ANDRES POINT OF VIEW. Mangha kong pinagmamasdan si Rosana habang sarap na sarap siya sa kanyang meryenda. Hindi ko maiwasang mapahanga sa kanya. Napakaganda niya talaga. Lumapit ako sa kanya at inipit ang buhok niya sa kanyang tainga. Napaka-espesyal ng babaeng ito sa akin. Hindi matutumbasan ng kahit ano dito sa mundo ang pagmamahal ko sa kanya. Ngumiti ako ng tumingin siya sa akin. "Masarap ba?" tanong ko. Katatapos ko lang din kumain at hinihintay ko na lang siya matapos. Tumango siya ng sunod sunod. "Bakit ngayon mo lang ako dinala dito, Andres?" Kitang-kita sa mukha niya na nai-enjoy niya ang lugaw at lumpiyang gulay na nasa kanyang harapan. Lumapit ako sa kanya at nagpaliwag nang mahina. "Kabubukas lang nila noong nakaraang araw, hindi naman kita nayaya dito kahapon kasi alam