JOAQUIN'S POINT OF VIEW "Rosana!" Mahinang bulalas ko ng maramdaman ng biglang pagbagsak ng katawan ni Rosana sa akin. Kung kanina ay pigil-pigil ko siya upang huwag puntahan si Andres, ngayon ay tila wala na itong malay. Kinabahan ako. Dagli ko siyang binuhat at inilayo sa lugar kung saan kami nagkukubli kanina. Sa bahay ko na muna siya iuuwi, delikado kung idederetso ko pa siya sa kanila. Mabilis naman akong sinalubong ni Nanay Ising. "Anong nangyari kay Rosana?" Nahihintakutang tanong niya sa akin. Marahan kong inilapag si Rosana sa malambot na sofa. "Hinimatay ho siya, Nay. Si Dad po nasaan?" Hingal na tanong ko sa kanya. "Nasa kwarto niya nagpapahinga yata. Diyos miyong bata ito," aniya habang nakatingin kay Rosana. Nilapitan niya ito at kinapa ang noo. "Bakit naman namumutla s