"Talaga payag ka?" masayang tanong niya. "Oo naman po! Pero wag naman pong lahat ng utang ko, parang sobra-sobra naman po iyon. Pumapayag po ako kahit konti lang ng utang ko ang mabawas," masayang wika nito. Natuwa siya sa sinabi nito hindi rin talaga ito mapagsamantala. Pero sa itsura nito ngayon mukhang hindi ito papasang girlfriend niya. Kaya kailangan nitong magdamit ng pambabae. "Good, so bilisan mo ng mag-almusal dahil may pupuntahan tayo." wika niya tsaka nagpatuloy na sa pagkain. "Okey po," sagot nito tsaka nagpatuloy na sa pagkain. Si Akisha naman ay hindi tiyak kong tama ang kanyang naging pasya. Pero pagkakataon na niya para kahit papano ay mabawasan ang kanyang pagkakautang sa kanyang Señorito kaya naman napasang-ayon agad siya. Kinakabahan lamang siya dahil baka