KABANATA 22: PAGHAHANDA

1830 Words
5 YEARS AFTER... JOAQUIN POINT OF VIEW "Mommy, mommy..." tawag ko kay Mommy habang papalabo ng papalabo ang hitsura niya sa aking paningin. Masaya lamang siyang tumingin sa akin at kumaway. Hindi ko mapigilan ang mapaiyak. "Huwag mo akong iwanan, Mommy. Kailangan kita," bulong ko sa isip ko sapagkat alam ko na hindi naman ako maririnig pa ni Mommy. "Huwag mong pababayaan ang sarili mo, Anak. Kukuhain din kita balang araw," mula kung saan ay narinig ko ang tinig niyang iyon. Hanggang sa tuluyan ng nawala sa paningin ko si Mommy. Doon ko lang din na-realize na madilim pala ang paligid ko. Maging ang tinutuntungan ko ay hindi ko makita. Para akong.. NAKALUTANG! Ng tuluyan kong maramdaman ang bigat ng sarili kong katawan ay bigla na lang akong nahulog pailalim sa tila walang katapusang kadiliman. ....... "Aah!" Napabalikwas ako nang bangon. Kusa Kong naihilamos ang dalawang palad sa aking mukha, ramdam ko ang malamig at butil butil na pawis sa aking noo. Doon ko lang din naramdaman ang luha sa aking mata. Ng tingnan ko ang unan ko ay basang-basa rin iyon. Palagi na lang ako ginagambala ng ganoong klase ng panaginip. Aminado ako na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maintindihan kung bakit kami nagawang sukuan ni Mommy ng ganoon kabilis. Simula ng umalis siya, hindi na siya ulit nagparamdam sa amin ni Daddy. Laking pasasalamat ko naman dahil tinotoo ni Daddy ang sinabi niya na magpopokus na lang siya sa akin gayundin sa tubuhan at palaisdaan namin. May kulang man sa puso ko ay hindi ko iyon masyadong napapansin dahil sa pagmamahal ni Daddy at ng mga taong nakapalibot sa akin, lalo na sina Andres at Rosana. Malalakas na katok sa pintuan ang nagpabalik sa akin sa reyalidad. Hindi pa man ak sumasagot ay kusa na iyong bumukas at ang naglalakihang ngiti nina Andres at Rosana ang bumungad sa akin. Gaya ng inaasahan ko ay mabilis silang tumakbo palapit sa gawi ko at saka ako dinaganan. Hindi ko na nakita pa kung saan sila nakapwesto basta ang alam ko may nakadagan sa gitnang parte ng katawan ko gayundin sa aking dibdib. "A-ang b-bigat niyo!" Bulalas ko habang hinahabol ang hininga ko. "Anak ka ng tipakong, Joaquin. Ang tanda tanda mo na, naglalaway ka pa rin. Tingnan mo nga 'tong unan mo! kadiri ka.." bulalas ni Andres habang hawak ang ginamit kong unan. "Alis!" sigaw ko habang pilit silang itinutulak. "Ayoko, Ayoko. Ang lambot lambot mo kaya," pang-aasar din ni Rosana habang yumuyugyog pa sa gitnang parte ng katawan ko. Shit! Iba na ang pakiramdam ko. Nadadaganan kasi ni Rosana ang bestfriend ko at ihing ihi na rin ako kaya hindi ko alam kung kaya ko pang pigilan ang umaambang paninigas nun. Tila nakahalata naman si Rosana ng 'di sinasadyang mapahawak ang kamay niya doon. Nakita ko kung paano mamula ang kanyang mukha at mahiya. Kaagad siyang bumaba ng hindi nagpapahalata sa amin ni Andres. "My god, ihing-ihi na ako!" Sambit ko saka pilit na itinulak din si Andres na nakadagan sa dibdib ko. Kusa naman siyang umalis kaya mabilis din akong tumayo upang magtungo sa palikuran. Matapos makapagbawas ay hindi ko na binalikan ang dalawa sa kwarto. Dumeretso ako sa baba upang magtimpla ng kape. Sabado kasi ngayon at may usapan kami na tuwing weekends ay tutulong kami maglambat ng isda at sa tubuhan. Kapag linggo naman ay hindi mawawala ang pagpi-picnic namin sa fishpond gaya noong maliliit pa kami. Tawanan at kalabugan.. Palagi silang ganyan tuwing nasa kwarto ko. Hindi ko alam kung bakit trip na trip nilang laruin ang nga unan ko at magtatalon sa malambot na kama. Naiiling akong humigop ng kape saka tumungo kay Nanay Ising na kasalukuyang nagluluto ng mabangong almusal. Marahan akong tumungo sa likuran niya at inamoy ang kanyang niluluto. Palibhasa may idad na kaya medyo bingi na si Nanay Ising. "Hmmn, ano yan, Nay Ising?" May kalakasang tanong ko sa kanya. "Anak ka ni Don Menandro," gulat na tugon ni Nanay Ising. Natawa ako ng malakas sa naibulalas niya. Nahampas niya naman ako ng mahina sa braso. "Diyosmiyo kang bata ka. Ay ano ba ang iyong ginagawa dine? Nagugutom ka na ba?" Takang tanong niya. Umiling ako, "Hindi pa ho, Nay. Naamoy ko lang ang niluluto mo kaya aki lumapit," nakangiti kong sambit sa kanya. "Ay ganoon ba. O siya sige, ikaw ay tatawagin ko na la-ang kapag ito'y luto na." Pagtataboy niya sa akin. "Sige ho," magiliw kong tugon saka tumalikod na. Ang lakas ng tawanan nang dalawa sa itaas! Nakakainis minsan pero hindi naman nila iniiwang hindi magulo ang kwarto ko kaya sanay na rin ako. Kawawa nga lang si Yaya Marina sa kaliligpit. Umakyat ako dala pa rin ang kape ko. "Kwarto niyo 'to no? Ang ingay niyo, e." Pinanlakihan ko sila ng mata. "Uy kape," ani Rosana saka mabilis na lumapit sa akin at sinubukang agawin ang hawak kong kape. Alam ko na ang mangyayari, siguradong hindi ako titir'han nito kaya hinawakan ko ang baso ko nang mahigpit. "Pahingi!" Maktol ni Rosana. Hindi niya pa rin binibitawan ang kape ko. "Bakit hindi ka magtimpla ng kape mo do'n sa baba?" Angil ko rin saka pilit na inaalis ang kamay niya. "Ganito na lang, ikaw na lang ang magtimpla ng kape mo ta's ito akin na lang," nakangiti niyang saad. "Please?" Pinalamlam niya pa ang kanyang mata. Napangisi ako, "Ayoko!" Nagdabog ng sunod sunod si Rosana. "Hala, parang bata." Natatawang sambit ni Andres. "Ang damot ni Joaquin, e." Nakalabi niyang tugon. "Magtimpla ka na lang kasi, marunong ka naman, e. Hilig mo kasi mang-agaw ng kape." Pagtatanggol ni Andres sa akin. Napangiti ako, totoo naman kasi 'yon. "Kaya pinagtutulungan niyo ako, ha?" Nakapameywang na pahayag ni Rosana sa amin. Lumapit siya kay Andres saka iyon kinotongan sa ulo. Wala namang magawa si Andres kung hindi ang mapahawak sa kanyang ulo saka tinuktok ang kanyang baba pataas. "Nakakabobo yun, Rosana. Huwag mo ng uulitin yun ha?" Tangka ding lalapit si Rosana sa akin pero tumakbo na ako pababa. Mabuti na lang at wala ng laman ang tasa ko kaya mabilis akong nakatakbo. "Mga bata, nakahain na. Halina kayo dine," tawag ni Nanay Ising sa amin. Mabilis akong dumeretso sa lababo at naghugas ng kamay. Pagbalik ko sa lamesa ay nakaupo na sina Andres at Rosana doon. Iwinisik ko sa kanila ang natitirang basa sa kamay ko. "Hoy, maghugas nga kayo ng kamay niyo. Linggo linggo na lang," inis na sambit ko. "Hala, nagalit nanaman si Tatay Joaquin. Tara na nga Kuya Andres. Baka mapalo pa tayo niyan," pang-iinis ni Rosana. "Very good," sakay ko sa trip niya. Matapos makapag-almusal ay nagpahinga kami ng kaunti saka dumeretso sa tubuhan. Tumulong kami kahit sa pagpuputol lang ng mga magulang na tubo. Sa iisang lugar lang namin nilalagay ang napuputol namin, sabi nila ay malaking tulong na raw iyon sa kanila kaya masaya kaming tumutulong tuwing sabado. "Marami akong assignment. Tulungan niyo naman ako bukas habang nagpi-picnic tayo," maya maya'y sambit ni Rosana. Nagkatinginan kami ni Andres. "Kayang kaya mo na yan," ani Andres. Gaya ng inaasahan. Sumimangot nanaman si Rosana. Napangiti ako ng kumunot ang noo niya kasabay ang paniningit ng kanyang may kalakihang mata. "Sige pala, hindi na lang ako sasama. Gagawa ako ng assignments ko sa bahay. Kayo na lang ang magpicnic!" Inis na sambit ni Rosana. Lihim kaming nag-apir ni Andres. Trip talaga naming asarin si Rosana madalas. palibhasa babae siya at pareho kaming lalaki ni Andres. "Joke lang, ito naman!" Suyo ko sa kanya saka tinapik ang kanyang balikat. Pero galit niyang inalis ang kamay ko. Lalong natawa si Andres at napalakas iyon. Dahil doon ay hinampas kami ni Rosana ng hawak niyang tubo. Kanya kanya kami ng takbo ni Andres. Palagi namang nahahaluan ng laro ang pagtulong namin sa mga trabahador at sanay na sila sa amin. Matapos ang tanghalian ay dumeretso naman kami sa fishpond upang doon naman tumulong. Hiwalay ang trabahador sa tubuhan at palaisdaan. Medyo dumami na rin kasi ang mga tao sa maliit na baryo namin kaya mas dumami rin ang naging trabahador ni Daddy. Awa ng diyos ay naging maayos ang bentahan ng mga tubo at isda. May ilang truck na ring pagmamay-ari si Daddy na nagsusuplay sa palenke ng bayan at sa mga pabrika ng asukal. Simula ng grade 5 ako ay nagsimula na rin si Daddy na ituro ng paunti unti sa akin ang tungkol sa kanyang mga negosyo. Ang pagtulong sa mga trabahador ay unang hakbang daw upang maunawaan ko ng husto na hindi gano'n kadali ang pamamalakad sa buong tubuhan at palaisdaan. Bago ako pumasok ng high school ay ipinagtapat din ni Daddy sa akin ang kanyang mga investment sa Manila. Sa mga kilalang fastfood chain doon kung saan nanggagaling ang malaking pera na pumapasok sa bank account ko na magagamit ko raw sa kolehiyo. "Hila!" Sigaw ng isang may kalakihang lalaki. Sabay kaming nakihila bagama't nasa likuran lamang kami ng mga malalaking lalaki at hindi ganoon kalaki ang naiaambag namin sa paghahatak ay malaking bagay na rin na narito kami at nakikisalamuha sa mga trabahador. "Andres, ang gwapo mo talaga." Nakangiting sambit ni Rosana habang papalapit kay Andres. Puno ng putik ang mga kamay nito. Si Andres naman ay tila alam na ang gagawin ni Rosana. Palihim din siyang kumuha ng putik sa kanyang likuran at hinayaan si Rosana sa nais nitong gawin. Pagkalapit ay marahang hinawakan ni Rosana ang magkabilang pisngi ni Andres, gayundin naman ang ginawa ni Andres kay Rosana. Hindi ko mapigilan ang matawa ng makita ang naging hitsura nilang dalawa matapos iyon. Napansin nila akong dalawa at sabay silang tumingin sa akin. Kinabahan ako ng sabay silang tumango at humarap sa gawi ko. Kumuha din sila ng panibagong putik sa kanilang kamay. "Teka, teka.. hindi ako kasali, a?" sambit ko pero hindi sila umimik. Nakangisi lamang sila sa akin habang dahan-dahang lumalapit. "Isa! Huwag kayong lalapit, s-sige kayo, hindi ko kayo palulutuan ng paborito niyo bukas kay Nanay Ising," sinubukan ko na rin silang takutin pero walang epekto. Dahil doon ay napaatras ako pero maputik din pala ang nasa likuran ko at medyo mataas kaya hindi ako makausad man lang. Naisipan kong sabayan na lang sila sa trip nila. "Ah, ayaw niyo talaga akong tigilan. Sige, walang sisihan!" nakangisi kong bulalas na rin sa kanila. Kumuha ako ng makapal at malambot na putik. Nagkatinginan sila pero nagkibit-balikat lang at nagpatuloy ulit sa paglapit sa akin. Ng malapit na sila ay saka ko ibinato sa kanila ang hawak kong putik. Nagulat sila at saka pinanlakihan ako ng mga mata. Tumakbo na sila palapit sa akin at saka ako dinaganan at pinunasan ng putik sa mukha. Wala akong magawa kung hindi ang gantihan sila sa paraang alam ko. Basang-basa na ang mga damit namin at puno na rin kami ng putik. Napuno ng halakhakan ang malawak na fishpond matapos naming makita ang hitsura naming tatlo...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD