Samantala, maagang binisita ni Aling Rosing si Andres sa kulungan kinabukasan. Inabutan niya itong nakayuko habang hawak-hawak ang kanyang ulo. "Mabuti naman at gising ka na, Andres." Malamig na sambit ni Aling Rosing. Kaagad na nag-angat ng ulo si Andres. Bakas sa mukha nito ang depresyon at pagsisisi. "P-patawarin niyo ho ako, Aling Rosing. N-nawala lang ho siguro ako sa katinuan kagabi." "Hindi mo ba alam kung anong klaseng trauma ang binigay mo sa amin ng mga bata, ha Andres?" Nagyuko lamang ng ulo si Andres. "Kung tutuusin, pwede kitang kasuhan ngayon upang tuluyan ka ng makulong." Sukat doon ay muling napataas ng mukha si Andres. "Nagmamakaawa ako, Aling Rosing. Baka hindi kayanin ni Inay kung makukulong ako. Ako na lang ang kasama niya sa buhay. Nangangako naman ho ako na hi