"Mommy, Daddy. Can we talk?" Panimula ni Joaquin habang nasa hapag-kainan.
Hindi niya magalaw ang nasa harapang pagkain. Tila wala siyang panlasa at gana.
Maging ang kanyang mga magulang ay walang kibuan.
"Yes, Hijo. What is it all about?" Si Don Menandro iyon.
"Uhm, Do I need to choose between you and Mom?" Walang paligoy ligoy na tanong niya.
Tila nabilaukan si Don Menandro sa narinig.
"What? W-where is that question came from, Joaquin?" Mahinang tanong niya sa anak.
"Please, Dad. I know everything. Narinig ko kayo ni Mommy last night. I try to make a way pero mukhang hindi ko talaga kaya na pagbatiin kayo," malungkot niyang pahayag.
Nagkatinginan sina Don Menandro at Donya Soledad. Naroon ang pagtataka at pagkamangha sa kanilang mga mata.
"A-anak," tanging nasambit ni Donya Soledad.
"Mommy, huwag mo kaming iwanan ni Daddy. Ayoko lumaking walang Mommy." Naiiyak na pahayag ni Joaquin.
Dagling hinawakan ni Donya Soledad ang mga kamay ng anak.
"B-but, it's not that simple, Anak. Hindi mo pa mauunawaan ngayon pero someday, Kapag malaki ka na sigurado akong maiintindihan mo rin."
"Ibig sabihin hindi ko na talaga kayo mapagbabati ni Daddy? Hindi ako pwede maging sapat na dahilan para mag-stay ka. Iiwanan mo ba ako dito, Mommy?"
Nagyuko ng ulo si Donya Soledad habang si Don Menandro ay mataman lang na nakikinig habang awang-awa kay Joaquin. Tila nagmamakaawa ito nang pagkakataon sa kanyang ina. Gustong gusto niya bigyan ng buong pamilya si Joaquin kaya nga nagawa niyang patawarin ang panlalalaki ni Soledad pero hindi ang katotohanang may bunga pala iyon. Hindi niya na kayang lunukin pa ang bagay na iyon, sobra sobra na siguro iyon.
"I'm sorry, Anak," hingi ng patawad ni Donya Soledad.
Tuluyang bumagsak ang kanina pa pinipigil na luha sa mga mata ni Joaquin. Dahil mura pa ang kaisipan ay hindi niya maintindihan kung bakit nangyari ang ganoon.
Tumayo siya mula sa pagkakaupo pero imbis na umakyat sa kanyang kwarto ay lumabas siya ng kanilang bahay at tumakbo.
"Joaquin!" Sabay na tawag ng mag-asawa sa kanilang anak.
Takot at pangamba ang namahay sa dibdib nila Don Menandro at Donya Soledad ng hindi na matanaw ang bulto ng anak matapos tumayo at sundan ang anak. Tila naglaho na siya sa dilim.
"Damn it! Masyado ka kasing nagpadalos dalos sa pagsasalita, Soledad! Baka nakakalimutan mo, walong taon pa lang si Joaquin. Kung gustong-gusto mo na talaga umalis, the door is open! Bukas pagbalik ko dito, kailangan wala ka na pati yung mga basura mo pero kapag may nangyaring masama kay Joaquin. I will hunt you down pati na yang kalaguyo mo! Tandaan mo yan," mariing sambit ni Don Menandro sa mukha ng asawa saka siya naglakad palayo upang habulin ang anak.
Kung hindi siya nagkakamali ay tumawid ito sa kabilang kalsada at sa tubuhan nagtatatakbo. May ideyang pumasok sa isip niya pero hindi siya sigurado doon. Una niyang pinuntahan ang bahay nina Rosana. Sakto namang tila gising pa ang mag-anak.
Mg kumatok siya ay agad naman siyang nakita ni Mang Tonyo. Dagli itong lumapit sa kanya at nilakihan ang awang ng pinto.
"O, Don Menandro. Gabi na ho, anong atin?" Takang tanong ni Mang Tonyo.
"A, naparito ba si Joaquin?" Walang alinlangang tanong ni Don Menandro.
Pagkarinig sa pangalan ni Joaquin ay kaagad na napalapit si Rosana sa dalawang matanda.
"Si Joaquin po? B-bakit po, nasaan po siya?" Kinakabahang tanong ng batang babae.
Tila naging aligaga naman si Don Menandro. Hindi malaman kung ano ang sasabihin o ipapaliwanag.
Tila naintindihan naman iyon ni Mang Tonyo.
"Tayo na ho, hanapin natin si Joaquin. Inay, Itay, sasamahan ko po muna si Don Menandro, ha?" Paalam ni Rosana sa kanyang mga magulang.
"Ay, teka. Sasama ang tatay mo, Rosana. O, eto ang ilaw, mag-iingat kayo." Bilin ni Aling Rosing.
"Nako, maraming salamat sa inyo, ha?" Masayang sambit ni Don Menandro.
"Walang anuman ho iyon, Don Menandro." Magalang na sagot ni Mang Tonyo dito.
Hindi niya na plinanong mag-usisa bagama't naroon ang pagtataka at pag-aalala niya sa kaibigan ng anak.
"A, Rosana. May alam ka ba kung saan magtutungo si Joaquin?" Tanong ni Don Menandro kay Rosana.
"Tingnan muna po natin sa bahay nila Andres, Don Menandro," magalang na sagot din ni Rosana.
Malalaki ang hakbang nila ng tunguhin ang bahay ni Andres. Tahimik ang kabahayan at tanging malamlam na ilaw na lamang ang nakabukas.
"Andres, Aling Sonya," sigaw ni Rosana. Sumunod si Don Menandro sa pagtawag at ilang sandali pa ay nagbukas na rin ng pinto si Aling Sonya.
Pupungas pungas pa ito ng humarap sa kanila pero kaagad na inayos ang sarili ng makilala kung sino ang nasa harap niya.
"Nako, Don Menandro. Gabi na ho, bakit po?"
"A, nandiyan ba si Andres?" Paunang tanong nito sa babae.
Kumunot ang noo niya saka tumango.
"O-oho, nasa kwarto po siguro niya. Sandali po at tatawagin ko," anito saka nagmamadaling pumanhik sa kwarto ng kanyang anak.
Ilang sandali pa ay bumaba na rin ito at humahangos.
"W-wala po si Andres sa kwarto niya, kung hindi niyo po mamasamain, bakit niyo ho ba siya hinahanap, Don Menandro?
"Umalis din kasi si Joaquin sa bahay. Iniisip ko na baka magkasama sila," pahayag ng Don.
"Alam ko po kung nasaan sila!" Maya maya ay bulalas ni Rosana.
Sabay sabay na tumingin ang tatlong matanda sa kanya.
"Talaga, Anak? Kung gayon e, tayo na." Yakag ni Mang Tonyo sa kanila.
Nagpatiuna si Rosana sa paglalakad at tinungo ang daan papuntang fishpond.
Tahimik lamang na sumunod ang tatlong matanda kay Rosana habang nagtataka kung saan ang tinutungo nito.
Matapos nilang lampasan ang madamong bahagi ng papuntang fishpond ay tumambad sa kanila ang dalawang bulto ng batang lalaki. Nakatanaw ang mga ito sa malawak na palaisdaan habang tila nakasawsaw ang mga paa sa tubig.
Tahimik lamang ang dalawa at walang kibo subalit may maririnig na tila mahinang pag-iyak.
"J-joaquin, a-anak," mahinang tawag ni Don Menandro habang lumalapit ng marahan sa kanyang anak.
"Andres," tawag din ni Aling Sonya sa kanyang anak.
Samantalang sina Mang Tonyo at Rosana ay nanatili lamang na nakatayo at nakamasid sa dalawang pamilya.
"Kaagad ma lumapit si Andres sa pwesto ng kanyang ina at iniwan na lamang si Joaquin doon kasama ang kanyang ama.
"Ahm, Don Menandro mauuna na po kami, alam naman po siguro ni Joaquin ang daan pauwi sa inyo. Maiwan na po namin kayo dito upang makapag-usap kayo," si Mang Tonyo iyon.
Itinaas ni Don Menandro ang kanyang mga kamay at tumango ito bilang tugon.
Malungkot man si Rosana sa nasasaksihan ay wala siyang magawa lalo na ng yakagin na rin siya ng kanyang ama pauwi sa kanila.
"Andres, anong napag-usapan niyo?" Pabulong na tanong ni Rosana sa kaibigan habang naglalakad sila pauwi.
"Wala na daw pag-asa na maging buo sila, maghihiwalay na yata ang Mommy at Daddy niya," malungkot na pahayag ni Andres.
Sinasabi na nga ba! Tama ang hinala ni Rosana. Napabuntong-hininga siya saka yumuko. Naaawa siya sa kalagayan ng kaibigan. Sigurado siyang masama ang loob nito. Maging siya naman siguro kung maghihiwalay ang nanay at tatay niya, baka mas malala pa doon ang maramdaman niya.
Pag-uwi nila Rosana ay nawalan nang gana ang bata. Hindi niya na itinuloy ang paggawa ng kanyang assignment bagkus ay umakyat na lamang siya sa kanyang higaan.
"Anong nangyari sa anak mo?" Takang tanong ni Aling Rosing sa asawa.
Nagkibit-balikat lamang si Mang Tonyo.
"Ewan ko, bigla na lang siya nagkaganyan matapos makausap si Andres,"
"Oo nga pala, nakita niyo ba si Joaquin?"
"Oo, naroon sa fishpond kasama si Andres. Parang umiiyak nga, e."
Napailing si Aling Rosing, "hindi kaya tama ang sinasabi ni Rosana?"
"Siguro nga, wala rin naman nabanggit si Don Menandro sa akin kanina," ani Mang Tonyo saka nagpasyang pagtimpla ng kanyang kape.
"Gusto mo ba ng kape, Rosing?" Alok niya sa asawa.
"Huwag na, hati na lang tayo diyan sa kape mo," sambit ni Aling Rosing saka nagpunas ng kamay sa tuyo niyang damit. Katatapos niya lang din maghugas ng mga pinggan.
Samantala....
Walang kibo si Joaquin. Malayo ang tanaw ng kanyang mga mata. Kahit pa nga sa malawak na fishpond ito nakatingin ay parang wala naman talaga doon ang kanyang pokus.
Hindi naman na nakapagpigil pa si Don Menandro. Hinila niya ang anak mula sa kabilang balikat nito at isinandal sa kanyang dibdib.
"Hijo. Narito pa ako, hinding hindi kita iiwan," panimula niya.
Muling suminghot si Joaquin. Tanda ng umiiyak nanaman ang bata. Tahimik lamang siyang umiyak at hinayaan lamang iyon ni Don Menandro. Alam niyang kailangan ng anak ilabas kung ano man ang nakakapagpabigat sa kanyang dibdib.
"Bakit nagawang magmahal ni Mommy ng iba, Daddy?" Maya maya'y tanong ni Joaquin.
"Dahil may naging pagkukulang ako, Anak. Hindi ko siya nabibigyan ng sapat na oras. Ibinigay iyon ng ibang tao sa kanya kaya doon na siya napamahal," pagpapaliwanag ni Don Menandro.
"Gano'n ba talaga kahalaga ang oras para mawala ang love ni Mommy sa 'yo, Daddy?"
"Oo, anak. Halimbawa, tuwing birthday mo hindi ako nakakapunta, hindi mo ako nakikita. 'Di ba sasama rin ang loob mo? Kunwari, may problema ka pero hindi mo ako nakakausap man lang upang masabi ang problema mo o kaya may sakit ka pero hindi kita naaasikaso. Gano'n kahalaga ang oras sa isang tao, Anak."
"Kasalanan mo po pala kung bakit naghanap ng iba si Mommy? Pero sabi sa school dapat Mommy ang mas magaling umintindi kasi ganoon daw para manatiling buo ang pamilya. Ibig sabihin hindi ka kaya intindihin ni Mommy?" Naguguluhang tanong ni Joaquin.
"Sabihin na lang natin na pareho kaming may mali ng Mommy mo, Anak. Kaya ako hihingi ng sorry sa 'yo kasi alam kong pati ikaw ay nadamay. Pati ikaw masasaktan. I'm sorry, Anak. Hindi kami naging mabuting magulang sa 'yo." Naluluhang sambit ni Don Menandro.
"Opo, Daddy. Gusto ko magtampo sa inyo ni Mommy. Parang gusto ko na lang mag-isa." Pagpapakatotoo ni Joaquin.
"Huwag gano'n, Anak. Iniwan na nga ako ng Mommy mo, pati ba naman ikaw? Mawawalan na ako ng gana sa buhay kapag ginawa mo 'yon. Kaya nga ako nagsisipag sa trabaho para maging maganda ang future mo. Saka sa iyo din mapupunta lahat ito, lahat ng natatanaw mo rito," pagmamalaki ni Don Menandro sa anak.
"Iniwan na ba tayo ni Mommy?" Tila hindi narinig ni Joaquin ang mga sinabi ni Don Menandro at napokus ang isip niya sa salitang iniwan na ito ng kanyang Mommy.
"I-I don't know, Anak. Pero baka pag-uwi natin doon, wala na siya," malungkot na sambit ni Don Menandro.
Hindi na kumibo pa si Joaquin. Pinanatili niya na lamang ang kanyang ulo sa dibdib ng ama at saka sinubukang pumikit.
"Nandito naman ako, Anak. Sisiguruhin ko na hindi mo mararanasang mag-isa. lahat ng oras ko ibubuhos ko sa 'yo. Palalakihin kita bilang mahusay na tagapagmana ng lahat ng mga ari-arian natin," bulong niya sa ulo ng anak.
Ng tingnan niya muli si Joaquin ay naghihilik na ito sa kanyang dibdib. Nangiti siya at saka inayos ang kanyang anak sa kanyang braso. Malamig na ang hangin at lumalalim na rin ang gabi kaya nagpasya na siyang kargahin ang anak pauwi sa malaking bahay...