Wala pa rin ako sa huwisyo ng lumabas ako sa CR. Hawak ko sa kamay ang resulta ng pagmamahalan namin ni Andres. Magulo ang isip ko. Tulala akong sumandal sa pisngi ng pintuan. Malalim ang takbo ng isip. Tama ba ang gagawin ko? Karapatan ni Andres malaman ang totoo. Kailangan ko siyang makita at makausap. Pero ano ang mangyayari pagtapos noon? Naguguluhan ako.. Nagdadalawang-isip.. "R-rosana?" Para akong biglang nagising ng makita ko si Joaquin sa harapan ko. May hawak siyang malaking plato kung saan naroon ang mga binalatan at hiniwa-hiwang mga prutas. Nakita ko ang pagbaba ng mata niya sa kamay kong may hawak na pregnancy test. Kinabahan ako. Naikuyom ko ang kamay at pilit na itinatago ang maliit na bagay na naroon kahit alam kong huli na ang lahat. Nakita ko rin ang sakit na bumalata