"Kailangan ko ba talagang mag-tiis ng ganito bago ka tuluyang mapasa-akin, Rosana?" Puno ng hinanakit na tanong ni Andres kay Rosana habang nakahawak sa kamay ng kasintahan. Malungkot siyang tinitigan ni Rosana. Maging ito man ay nasasaktan sa nakikitang pagdurusa ng minamahal. Pero ano ang magagawa niya? Kailangan niyang timbangin ang pagmamahal sa nobyo at sa kanyang pamilya? "Ano pang pasakit ang pagdaraanan ko bago ako tuluyang maging maligaya sa piling mo, Mahal ko?" Lalaki man ay hindi niya na napigilang maluha. Hindi maarok ng isip niya kung paano titiisin ang sakit sa tuwing iisipin niyang may ibang lalaking nanunuyo ng legal sa kanyang kasintahan habang siya ay patago nitong minamahal. "I'm sorry, Andres. I'm sorry.." Hindi malaman ni Rosana kung paano pagagaanin ang loob ng k