Pagdating niya sa garden, tutuloy na sana siya sa may favorite spot niya ang part ng mga nagagandahang rose ang nakatanim ngunit natigilan siya ng marinig ang kanyang Señorito ng magsalita. Nagkubli siyang sa malagong bogainvilla para hindi siya mapansin ng mga ito. "Stop it Ellaine! Mahiya ka nga sa mga pinagsasasabi mo! Ikaw ang nagluko remember?! So bakit parang ngayon pinapalabas mo pa yata na ako ang may kasalanan ng lahat?" galit na pahayag nito sa babae. "Oh c'mon Babe! Yes inaamin ko na may kasalanan talaga ako pero ikaw din naman, parehas lang tayo dahil kong hindi ka sana nagsinungaling sa akin noon. Kung hindi mo sana inilihim sa akin na mayaman ka pala at hindi lang basta mayaman, anak ka pa pala ng haciendero hindi sana tayo umabot sa puntong ang bestfriend mo ang pinili k