Nagtungo siya sa kanyang silid at doon, ilinabas niya ang lahat ng sama ng loob na nararamdaman niya sa kanyang Señorito. Hindi niya matanggap ang lahat ng paratang nito. Halos kalahating oras din yata siyang umiyak hanggang sa makaramdam siya ng pagkalam ng sikmura. Nakaramdam siya ng gutom, kailangan nga din pala niyan g uminom ng gamot para sa mga ilang natitirang rashes sa kanyang katawan kaya kailangan talaga niyang kumain ng dinner. Tiyak niyang wala na ang kanyang Señorito kaya okey ng lumabas siya. Pagdating niya sa dining room, nagulat siya ng makita doon si Tatang. Akala niya umuwi na ito sa bahay nito dahil gabi na. Tsaka absent ito kanina dahil hindi niya ito nakita sa garden. Kumakain itong mag-isa doon, habang may binaabasa. "Tatang?" tawag niya dito. "Oh hija! Aba ei b