari kasing siya ang hindi payagan lalo na kung wala siyang makakasama mula sa bahay nila. "Kaya n'yo nga ako ipagpapaalam kina Inay at Itay, 'di ba?" "O-oo nga. Malay mo lang." Ang maamong mukha ni Rosana ay muling nalukot subalit naroon pa rin ang cute na awra nito. "Grabe ka naman, Andres. Pinagdarasal mo siguro yan, no?" Inis na saad ng batang babae. "Nako, hindi a," dagling tanggi ni Andres. "Hindi na nga kita bati, Andres. Nakakainis ka talaga." Masungit na sambit ni Rosana saka siya nito tinalikuran. Napabuntong-hininga si Andres pero hindi na siya kumibo. Nakita niya kasi na pababa na si Joaquin mula sa kwarto nito at may bitbit na kung ano sa kanyang kamay. Kasabay ng pagbaba ni Joaquin ang paghahatid ng meryenda ni Aling Ising. "Kainin ninyo lahat ito, ha? Marami pa doon sa kusina kapag gusto niyo pa." Nakangiting saad nito sa kanila. "Salamat po, Nanay Ising." Masayang sambit ni Andres sa matanda. Si Nanay Ising ang taga-luto ng pamilya Añonuevo simula pa lang sa lolo ni Joaquin. Naipasa na rin naman nito sa kanyang apong babae ang mga sikreto sa pagluluto. Kung minsan ay naroon ito at tumutulong sa kanyang lola lalo na kapag walang pasok sa eskwelahan. "Mukhang masarap po itong bilo-bilo niyo nanay, pwede po ba akong mag-uwi para sa mga kapatid ko?" nakangiting tanong ni Rosana. "Nako, e ikaw pa ba, Rosana? Hayaan mo at ipagbabalot kita," masayang tugon ng matanda. "Maraming salamat po." "Maiwan ko na kayo dito. Dahan dahan lang kayo at mainit init pa yan," bilin ulit ni Nanay Ising bago siya tuluyang tumalikod at tunguhin ang kusina. Pagkaalis ng matanda ay masayang hinatak ni Rosana si Joaquin malapit sa kanya at inagaw ang hawak nitong animo'y malaking magazine. Natatawa namang pinagmasdan lang siya ni Joaquin. Si Andres ay lumapit na rin sa kanila bagama't hindi siya interesado ay nakitingin na rin sa Magazine. "Wow!" masayang bulalas ni Rosana ng makita ang kabuoan ng Enchanted kingdom sa unang page ng magazine. "Ito ba 'yon, Joaquin?" Hindi makapaniwalang tanong niya. Masayang tumango si Joaquin. "Oo, ang laki 'di ba?" "Sobra!" tugon ni Rosana saka muling nilipat ang pahina. "Wow, ang ganda naman ng ferris wheel nila! Ang laki laki. Nakakatakot siguro sumakay dito." Muling bulalas ni Rosana. "Hindi nakakatakot diyan. Mabagal lang daw yan umikot sabi ni Daddy kaya makikita mo lahat kapag nasa taas ka na," Paliwanag ulit ni Joaquin. "Gano'n ba? Kasya kaya tayong tatlo dito?" "Kailangan may kasama tayong matanda, pero siguro kasya tayo diyan, kabilaan naman ang pwede upuan." Muling nilipat ni Rosana ang pahina at nakita ang mga Air Balloon. Muling namangha ang bata kahit pa nga hindi niya alam kung para saan iyon. "Ang laking lobo naman nito, Joaquin. Nasasakyan rin ba 'to?" "Oo daw. Masarap daw sumakay diyan kasi parang mahahawakan mo na ang ulap. Gusto mo din ba sumakay diyan?" Masayang tanong ni Joaquin. "Hindi kaya nakakatakot 'yan? Paano kung biglang pumutok?" inosenteng tanong ni Rosana. Palihim na natawa si Andres sa narinig. Napansin naman agad iyon ni Rosana kaya isang irap ang ibinato niya sa kaibigan. "Hindi naman 'yan pasasakyan kung pwede pumutok, 'di ba, Joaquin?" nakatawang tanong ni Andres. "A, oo. Tama ka Andres. Magiging safe naman tayo diyan, Rosana." Sang-ayon ni Joaquin sa kaibigan. Lumabi si Rosana saka nagkibit-balikat. Muli niyang ipinagpatuloy ang pagbuklat sa magazine. Halos walang paglagyan ang pagkamangha niya sa nakikita at nalalaman. Para tuloy siyang nangangarap ng gising at umaasang matatapos na ang pasukan ng mas maaga at mabilis. Matapos ang kulang dalawang oras na pananatili nila Andres at Rosana sa malaking bahay ay nagpasya na rin silang umuwi. Medyo madilim na din kasi. Si Yaya Marina na rin ang naghatid sa dalawang bata kahit pa nga safe naman ang daanan at marunong umuwi ang dalawang bata. Unang hinatid ni Marina si Rosana. Matapos magalang na magpaalam kay Aling Rosing ay si Andres naman ang inihatid nito. Lingid sa kaalaman ng lahat ay palihim na nakamasid at sumusunod si Nestor sa kanyang kasintahan. Saka pa lamang siya magpapakita sa dalaga kapag wala na itong kasama upang maihatid naman ito ng ligtas sa malaking bahay. Kahit pa nga sabihing ligtas naman sa buong baryo ay wala pa rin siyang tiwala. Maganda at maputi si Marina, hindi lingid sa binata na marami ang nahuhumaling sa kanyang kasintahan. Marami siyang naging kakumpetensya sa dalaga noon, yun nga lamang at sa kanya ito nagkagusto kahit pa nga di hamak na magsasaka lamang siya. Palihim pa ring sinusundan ni Nestor ang kasintahan sa bahay nila Andres. Nakita niya kasi kanina na nag-iinom at lasing nanaman ang amahin ng kawawang bata kaya naroon ang kaba ni Nestor na posibleng mabastos ang kanyang kasintahan. At hindi nga siya nagkamali. Ang lasing na lalaki ang nagbukas ng pinto nang kumatok si Marina doon. May hawak pa itong bote ng gin sa kamay at may nakaipit ring sigarilyo sa kabilang daliri nito. Mula sa malalagong dahon ng tubo ay kitang kita ni Nestor kung paano ngumisi ang lalaki at tingnan ng malagkit si Marina mula ulo hanggang paa. Lumapad din ang ngiti nito saka sila pinatutuloy sa loob ng bahay subalit mariing tumanggi si Marina. Ang ina ni Andres ay nasa talipapa pa at nagtitinda ng gulay. Kinabahan si Nestor para sa kasintahan. Dagli siyang lumabas sa pinagtataguan at tinungo ang kinaroroonan ni Marina. "Halika na, ayaw mo ba 'to? Ginagalang kita kaya kita iniimbitahan sa loob ng tahanan ko. Para kukurot lang ng kapiraso, e. Hindi naman malalaman ni Nestor. Tayo lang ang makakaalam. Sigurado akong mas mahusay pa ako sa lokong yun." Bastos at nakangising pahayag ng amain ni Andres habang hawak ang braso ni Marina. "Ayoko, bitiwan mo ako," pagpupumiglas ni Marina. "T-tay, biti-" pilit ding inaalis ni Andres ang kamay ng amahin sa braso ni Marina subalit initsya lamang siya nito dahilan para tumalsik sa lapag ang bata. Sakto naman ang paglapit ni Nestor sa kasintahan. Kaagad niyang hinampas ng matigas na kahoy ang braso ng lalaki na nakakapit pa rin kay Marina. Kaagad naman itong napabitiw sa sakit. "Hayop kang bastos ka," sigaw pa ni Nestor bago inundayan ng isang malakas na suntok ang mukha ng Amain ni Andres. Sa lakas ng pagkakabwelo niya ay sumalampak ito sa sahig, duguan ang ilong at nguso. Hindi naman maiwasang mapasigaw si Marina dahil sa kumusyon. Pilit na tumatayo ang lalaki pero dahil na rin siguro sa epekto ng alak ay nahirapan na siyang makabangon pa...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD