KABANATA 49: DATE

1477 Words

Mabilis na lumipas ang isang linggo. Hindi nagtangkang magpadala ng sulat si Rosana kay Andres. Tiniis niya ang lungkot at pagkasabik na nararamdaman para sa kasintahan. Sinusubukan kung hanggang kailan niya makakayang hindi ito nakaka-usap o nakikita man lang. "Halika, Rosana." Masayang yakag ni Joaquin sa kanya habang sila ay tahimik na naglalakad sa palibot ng malawak na palaisdaan. Hinawakan nito ang kamay niya at saka siya hinila sa kung saan. Hindi siya umimik at tahimik lang na nagpatianod sa gusto ni Joaquin. Nagbangka sila at sa isang floating cottage siya nito dinala. Doon ay tanaw mo ang kabuoan ng malawak na fishpond gayundin ang katapat na tubuhan. Palibhasa mahilig sa magandang tanawin, hindi mapigilan ni Rosana ang mapangiti ng maka-akyat sa cottage. Una niyang napansin an

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD