KABANATA 17: PAGSUBOK

1775 Words
"What are you saying, Soledad? You can't do this to me. I give you everything! Ang gagawin mo lang ay magpakasaya sa buhay mo. Halos hindi ka naghihirap. Lahat binibigay ko sayo maging masaya ka lang! Nadala ka lang ng damdamin mo dahil bata ka pa. Ayusin mo ang gusot na ito, Soledad!" Hindi mapigilan ni Don Menandro ang emosyong bigla na lang bumangon sa kanyang dibdib matapos marinig ang sinambit ng kanyang may-bahay kaya napalakas ang boses niya. "No, Menandro. Ayoko na! I-I can't do this anymore. Puro na lang ibang tao ang binibigyan mo ng oras at atensyon. Siguro nga tama ka, nadala lang ako ng damdamin ko. Hinanap ko sa ibang lalaki lahat ng pagkukulang mo sa akin! Hindi sapat ang pera lang, Menandro. Everytime I'm trying to tell you all my problems or what's on my mind, sinasabi mo lang na ang drama ko. Na sa sitwasyon ko ngayon dapat hindi na ako nagko-complain. Dapat makuntento na ako dahil I can have everything I want." Umiiyak na paliwanag ni Donya Soledad. "Kahit ano pa ang sabihin mo, hindi pa rin tama na iputan mo ako sa ulo. Sa kumpadre ko pa? Hindi mo lang tinapakan ang p*********i ko, Soledad. Tinanggalan mo rin ako ng mukhang ihaharap sa lahat ng tao!" nagpupuyos ang damdaming sambit ni Don Menandro. Hindi niya lubos akalain na sa lahat ng ginawa niya para sa nag-iisang babae sa kanyang buhay ay magagawa pa siya nitong lokohin. "Kaya nga ipinagtapat ko na sayo ang lahat. Umaasa -ako na mauunawaan mo," halos maglumuhod ang ginang sa paanan ng asawa. "Hindi pa ngayon, Soledad. Hindi pa ngayon," mahina at naluluhang sambit ni Menandro. "Palayain mo na ako, Menandro. Mahal ko na si Manuel at mahal niya rin ako. Nag-divorce na rin sila ng asawa niya upang mapatunayan ang pagmamahal niya sa akin kaya maghiwalay na rin tayo," may pagmamakaawa sa boses ni Donya Soledad. Galit at nagtatakang nilingon ni Don Menandro ang kanyang asawa. "Are you serious, Soledad? My god, grow up! Sumira ka nang isang pamilya just for your own selfish needs? To satisfy your... your..." naiiling na sambit ni Menandro. Hindi siya makapaniwala na naririnig niya ang mga salitang yun kay Soledad. "No, That's not your kind, Soledad. That's not the woman I marry." igting ang pangang sambit nito. "I am not the real me when I'm with you, Menandro. Yan ang totoo. Hindi ko nae-enjoy ang buhay ko dahil kailangan lahat naaayon sa 'yo. Ikaw palagi ang nasusunod. I have my own life to live too so please, pabayaan mo na ako." Kaagad na bumigat ang dibdib ni Don Menandro kaya napaupo siya ng kusa sa malambot nilang kama. Kasalukuyan silang nasa loob ng kwarto at doon nag-uusap upang walang makarinig na kahit sino. "Sabihin mong nagbibiro ka lang," malumanay na sambit ni Menandro. "Buo na ang desisyon ko." Determinadong sambit ng ginang. "At paano ang anak natin, paano si Joaquin?!" Mahina ngunit mariing sambit niya. Tila natauhan naman si Soledad ng marinig ang pangalan ng kanyang anak. Pansamantala siyang hindi nakakibo. Subalit lingid sa kaalaman ng mag-asawa ay hindi sinasadyang marinig ni Joaquin ang pagsigaw kanina ni Don Menandro sa loob habang patungo ito sa kanyang kwarto. Dahil na rin sa utos ng kuryusidad ay binuksan ni Joaquin ang pinto at iniawang iyon ng kaunti. Rinig na rinig ng bata ang lahat nang napag-usapan ng kaniyang mga magulang. Kusang tumulo ang luha sa kanyang mga mata at saka marahang naglakad patungo sa kanyang kwarto. Ng makapasok ay siniguro niyang naka-lock ang pinto bago siya nagtungo sa kanyang kama, nagtalukbong ng kumot, isinubsob ang mukha sa unan at doon umiyak ng umiyak. Sa idad na walo ay malinaw sa kanya ang lahat. May mahal ng iba ang Mommy niya at 'yon ay ang kayang ninong Manuel. Ngayon nga ay gusto na rin nitong hiwalayan ang kanyang Daddy pero tila nagdalawang-isip lang ito dahil sa kanya. Hindi makapaniwala ang bata na maaari palang magkahiwalay ang Mommy at Daddy niya. Napakasaya kasi nilang pagmasdan tuwing magkasama kaya hindi pumasok sa isip kailanman ni Joaquin na hindi mahal ng kanyang Mommy ang kanyang Daddy. Lumipas pa ang ilang oras na nanatili lang sa gano'ng puwesto si Joaquin hanggang sa may kumatok sa kanyang pintuan. Naka-lock iyon na hindi niya naman madalas ginagawa kaya lubos ang pagtataka ng kanyang ama sa labas. "Hijo, Joaquin. Kakain na tayo." Tawag nito sa kanya. Sandaling nag-isip si Joaquin. Kanina ay nakabuo na siya ng sulusyon sa suliranin ng kanyang pamilya. "Papunta na po, Daddy." Sigaw na tugon ni Joaquin saka siya nagmamadaling nagpunas ng kanyang mukha, inayos niya na rin ang kanyang buhok at mga unan at kumot. Patakbo niyang tinungo ang seradura ng pinto at binuksan iyon. "D-dad!" Pilit ang ngiting pinakawalan ng bata sa kanyang ama. Nakita niya kung gaano kagaling ito sa pagtatago ng tunay na dinaramdam. Malaki ang mga ngiti nitong umaabot pa sa kanyang mga mata. "Come on. Nagpaluto ang Mommy mo ng paborito mong ulam!" Masayang sambit nito sa kanya. "Wow! Talaga, Daddy? Nagutom tuloy ako bigla," nilakihan niya pa ang ngiti upang hindi rin mahalata ng ama ang tunay na lungkot sa mga mata niya. Magkahawak kamay silang bumaba sa hapag-kainan. Nakahain nga ang paborito niyang pritong manok at steamed broccoli. Maging ang Mommy niya ay masaya ang hitsura. Walang bahid ng kung anong sakit sa kalooban. "Magpe-pray muna po ako, Mommy, Daddy." Bolunter na sambit ni Joaquin bago niya pinagdikit ang dalawang palad, ipinikit ang mga mata at iniyuko ang ulo. Kaagad namang sumunod ang kanyang mga magulang. "In the name of the father, the son and the holy spirit, Lord, salamat po sa masarap na pagkain namin. Salamat din po kasi kasama ko ngayon sina Mommy at Daddy. Sana po palagi lang kaming ganito dahil pakiramdam ko po, kumpleto ako kapag narito sila sa tabi ko. Sorry po kung minsan bad kid ako. Salamat po ulit, Lord. I love you." Iyon lamang at muling nag-sign of the cross si Joaquin. Masaya siyang dumampot ng pritong manok na nasa kanyang harapan at broccoli bilang pinaka-kanin niya. Walang kibong kumain ang kanyang mga magulang kaya ilang sandali pa ay nagsimula na siya ng isang usapan. "Mamaya nga pala Daddy, Mommy, gusto ko kwentuhan niyo ako sa kwarto ko." Nakangiting pahayag ni Joaquin habang ngumunguya ng gulay. Lihim na nagkatinginan sina Don Menandro at Donya Soledad. "Uhm, p-pwede bang ang Daddy mo na lang muna, Joaquin? Ano kasi... masama ang pakiramdam ng Mommy," Pagdadahilan ni Donya Soledad. "E 'di imamasahe ko ang ulo mo habang nagkukwentuhan tayo," suhestiyon ni Joaquin. Umaasa siyang gagana ang pakulo niyang iyon. Tumikhim si Don Menandro saka makahulugang sinulyapan ang asawa. "A-ah. O-oo. Sige, okey yun." Napipilitang tugon ni Donya Soledad. "Yey!" Masayang pumalakpak si Joaquin saka madaling inubos ang kanyang pagkain. "Aayusin ko muna ang kwarto ko, Mommy, Daddy. Hihintayin ko kayo roon, ha?" Nakangiting sambit ni Joaquin. "Okey, hijo. Ingat ka sa pag-akyat sa hagdan." Nakangiting sambit ni Don Menandro. Tumango ng sunod sunod si Joaquin saka masayang umakyat sa kanyang kwarto. "Hindi mo ba talaga kayang pakitunguhan ang anak mo kahit pakunwari lang? Anong gusto mo, malaman niya ang plano mong pakikipag-hiwalay sa akin? Napakabata pa niya para intindihin ang pagiging selfish mo, Soledad." Naiiling na pahayag ni Don Menandro. Hindi na kumibo pa si Soledad bagkus ay umakyat na ito sa kanilang kwarto at nagsepilyo. Inis na sumunod si Don Menandro sa kanyang asawa subalit hindi niya na ito kinausap pa. Nag-aalala siyang baka marinig ni Joaquin ang kanilang pagtatalo lalo at magkadikit lamang ang kanilang mga kwarto. Ilang sandali pa ay sabay na nilang tinungo ang kwarto ng anak. Muli ay isang pekeng ngiti ang ipinaskil nila sa kanilang mga labi bago kumatok. "Come, Mommy, Daddy." Hinawakan pa ni Joaquin ang magkabilaang kamay ng mga magulang at saka iginiya sa kanyang kama. "Ano bang story book mo ang gusto mo ipabasa sa amin, Anak?" Si Donya Soledad iyon. "A- wala po, Mommy. Ang gusto ko po malaman ay kung paano kayo nagkakilala ni Daddy," nakangiting tugon niya sa kanyang ina. Takang nagkatinginan ang mag-asawa. "H-ha?" kinakabahang tanong ulit ni Donya Soledad. "Bakit mo naman gusto malaman iyon, Hijo?" Nangingiting tanong din ni Don Menandro. "Ano po... a- kailangan kasi namin sa school." Nakangiting sagot ni Joaquin. "G-gano'n ba," Tila hindi kumportable si Donya Soledad. "Bakit po, Mommy? Ay, Oo nga pala. Dito ka mommy, hihilutin ko ang ulo mo habang nagkukwento kayo ni Daddy." Wala namang nagawa si Soledad kung hindi ang mahiga sa hita ng anak. Ginaanan niya na lamang ang kanyang sarili upang hindi mangalay kaagad si Joaquin. "Nagkakilala kami ng Mommy mo sa isang sayawan, Anak." Panimula ni Don Menandro. "Noong makita ko siya, parang hindi ko na nakikita yung ibang babae sa paligid niya kasi para sa akin, siya ang pinakamaganda sa kanilang lahat," tila may kung anong kuminang sa mga mata ni Don Menandro habang nagbabalik-tanaw sa nakaraan nila ng asawa. Si Soledad naman ay tila nag-iba ang pakiramdam nang muling marinig sa asawa ang mga salitang iyon habang si Joaquin ay matamang nakikinig at sinusubaybayan ang reaksyon ng kanyang mga magulang. "Niyaya ko siyang sumayaw, hindi naman siya tumanggi kaya sobrang saya ko. Eksakto naman na ang sumunod na kanta ay parehas pala naming paborito. Alam mo ba yung first love never dies na kanta, Anak?" Nakangiting tanong ng Don Kay Joaquin. Umiling si Joaquin. "Hindi po, Daddy. Pwede ko bang marinig yung kanta?" Excited na tanong ni Joaquin. "Aba, e. Oo naman, Anak," si Don Menandro. "Teka lang at kukuhain ko ang tape." Tumayo ito nang mabilis saka nagtungo sa kanilang storage room. Ilang taon na rin palang nakatago doon ang radyo at tape na iyon. Habang pinupunasan ang alikabok na bumabalot sa kagamitan ay doon lang din na-realize ni Don Menandro na malaki laki na rin pala talaga ang pagkukulang niya sa asawa. Totoong napabayaan niya ito ng mahabang panahon at nakalimutang magpaka-asawa dito. Tinakpan niya na lamang ng pera ang lahat ng iyon. Subalit huli na yata ang lahat, nagawa na siyang lokohin at ipagpalit nito sa iba. Pero may pag-asa pa siya. Hindi pa naman sila tuluyang naghihiwalay at tila gumagawa din ng paraan ang pagkakataon upang ma-realize nila parehas ang mawawala sa kanila oras na magkamali sila nang pipiliing desisyon. Nakahanda naman siyang patawarin ito sa anumang nagawa nito at kalimutan ang lahat alang alang sa kanilang binuong pamilya- lalong-lalo na si Joaquin...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD