KABANATA 10: SAKLOLO!

1500 Words
Hingal na hingal si Rosana habang walang patid sa pagtakbo ang kanyang mga paa. Ilang beses na rin siyang nawalan ng balanse at natumba pero patuloy lang siya. Wala rin siyang maramdamang sakit sa tuwing madadapa. Ang tanging laman kasi ng isip niya ay ang nakakaawang hiyaw ni Andres at ang pagkabasag ng kung anong bagay. Ayaw man niyang isipin pero baka nga ipinapalo iyon kay Andres kaya nababasag. Sa isiping iyon ay lalong kinabahan si Rosana at walang hinto ang pagdaloy ng luha sa kanyang mga mata. Gusto man niyang humingi ng tulong sa kanyang mga magulang ay hindi niya magawa sapagkat kasasabi lang ng mga ito kanina sa kanya na bawal silang maki-alam sa gulo ng pamilya nila Andres. Pero hindi kaya ni Rosana balewalain ang kaibigan. Madalas siya nitong inililigtas sa tuwing siya ay nasa panganib. Ngayon ay siya naman ang tutulong sa dito at buo ang loob ni Rosana na gampanan iyon. May kalayuan ang malaking bahay mula sa pinanggalingan ni Rosana. Kailangan niya pang tawirin ang malawak na taniman ng mga tubo at tumawid sa kabilang kalsada upang marating ang bahay nila Don Menandro. Ng makarating sa malaking bahay ay pansamantalang nagpahinga si Rosana saka siya sumilip sa loob ng malaking gate. Bukas ang mga ilaw sa labas ngunit napakatahimik na sa loob. Hindi pa naman gano'n kalalim ang gabi kaya umaasa siyang may gising pa sa mga ito. Nagsimula siyang tumawag. "Don Menandro, Donya Soledad, Joaquin," ngunit ang lakas ng boses niya ay sapat lamang para sa batang babae. Ng walang umimik sa loob ay muling tumawag si Rosana at sa pagkakataong 'yon ay mas malakas na ang kanyang boses pero bigo pa rin siyang makarinig ng kahit anong bagay man lang mula sa loob ng bahay. Kaya nagdesisyon siyang magtaas ng tingin at mula sa babasaging bintana na naroon ay natanaw niya ang malamlam na sinag ng ilaw. Nagkaroon siya ng pag-asa. Dagli siyang naghanap ng maliliit na bato saka nagsimulang ibato iyon sa bintana... Samantala.. Sa loob ng maaking bahay ay payapang nagbabasa ng kanyang libro si Don Menandro habang hinihintay ang paglabas sa CR ng kanyang maybahay- si Donya Soledad. May usapan kasi sila na ang gabing ito ay magiging espesyal lalo na nga at kauuwi uwi lang ni Donya Soledad mula sa ibang bansa habang siya naman ay kasalukuyang naging busy sa tubuhan. Sa loob ng isang buwan mahigit ay ngayon lang sila ulit magkakaroon ng oras para sa isa't-isa kaya naman gano'n na lang ang excitement na nadarama ni Don Menandro. Ilang sandali pa ay naaamoy na ni Don Menandro ang halimuyak ng sabon na ginamit ng asawa sa paliligo. Bumukas na rin ang pinto ng CR kaya masaya niya nang ibinaba ang libro sa bedside table na nasa gilid niya lamang. "Handa ka na ba, Mahal ko?" malambing na tanong ni Donya Soledad habang nakatakip ng tuwalya ang buong katawan. Tila sinadya pa nitong itali ng magulo ang mamasa masa niyang buhok upang lalong mabuhay ang dugo sa katawan ni Don Menandro. Mas lumabas pa kasi ang natatanging ganda ng ginang sa natural na hitsura nito ngayon. "Kaninang-kanina pa ako nanggigigil, Mahal kong asawa." Pinabangis pa ni Don Menandro ang kanyang mukha subalit imbis na matakot ang ginang ay tila lalo pa itong ginanahan sa ginagawa ng kanyang asawa. At hindi na nakapaghintay pa si Don Menandro. Tumayo na siya at binuhat ang asawa na animo'y bagong kasal at pabagsak na inilapag sa malambot na kama. Marahas niyang dinaklot ang nakatapis ditong tuwalya subalit nadismaya siya ng makitang may suot pa itong underwear. "Kailangan ba pang magsuot ng ganyan?" Nagtataka niyang tanong sa ginang. "Bakit, hindi ba sexy? Binili ko nga ito para sa 'yo." Nagtatampong tugon naman ng Donya. Sa narinig ay kaagad na bumawi si Don Menandro. Ayaw niya namang masira ang gabing ito dahil lang sa napakaliit na bagay. "Ah, gusto mo ako ang magtanggal?" mapungay ang mga matang tanong niya. Kaagad namang kumislap ang mga mata ni Donya Soledad saka ito tumango ng dahan dahan. "Very well, Sweetheart. Your wish is my command," malambing na bigkas ni Don Menandro saka nagsimulang tanggalin ang tanging saplot ng asawa ngunit bago pa man niya tuluyang maibaba iyon ay may isang ingay ang pumukaw sa atensyon nilang dalawa. Tila may namamato sa bintana nila! Ayaw mang bumitaw ni Don Menandro sa mainit na tagpong iyon ay wala siyang magawa lalo na nang maulit ang pambabato sa kanilang bintana. Inis siyang tumayo saka nagmamadaling magtungo sa kanilang bintana at silipin kung sino ang bastos na iyon. "Who the hell is-" Hindi niya na natapos ang sasabihin ng makilala kung sino ang nasa tapat ng kanilang gate at matamang nakatingin sa kanilang bahay, partikular na sa bintana nilang iyon. "Sino yan, Sweetheart?" Tila inaantok na tanong ni Donya Soledad. "Si Rosana," dagling tugon niya saka nagmamadaling nagsuot ng kanyang roba na nakasabit lamang sa likod ng pintuan. "Ha?" gulat na bulalas ni Soledad. Tumayo na rin siya at sumilip sa bintana. Dahil maliwanag sa labas ay nakilala niya rin ang bata. Kunot noo siyang sumunod sa asawa sa ibaba ng bahay matapos na makapagsuot rin ng roba. Habang pababa ng hagdan ay patuloy pa ring itinatali ng mag-asawa ang suot nilang tapis sa katawan. Magkasunod lamang sila at mapapansin na malalaki ang kanilang hakbang. "What is she doing here?" Mahinang tanong ni Donya Soledad sa asawa. "Kaya natin siya kakausapin para malaman." "Don Menandro, Donya Soledad, Joaquin. Tao po!" Rinig nilang tawag ni Rosana sa labas. Hindi kasi dinig sa itaas ang boses nito. Muling nagkatinginan ang mag-asawa saka nagmamadaling binuksan ang pintuan. Tila nabuhayan naman ng ng pag-asa ang pawisang mukha ng bata pagkakita sa mag-asawa. Mabilis na lumapit sina Don Menandro at Donya Soledad kay Rosana sa gate at pinagbuksan ito. Hindi nila maiwasang tapunan ng tingin ang kawawang hitsura ng bata, iisa ang suot nitong tsinelas at tila may gasgas din sa tuhod. Basa din ang buong mukha nito at magulo ang nakalugay na buhok. "Oh, hija. Anong ginagawa mo dito? Halika pumasok ka muna." Nag-aalalang tanong ni Don Menandro. "A- H-hindi po. A-ano po kasi… Si A-andres po. K-kailangan po ninyo siyang tulungan!" Mahina ngunit siniguro niyang buo niyang nasabi ang mga katagang iyon. Kaagad na nagngilid ang luha sa mata ni Rosana kasabay ang panginginig ng kanyang boses. "H-ha? Si Andres ba kamo?" Naguguluhang tanong ulit ni Don Menandro. Si Donya Soledad naman ay mataman lang na nakikinig sa kanila. Tumango ng sunod sunod si Rosana kasabay ang muling pagdaloy ng luha sa kanyang mga mata, nanginginig man ang boses ay pinilit niyang ipaliwanag sa mga ito ang nasaksihan. "Si Andres po kasi binubugbog ni Mang Karding. Kanina pinuntahan ko siya sa kanila, narinig ko na may nababasag na gamit tapos.. tapos si Andres po sumisigaw at umiiyak. Tulungan po natin siya, Don Menandro. Sina Inay at Itay po kasi ayaw maki-alam." Humahagulgol na pahayag ng bata. Hindi naman makaimik ang mag-asawa. Blangko silang nagtinginan. "Don Menandro, Donya Soledad, kawawa naman po si Andres. Tulungan po natin siya, please." Pagmamakaawa ulit ng bata. "P-pero, hindi ba tama ang mga magulang mo, Rosana? Na huwag tayong makikialam kasi pamilya nila 'yon?" paliwanag at tanong ni Don Menandro.. Mariing umiling si Rosana. "Pero alam ko po na sinasabi lang nila yun kasi takot sila kay Mang Karding. Dahil may baril daw at dating pulis. At saka hindi naman po talaga pamilya nila Andres si Mang Karding 'di ba? Paano po kung may mangyaring masama kay Andres?" Lalo pang lumakas ang palahaw ni Rosana. "Sigurado ka ba na binubugbog talaga ni Karding si Andres? Nakita mo?" Malumanay na tanong ulit ng Don. Muling umiling si Rosana. "N-natakot po akong pumasok kasi baka.. baka masaktan din po ako," nakayukong tugon ng bata. "Then…" ngunit isang boses ang pumutol sa nais pang sabihin ni Don Menandro. "We will help Andres, Daddy!" Si Joaquin iyon. Walang nakaramdam sa bigla niyang pagsulpot sa likuran ng mga magulang. "Joaquin, Hijo. Hindi ba dapat nagpapahinga ka na?" Si Donya Soledad. "No, Mommy. Please, tulungan natin ang kaibigan ko, we are not afraid to Mang Karding! 'Di ba, Daddy mas malakas ka sa kanya?" Maging ito man ay may luha na rin sa kanyang pisngi. Sa nakikitang determinasyon ng mag-asawa sa dalawang bata ay napapayag nila itong iligtas si Andres. "Alright, pero dito lang kayong dalawa hanggang makuha na namin si Andres, okey? Rosana, alam ba ng mga magulang mo 'to?" Alam naman ni Don Menandro ang isasagot ng bata at obvious naman iyon. Gusto niya lang marinig ang sagot sa bibig mismo ni Rosana. Gaya ng inaasahan, nahihiyang umiling ito sa kanya. Napabuntong-hininga na lamang si Don Menandro saka nila niyakag papasok sa loob ng bahay si Rosana at Joaquin. "Soledad, gisingin mo si Yaya Marina at pabihisan si Rosana ng malinis na damit, gamutin din ang sugat sa tuhod niya. Tatawagan ko lang si Kumpadre," Ani Don Menandro. Ang tinutukoy nitong kumpadre ay ang police inspector na kaibigan niya. Mabilis namang tumango si Donya Soledad at sumunod sa utos ng kanyang asawa. Ilang sandali pa ay busy na si Don Menandro sa pakikipag-usap sa telepono habang si Rosana naman ay nakasandal sa balikat ni Joaquin habang puno ng pag-alala ang kanyang dibdib. "Huwag ka ng mag-alala, Rosana. Magiging maayos na ang lahat," ani Joaquin. Hindi kumibo si Rosana. Nagtaas lamang siya ng ulo saka tumingin ng deretso sa kaibigan. "Sana walang nangyaring masama kay Andres," naiiyak na pahayag niya. Muling may tumulong luha sa mata ni Rosana na agad namang pinunasan ni Joaquin. "Hindi ba matapang si Andres? Sigurado akong makakaya niya yun!" Nakangiting tugon ni Joaquin kay Rosana. Dahil doon ay nabawasan ang alalahanin sa dibdib ng batang babae. Ngumiti siya ng bahagya saka tumango sa kaibigan. Ilang minuto pa ay lumabas si Marina dala ang medical kit at damit na malinis. "Damit ito ni Joaquin, Rosana. Kasya naman sayo kaya pwede mong hiramin, 'di ba Joaquin?" Malumanay niyang paliwanag. "No, you can have it, Rosana. Sa iyo na yan," masayang sambit ni Joaquin. Ngumiti naman si Rosana at saka muling tumango bilang pagsang-ayon. "Halika na sa CR, Rosana para malinisan kita." Yaya sa kanya ni Marina. Dagli naman siyang tumayo subalit naramdaman niya ang biglang p*******t ng kanyang tuhod. Iika ika siyang sumunod kay Marina subalit kaagad siyang inalalayan ni Joaquin at hinatid sa pinakamalapit na Palikuran. "Thank you," masaya niyang tugon kay Joaquin. Tumango lang ito sa kanya saka muling bumalik sa upuan. Pagkatapos maglinis ng katawan ni Rosana ay kaagad na rin siyang lumabas at bumalik sa sala, napansin niyang wala na doon sina Don Menandro. "Umalis na sila Daddy," tila nahuhulaan naman ni Joaquin ang nasa isip ng kaibigan. Tumango lang ulit si Rosana. Ngayon ay mas panatag na ang kanyang loob. Pinaupo na lamang siya doon ni Yaya Marina saka nilagyan ng band-aid at benda ang kanyang mga sugat. Matapos iyon ay naghanda ng cookies at gatas si Donya Soledad na maaaring kakainin nila Joaquin at Rosana. Sigurado kasi siyang hindi magpapahinga ang mga ito hangga't hindi nakikita ang kaibigan nilang si Andres. "O, dito na muna kayong dalawa, ha? Aakyat lang ako at magpapalit ng damit pambahay. Yaya, mamaya ka na magpahinga, bantayan mo muna sila, okey?" Bilin nito kay Marina. "Opo, Ate." Dagling tugon naman ni Marina. Tahimik lang na kumain ang dalawang bata. Bagama't naroon ang kuryusidad sa isip ni Joaquin kung bakit nagawa ni Rosana'ng magpunta sa bahay nila Andres kahit gabi na ay pinigil niya pa rin ang sarili na magtanong. Naiinggit siya kay Andres sapagkat ramdam niya na mas malapit si Rosana doon. Siguro ay dahil mas nauna din sila maging magkaibigan. Kaya nga kung anu ano na lang din ang gusto niya ipagmalaki kay Rosana mapunta lang sa kanya ang atensyon nito. "A, Rosana.." kaagad namang nag-angat ng tingin si Rosana sa kanya. Sa halip na itanong ang bagay na gumugulo sa isip niya ay ngumiti na lamang siya at iniba ang nais na sabihin. "Ano, masarap ba yung cookies?" Tumango ng sunod-sunod si Rosana saka masayang ngumiti sa kanya. "Sabi nila daddy, kahit gaano ka raw kalungkot, kapag kumain ka ng cookies, sasaya ka." masayang pahayag ni Joaquin. "Parang totoo yun." Nakangiting sambit ni Rosana. "Talaga? Napasaya ka rin ba ng cookies?" "O-" Ng isang malakas at sunod sunod na putok na nanggagaling sa bahay nila Andres ang narinig nila…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD