KABANATA 14: THE PROMISE

1813 Words
Hindi mapakali si Andres habang nakahiga sa hospital bed. Hindi pa bumabalik ang kanyang ina na nagpaalam upang bumili lamang ng makakain nilang dalawa. Tiningnan niya ang mga pasa at sugat sa braso gayundin sa kanyang tuhod. Muling nabuhay ang galit at takot sa kanyang dibdib. Hindi niya pa rin kasi maigalaw ng maayos ang kanyang ulo dahil kumikirot pa iyon. Ng subukan niyang hawakan ay nakapa niya na tila may nakabalot doon. Napabuntong-hininga si Andres. Kahit hindi pa gano'n kalakas ay gustong-gusto niya na umuwi sa kanila. Naroon man ang takot na baka biglang bumalik ang kanyang ama-amahan ay mas nakakapante pa rin siya sa kanilang bahay kung saan malapit lang siya kay Rosana. Ilang minuto pa bumukas na ang pintuan ng kanyang kwarto. Naroon na ang kanyang ina at may dala dala itong pagkain galing sa isang kilalang fastfood chain. Kaagad na nakaramdam ng gutom si Andres lalo na ng maamoy niya ang pritong manok. "Pasensya ka na, Anak kung medyo natagalan ako. Mahaba kasi ang pila." nakangiting pahayag ni Sonya. Hindi kumibo si Andres at matiyagang naghintay na makakain na. Naroon ang sama ng loob niya sa ina. Alam niyang ito ang may kasalanan kung bakit siya napagbuntunan at muntik nang mapatay ng ama amahan kagabi. Idagdag pa na hindi man lang talaga ito umuwi upang tsekin ang kalagayan niya. Ang akala kasi ni Andres, hindi aabot sa puntong magagawa ng kanyang ama amahan na pagtangkaan ang kanyang buhay. "Anak, galit ka ba sa'kin?" maya maya'y tanong ni Aling Soledad sa kanyang anak bago inilagay sa ibabaw ng hita nito ang pagkaing binili. Subalit gaya kanina ay hindi pa rin umiimik si Andres. Marahan itong kumain. Tila sabik na sabik sa pagkang minsan niya lang matikman. Matamang pinagmasdan ni Aling Soledad si Andres habang magana itong kumakain. "Anak, pasensya ka na sa akin, ha? Natakot kasi ako kay Karding kahapon kaya nagtago ako. Hindi na kita makuha dahil dumeretso siya sa bahay matapos niya akong gulpihin sa palengke kagabi. Kung hindi lang sana kita hinayaang makauwi kaagad kahapon upang magluto, siguro ay hindi mo inabot ito," malungkot at naiiyak na pahayag ng kanyang ina. Hinaplos niya ang braso ng anak saka nagbitaw ng pangako dito. "Hayaan mo, Anak. Simula ngayon ay tayong dalawa na lang ang mamumuhay. Hindi na ako hahanap ng kagaya ni Karding at magpopokus na lang ako sa'yo. Sana mapatawad mo pa ang Inay sa pagkukulang niya." Tila hindi pa rin siya naririnig ni Andres. Hinayaan niya lang ito. Nauunawaan niya ang nararamdaman ng anak at maging siya ay sinisisi ang sarili. Alam niya namang hindi siya matitiis ni Andres sa susunod na mga araw. Matalino at mabuting bata si Andres. Hinintay niya na lamang itong matapos sa pagkain upang makapagpahinga na sila parehas. ……………………………………. Samantala, masayang nahiga sa kanyang kama si Joaquin. Pakiramdam niya ay may bagay siyang naabot ngayong araw. Parang pangarap na natupad. Hindi man gano'n kasaya si Rosana na gaya ng nararamdaman niya, ang iportante sa kanya ay may palatandaan na sila ng pangakong sasabihin nila sa isa't-isa. "Mukhang masayang-masaya ang unico hijo ko, ah? Maaari mo bang ibahagi sa akin kung ano ang dahilan ng mga ngiting 'yan?" Si Don Menandro habang kinukumutan ang anak. Kiming ngumiti si Joaquin sa ama, "Wala po ito, Daddy. May maganda lang na nangyari ngayong araw." "Hmm, mukhang nagbibinata ka na, marunong ka nang maglihim sa akin," kunwa'y nagtatampong pahayag ni Don Menandro. Tila tumalab naman iyon kay Joaquin. Tumitig siya sa ama at tila nag-iisip kung tama bang ipagkatiwala dito ang dahilan ng kanyang tuwa. "Sige na, sabihin mo na kay Daddy. Promise, it's just the two of us. Our little secret." Kumindat pa ito pagkatapos. "Promise, Daddy?" Diskumpyadong tanong ni Joaquin. Sunod sunod na tumango si Don Menandro saka itinaas ang kanang kamay. "Promise," aniya. Tila namangha si Joaquin sa nakitang ginawa ng ama. "W-where did you learn that, Daddy?" "Ha? Alin?" "That," ani Joaquin sabay turo sa kamay nitong nakataas pa rin. "Ah, ito ba? We use to do this kapag nangangako." Tila lalong naguluhan si Joaquin. Nalungkot siya sapagkat ang akala niya ay sila lang ni Rosana ang gagawa ng gano'ng bagay kapag nagsasabi ng pangako. Yun pala ay ginagawa na 'yon, dati pa! Tumayo siya at inilapat ang kanang kamay sa kamay ng kanyang ama at pinagsalikop iyon. Si Don Menandro naman ang naguluhan sa ikinilos ng anak. "Ah- what are you doing, Joaquin?" "Hindi niyo ba ginagawa 'to kapag nagpa-promise, Daddy?" Umiling at nagkibit-balikat si Don Menandro, "N-no," tugon niya. Sa narinig ay nakahinga ng maluwag si Joaquin. "What happened, Joaquin? Okey ka lang ba?" Nagtatakang tanong ni Don Menandro. Nakangiting tumango si Joaquin. "Okey, so tell me. Why are you so happy today?" Masayang ikinwento ni Joaquin ang nangyari. Tatango-tango naman si Don Menandro habang nakikinig sa anak. Hindi maitatangging napakasaya nito sa simpleng bagay na iyon. "Joaquin, remember that Rosana is just your friend," paalala niya sa anak. Huli na para maisip na bata pa pala ito at walang malay sa nais niyang iparating. Nahiya din siya sa sarili dahil binigyan niya kaagad ng malisya ang simpleng kaligayahan ng anak. "Yeah, kaya nga kami bumuo ng paraan para magsabi ng promise," inosenteng paliwanag ni Joaquin. "I know," tatango-tangong tugon ni Don Menandro sa anak. "Alright," aniya pa bago tumayo. Hinalikan niya na rin sa noo si Joaquin bago nagpaalam dito. "Sleep happy and sweet dreams, Son." "Same to you and Mommy, Daddy." Iyon lang at sinindihan na ni Don Menandro ang lampshade sa katabing lamesita ng higaan ni Joaquin at pinatay ang ilaw. Marahan niya ring isinara ang pinto ng kwarto nito. Sara na hindi umaabot sa lock-an nito sapagkat ayaw ni Joaquin na nakasara ng todo ang pintuan niya. ………………………………………… "Kamusta si Andres, Rosana?" Tanong ni Aling Rosing sa anak ng makapagpahinga ito. "Maayos na po siya, Inay. Gumising na po siya kaninang nandoon kami. Magpapalakas na lang daw po siya at magpapagaling," magalang na tugon ni Rosana sa ina. "Gano'n ba, mabuti naman. Magpalit ka na agad ng damit mo dahil sa hospital ka galing," bilin niya sa anak. Tumango naman si Rosana saka tumayo sa upuan at dumeretso na sa kanilang damitan. "Bantayan mo muna ang mga kapatid mo, tutungo lang ako sa palengke upang mamili ng uulamin mam'yang gabi," may kalakasang sambit ni Aling Rosing upang marinig siya ng anak. "Opo, Nay." "Huwag kang aalis dahil may lagnat si Ricky," muling bilin ng nanay niya. Napalingon kaagad si Rosana sa bunso nilang nakahiga at kasalukuyang natutulog. Kaya pala may nakalagay na basang towel sa noo nito. Tatlong taong gulang na si Ricky kaya hindi na gano'n kahirap alagaan subalit may takot pa rin si Rosana sa tuwing mainit ang temperatura ng mga kapatid niya lalo at maiiwan sa kanya ang mga ito. "Pero, Nay. P-paano kung.." kinakabahang sambit ni Rosana. Nagulat pa siya ng sumilip ang kanyang ina sa kurtinang nakatabing sa pintuan ng kanilang kwarto. "Pagkatapos mo diyan, basain mo ulit itong tuwalya at ipunas mo sa buong katawan ni Ricky. 'Wag mo titigilan, ha? Sandali lang naman akong mawawala. Gagabihin na kasi ang Itay mo mamaya kaya walang ibang mamamalengke kung hindi ako," Walang nagawa si Rosana kung hindi ang tumango na lamang. Ng tuluyang umalis si Aling Rosing ay kaagad na sinuot ni Rosana ang kanyang damit at short saka binasa kaagad ang tuwalya ni Ricky. Kinapa niya ang leeg at noo nito, mainit nga talaga. Hindi mapigilang kabahan ni Rosana, paano kung bigla nanamang tumirik ang mata ni Ricky at mangisay? Muli niyang naalala ang unang beses at pagkakataon na nasaksihan niyang nagkagano'n ang bunso nilang kapatid. Iyak siya ng iyak no'n dahil siya ang nagbabantay kay Ricky. Mabuti na lang at naroon ang kanyang ama at nagsisibak ng kahoy nang mga panahong iyon kaya may natawag siya. Nakita niya na kaagad binuhusan ng isang tabong tubig ng kanyang ama si Ricky at pinunasan ng walang humpay hanggang sa kusang bumalik sa normal ang kapatid niya. Pero ngayon? Wala siyang kasama bukod sa dalawang kapatid pa niya na mas bata rin sa kanya. Pero naisip ni Rosana, wala siyang magagawa kung matatakot siya. Hindi niya maintindihan kung bakit nanginginig ang mga kamay niya. Napansin niya 'yon ng tangka niyang pupunasan ang noo ng kapatid. Bumuntong-hininga siya at pinakalma ang sarili. Tumapat siya sa salamin, nakita niya kung gaano siya katakot. Pinalakas niya ang loob saka nginitian ang sariling ekspresyon doon. "Kaya mo yan, Rosana!" Masayang sambit niya sa sarili. Matapos yun ay kaagad siyang lumapit sa kapatid at sinimulan itong punasan sa noo. Pero dahil nilalamig ang bata ay pilit nitong tinatanggal ang kamay ng kanyang ate sa noo niya. "Ssshhh, kailangan kang punasan ni Ate, Bunso. Sige na, para hindi na mahirapan si Ate, ha?" Malambing na sambit niya sa kapatid. Hindi ito nakinig sa simula pero hindi napagod si Rosana sa pakiki-usap sa kapatid. Kalaunan ay nasanay na rin ang katawan ni Ricky sa malamig na tuwalyang dumadampi sa kanyang balat. Tanging sando at brief lamang ang suot ni Ricky pero hindi na siya kumikibo. Kasabay ng isang malakas na hanging pumasok sa loob ng bahay nila Rosana ay ang tila panginginig naman si Ricky. Kaagad na sumalsal ang kaba sa dibdib ni Rosana. Nakatingin siya sa mga mata ni Ricky pero nanatili iyong nakapikit. "Ricky," tawag niya sa kapatid. Nakita niyang nagtatayuan ang mga balahibo nito sa braso. "Ricky!" Nagpapanic na si Rosana. Hindi pa rin kasi kumikibo si Ricky. Kumikislot kislot lamang siya at nanginginig. Ilang sandali pa ay umiiyak na si Rosana, hindi niya alam ang gagawin. Niyakap niya ang kapatid. Ng medyo tumagal na itong nakadampi sa kanyang ate ay tila nawala na ang panginginig nito. Medyo nakahinga ng maluwag si Rosana ng makitang ayos na ulit si Ricky. Marahan niya itong inilapag sa higaan saka muling pinunasan. Sa pagkakataong 'yon ay nanlalaban na si Ricky. "A-ate, yaw ko na! A-ang…. l-lamig!" Nanginginig ang boses na sambit ni Ricky! Pati ang baba nito ay nangingig na rin. "K-ku-m-mot!" putol putol at paunti-unting sambit niya ulit. Saka lamang natauhan si Rosana. Kaagad niyang kinumutan ang kapatid at inilayo dito ang basang towel. Panandalian niyang sinubaybayan ang kapatid. Ng makitang tulog na ito ay saka siya lumabas upang isampay ang basang towel. Nanghihina siya at naroon pa rin ang kaba sa kanyang dibdib. Gusto niya nang hilahin ang orasan at pabalikin na si Aling Rosing. Sa labis na pag-iisip ay ni hindi niya namalayan ang pagdating ng kanyang ina at pagsulpot nito sa kanyang likuran. Pag-ikot niya upang bumalik na sana sa loob ng bahay ay napatili pa siya ng mabunggo siya sa kanyang Inay. "Rosana! Ano bang nangyayari sayong bata ka? Saka bakit namumutla ka?" Nagtatakang tanong ni Aling Rosing sa anak...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD