Kagat-labing naglalakad si Rosana pabalik sa kanilang bahay. Malalim ang takbo ng kanyang isip. Hindi niya alam kung paano mananatili sa piling ni Joaquin subalit hindi niya rin alam kung paano makakatakas dito. Tanging ang suhestiyon na lang ni Andres ang nakikita niyang paraan upang muling sumaya ng totoo. Nagbuga siya ng malalim na buntong-hininga bago tuluyang pumasok sa kanilang bakuran. Nakapagpasya na siya... Inabutan niya ang kanyang Inay habang pinupunasan nito ang katawan ng kanyang amang noo'y hirap na hirap habang naka-upo. Dere-deretsong pumasok si Rosana sa kanilang kwarto ng hindi man lang tinatapunan ng tingin ang mga magulang. Doon ay pnili niya ang ilang pirasong damit na maaari niyang madala mamayang hating gabi.. Ano man daw ang maging desisyon niya ay maghihintay s