"Ano yung sasabihin mo, Joaquin?" Walang ka-inte-interes na tanong ni Rosana sa akin habang abala siya sa pagtutupi ng mga damit na dadalhin ko bukas. Nasa loob kaming dalawa ng kwarto ko. Hindi nakarating si Andres sapagkat kinailangan siyang isama ni Aling Sonya sa bagsakan ng gulay upang may makatulong ito sa pagbubuhat. Hindi naman ako binigo ni Rosana. Dumating siya sa bahay matapos ang tanghalian. Gaya ng nakasanayan kong hitsura niya, malaking t-shirt at short na panlalaki ang suot niya. Lalaki siya kung manamit. Sabi niya ay doon siya kumportable. Gayunpaman, hindi pa rin noon natakpan ang kagandahan niya bilang isang teen-ager na dalaga. Nakalugay ang lagpas balikat niyang alon alon na buhok. May bangs din siya na medyo humaba na at sapilitan lang daw ginupit ni Aling Rosing u