"Rosana, are you okey?" Hindi mapigilang tanong ni Joaquin kay Rosana. Hinawakan niya ang kamay nito at natuwa siya dahil hindi na nito binawi iyon. Kanina pa sila magkasama pero tila napakalayo ng dalaga sa kanya. Malayo ang tanaw nito at tulala. "R-rosana, puwede mo akong kausapin. Makikinig ako. Puwede mo akong sumbatan o saktan. Ayoko lang makita kang ganyan," malumanay niyang pahayag. Nagyuko ng ulo si Rosana. Maya maya pa ay humihikbi na ito. Nakita niya pa ang pagpatak ng luha ng dalaga sa kahoy na kinauupuan nila. Napatingala si Joaquin, napapikit ng mariin at napabuntong-hininga. Sa tuwing nakikita niya ang pagdurusa ni Rosana, hindi niya maiwasang isipin na isuko na lang ang pagmamahal niya para dito. Hayaan na ito kay Andres subalit paano niya ipagkakatiwala si Rosana sa isang