"Maha-" hindi naituloy ni Andres ang dapat ay masaya niyang pagpasok sa loob ng tahanan nina Rosana. Bumungad sa kanya ang namumutlang mukha ni Aling Rosing gayundin ang napakalungkot na mukha ni Rosana. Huminto siya sa labas ng pintuan at magalang na bumati kay Aling Rosing. "Magandang tanghali po, Aling Rosing. M-may dala po akong ulam para kina Rosana," Aniya saka itinaas ang mangkok na may lamang adobong manok. "I-ilapag mo na lang sa lamesa, Andres," malamig na tugon naman ni Rosana bagama't hindi siya nito tinatapunan ng tingin. Marahang pumasok si Andres saka inilapag ang mangkok sa lamesa. Gustuhin niya mang manatili ay hindi niya na nagawa sapagkat matatalim ang tinging ipinupukol ni Aling Rosing sa kanya. "Aalis na ho ako." Nakayuko niyang saad. Walang imik siyang naglakad