5

2197 Words
Nagsimula narin ang pasukan. Kasabay kong pumasok si Anne pero naghiwalay rin kami pagdating sa campus dahil magkaiba lahat ng schedule namin. Wala siyang schedule na katulad sakin dahil second year na ako.   Pagpasok ko sa first subject ko ay hinanap ko agad ang imahe ng Delafuente hanggang sa matagpuan ko siya sa isang sulok katabi ng bintana habang sa tabi niya naman ay isang babae.   Nagmartsa ako patungo sa direksyon niya at huminto sa harapan ng babaeng katabi niya.   "Miss, boyfriend ko yang katabi mo. Ikaw ba ang girlfriend para ikaw ang tumabi sa kanya?" mataray kong sabi.   Napalingon si RM sakin na hindi maipinta ang reaksyon ng mukha. Hindi ko iyon pinansin at itinuon sa babaeng tinataasan na ako ng kilay. Aba! May balak atang makipagkompetensya sa pagiging mataray ko.   "Nauna ako dito. Hindi ako aalis unless RM told me to do so. Maraming umaangkin sa mga Delafuente na girlfriend nila. You're not new to me." Palaban niyang sabi.   Walanghiyang babae. Nangangalay na ang paa ko sa kakatayo sa harap niya. Kung makaasta siya akala niya mas maganda pa siya sakin.   "Marami narin akong nasapak na babae. You're not new to me." Nginitian ko siya ng pilya.   Nang hindi parin siya tumatayo at nanatiling nakatitig sakin na parang kinukumbinsi ang sarili niya kung nagsasabi ba ako ng totoo ay tinaasan ko agad siya ng kilay. Inangat ko ang kamay ko para handa na siyang sapakin nang mabilis siyang tumayo kaya napahinto sa ere ang kamay ko.   "Ang kapal ng mukha." Pagdadabog niya habang umaalis sa upuan.   Isang ngiti ang nangibabaw sa labi ko at tuluyang umupo sa tabi niya. Sinamaan niya ako tingin habang nginitian ko lang siya. I know how to calm down now. Tititigan ko lang ang mga mata niya para mawala ang inis ko sa nakabusangot niyang ekspresyon. In that way I can manage to smile.   "Ang raming bakante nakikipag-away ka pa talaga. Abnormal." Naiirita niyang sabi.   Ano bang pinaglihi sa kanya at hindi niya man lang magawang ngumiti sakin pabalik? Ba't hindi niya namana ang ibang katangian ng mga pinsan niya?   "Eh sino bang boyfriend ko dito diba ikaw? Tapos ikaw kahit sinong babae ang hinahayaan mong tumabi sayo. Hindi mo ba kinokonsedera ang magiging pakiramdam ko sa tuwing nakikita kitang may katabing ibang babae?" Pinaningkitan ko siya ng mata. I'm starting to get pissed again. Kaya ayaw kong nakikipag-usap sa kanya dahil nauuwi iyon sa pagtatalo. Mas gusto kong tahimik siya.   "Kung makapagsalita ka akala mo napakaseryoso mo. Eh pabor yan sayo dahil gustong gusto mong may inaaway. Dinadamay mo pa ako." Umismid siya sakin.   Wala bang alam ang lalaking 'to kundi sermonan ako? Hindi ba pwedeng ipakita niya naman sakin na hindi siya galit o hindi siya naiinis o kaya ay naiirita!   "Kung ayaw nilang maaway edi layuan ka nila!" Nilakasan ko ang boses ko para marinig ng lahat. Gusto kong ipamukha sa lahat ng nandito na ako ang makakabangga nila. War is my nickname. I'm always ready for that.   "Kung makasigaw ka akala mo ikaw lang ang estudyante dito! Lumipat ka nga ng upuan! Lumayo ka sakin! Mangdedisturbo kana naman!" sigaw niya sakin.   Inalog ko yung upuan niya kaso hindi ko man lang siya natinag. Ang bigat ng halimaw na 'to!   "Bakit?! Dahil mas gusto mo yung babae na katabi mo?! Mambababae ka sa harapan ko?! Gusto mong makita kung paano ko makakalbo yang babae mo sa harapan mo?!" Magkasalubong na ang dalawa kong kilay. Gustong gusto ko nang ibalibag ang inuupuan niya kaso hindi ko magawa dahil sa sobrang bigat niya.   "Ewan ko sayo! Abnormal!" Inirapan niya ako.   Walanghiyang lalaking 'to! Nagawa pa akong irapan! Gustong gusto kong sambunutan ang buhok niya kaso biglang dumating yung prof kaya humalukipkip nalang ako sa upuan ko.   Nakikinig lang siya ng mabuti sa prof habang ako ay nililingon siya paminsan minsan. Pag nililingon niya naman ako ay iniirapan ko agad siya. Nakaganti rin ako! Ilang beses ko siyang iniirapan hanggang matapos yung first subject. Agad siyang tumayo at naunang lumabas. Hindi ako makapaniwalang boyfriend ko ang lalaking 'yon!   Pagpasok ko sa next subject ay bakante na 'yong upuan na katabi sa kanya. Mabuti naman.   Pagdating ko doon sa direksyon niya ay umupo agad ako. Hindi ko na siya nilingon pa kahit na nakikita ko sa peripheral vision ko ang talim niyang tingin sa akin. Hindi ko maiwasang hindi iyon pansinin.   "Tigilan mo nga yan! Alam kong maganda ako kaya tigilan mo ang kakatitig sakin!" Pang-aasar ko sa kanya. Gusto kong tingnan niya ako ng namumungay yung mga mata niya dahil mas kaakit akit ang mga mata niya pag ganoon hindi iyong matalim.   "Kung ayaw mo naman palang tingnan kita eh ba't ka tumatabi sakin! Doon ka sa pinakadulo! Yung hindi kita makikita! Yung hindi ka maabot ng tingin ko!" Itinulak niya ang upuan ko. Hinawakan ko agad ang kamay niya at hinila ito kaya napabalik ako sa dati kong pwesto kanina.   "Ang kapal ng mukha mong itulak ako! Pagkatapos mong makuha ang pagka—"Subukan mong magsalita ulit kundi kakaladkarin kita palabas!" putol niya sakin saka ako inirapan.   Marahas akong napabuga ng hininga sa ere. Pinagpapatid ko pa ang dalawa kong paa dahil sa inis na nararamdaman. Hindi ko na talaga magawang kumalma.   Napansin ko ang ibang estudyante na kanina pa pala nakatitig sa amin. Pinasadahan ko sila ng tingin habang nakabusangot ang mukha ko.   "Anong tinitingin tingin niyo?! Gusto niyong sumali sa away namin ng siraulong boyfriend ko?!" sigaw ko sa kanila. Agad nilang iniwas ang tingin nila sa akin. Kainis na mga hinayupak na 'to.   Katulad ng takbo ng klase sa naunang subject ko kanina ay naging ganoon rin ang pangalawa. Pagkatapos lumabas ng prof na idinismiss na kami ay agad kong hinawakan ang kamay niya nang tumayo na siya sa upuan niya.   "Wag mo akong iniiwan! Girlfriend mo ako tapos nauuna ka pang pumunta sa next subject! Napakaungentleman mo!" Bakas sa mukha ko ang iritasyon.   Hinawi niya ang kamay ko sa braso niya na mas lalo kong hinigpitan para hindi iyon matanggal.   "Hindi ka ba makakapaglakad mag-isa nang hindi ako kasabay? May sarili kang mga paa kaya gamitin mo!" Pinilit niyang tanggalin ulit ang kamay ko at napagtagumpayan niya nga iyong tanggalin. Ang lakas talaga ng halimaw!   "Anong tingin mo sakin walang utak para hindi maisip ang bagay na 'yon?! Alam mo kung ano ang pinupunto ko pero iniiba mo! Edi hindi ako sasabay sayo! Pero ako dapat ang mang-iiwan sayo hindi yung ikaw ang nauuna! Diyan kana!" Nagmartsa agad ako paalis sa harapan niya.   Dumating ako sa next subject ko na magkasalubong ang dalawa kong kilay. Nang makapasok ako ay nakuha agad ni CheyenneJade ang atensyon ko. Kilala namin ang isa't isa pero hindi kami gaanong close. Nag-aaral kasi noon sa school ng pinsan ko ang kakambal niya. May katabi siyang lalake na pamilyar sakin pero hindi ko alam kung sino.   Tuluyan akong pumasok at umupo sa pinakadulo. Ibinakante ko na ang katabi ng bintana dahil alam kong mas gusto niyang doon siya nakaupo.   Ilang sandali ay pumasok na nga siya. Lumipad agad ang atensyon niya sakin kaya inirapan ko agad siya. Itong katabi ko nalang ang bakante kaya paniguradong dito siya uupo.   Kinausap pa siya nung lalaking katabi ni Cheyenne saka siya pumunta sa direksyon ko. Hindi niya ako nilingon at parang wala lang sa kanya ang imahe ko.   Dumating rin ang prof kaya hindi ko na naming nagawang bungangaan ang isa't isa. Tatlong subject lang ang meron ako ngayon at vacant time ko na. Pagkatapos ng klase ay nakabuntot na naman ako sa kanya. Ang lalaki ng mga hakbang niya! Palibhasa ang haba ng biyas niya kumpara sakin. 'Tsaka babae rin naman ako! Mahinhin parin ako!   "Ano ba! Bagalan mo nga yang paglalakad mo!" sigaw ko sa kanya na pilit siyang inaabutan.   "Lunch na! Sa cafeteria kana pumunta dahil sa Restaurant ako dederitso! Doon ako kakain!" sagot niya sakin.   "Ayokong kumain doon!" Napapagod na akong maglakad at habulin siya. Nakakainis! Yung lakad niya ata ay katumbas sa takbo ko.   "Kaya ka nababaliw dahil hindi ka kumakain! Wag mo akong idamay." Sabi nang hindi man lang ako nililingon.   Napahinto ako sa paglalakad at hinihingal. Sinisikap kong habulin ang hininga ko. Ang layo niya na sa akin. Sa sobrang inis ko ay hinubad ko ang suot kong heel at ibinato sa kanya na tumama agad sa likod niya sanhi para mapahinto siya at tapunan ako ng matalim na tingin.   Dinampot niya ang ibinato kong heel ko sa kanya at nagmartsa sa kinaroroonan ko. Bakas sa mukha niya ang sobrang pagkayamot.   "Tigilan mo ako sa kaabnormalan mo babae ka!" Inihulog niya sa harapan ko ang heel ko na ibinato ko sa kanya.   "Umuwi tayo sa condo mo! Ayokong kumakain sa cafeteria! Gusto kong ako ang nagluluto ng kinakain ko!" nayayamot kong sabi. Ang rami nang napapalingon na estudyante sa amin pag napapadaan sila sa direksyon ko. Sinasamaan ko agad sila ng tingin kaya napapabalik sila sa daan nila.   "Umuwi ka mag-isa mo! Doon ka magluto sa inyo. Sa Restaurant ako kakain!" Tumalikod siya at naglakad ulit paalis.   Walanghiya talaga. Hahayaan niya lang malipasan ng gutom ang girlfriend niya! Pag ako namatay papatayin ko talaga siya sa takot! Mumultuhin ko siya kada minuto!   "Edi uuwi ako mag-isa! Susunugin ko yung condo mo!" Isinuot ko ulit ang heel ko at maglalakad na sana ulit nang makita ko ang imahe niyang bumabalik sa direksyon ko.   Nang makarating siya sa harap ko ay hinila niya agad ang kamay ko at kinaladkad ako. Sa sobrang bilis niyang maglakad ay napapatakbo na ako para lang mapantayan siya. Anong tingin niya sakin aso?!   "Ang bilis mong maglakad! Bagalan mo nga! Sumasakit na ang paa ko sa kakahabol sayo mapantayan lang yang lakad mo! Pag ako nainis mababato kita ulit ng heel na suot ko!" Hindi na maipinta ang mukha ko. Sa tuwing kasama ko ang lalaking 'to ay parati talagang nasisira ang ekspresyon ng mukha ko. Pakiramdam ko ang panget ko na.   "Kasalanan ko ba kung napakabagal mo." May diin niyang sabi.   "Kaya nga diba bagalan mo! Nanghahapdi na ang mga paa ko leche ka!"   Napahinto siya sa paglalakad at nilingon ako sa pamamagitan ng masamang tingin niya. Sinamaan ko rin siya ng tingin at pinantayan ang tingin niya sakin. Hinigitan niya iyon kaya mas hinigitan ko yung akin at may kasama pang pagtataas ng kilay.   Napakurap rin ako nang bigla niya akong isampa sa balikat niya. Pinagsasapak ko agad ang likod niya para lang ibaba ako kaso hindi siya matinag sa paglalakad niya.   "Nakapalda ako! Ibaba mo ako!" Walang tigil kong pinagsasapak ang likod niya. Napapansin ko na pinagtitinginan na kami  ng ibang estudyante pero mukhang walang pakialam ang halimaw na 'to.   "Ang bagal mong maglakad! Malilate ako sa next subject ko dahil sa kabagalan mo!" sagot niya   "Anong malilate! Dalawang oras ang vacant time natin! Klasmeyt kita sa lahat ng subject kaya hindi mo ako mauuto!" naiinis kong sabi.   Ibinaba niya lang ako nang makarating kami sa underground ng school. Tumambad sa harapan ko ang isang grey na kotse. Pinatunog niya ang car alarm na hawak niya at umikot sa driver's seat saka pumasok doon. Kotse niya pala 'to. Halata nga dahil sa kulay.   "Pasok!" sigaw niya sa loob.   Nanatili ako sa labas. Ano bang kailangan kong gawin para maging gentleman man lang ang lalaking 'to sa akin?   "Pagbuksan mo ako! Maging gentleman ka nga! Ganoon ang mga boyfriend!" Ipinulupot ko sa isa't isa ang braso ko.   "Ang rami mong arte! Wala ka bang kamay para gawin 'yon?!"   "Sungay lang ang meron ako! Pagbubuksan mo ba ako o ipupokpok ko ang heel ko sa bintana ng kotse mo?!" Mapanghamon kong sabi.   Narinig ko ang tunog ng pinto ng driver's seat na binuksan niya sa loob. Itinulak niya iyon para mas bumukas ito. Padabog akong pumasok at sinamaan siya ng tingin na ganoon rin siya sa akin.   "Subukan mong ibuka yang bibig mo kundi hindi ako magdadalawang isip na ibangga 'to." Inirapan niya ako at nagsimulang magmaneho.   Inirapan ko rin siya at humalukipkip sa kinauupuan ko. Buong byahe ko ay nakatingin lang ako sa labas ng bintana habang may earphone na nakalagay sa magkabilang tenga ko. Sinasabayan ko rin ito ng pagkanta. Naaagaw ng mabango niyang kotse ang atensyon ko kaya maikakalma ko na ang sarili ko. Hindi ko na siya nilingon para hindi masira ang mood ko.   "Sinabi nang tumahimik ka!" Narinig kong sigaw niya.   Hinablot ko ang earphone sa tenga ko at sinamaan siya ng tingin. Nagsisimula na naman akong tubuan ng sungay dahil sa lalaking 'to.   "Hindi kita kinakausap! Kumakanta lang ako! Ni hindi nga malakas ang boses ko! Nang-iinis ka ba?!" Magkasalubong na naman ang dalawa kong kilay.   Nililingon niya ako paminsan minsan habang magkasalubong narin ang dalawa niyang kilay.   "Ang sabi ko sayo itikom mo yang bibig mo. Mahirap bang intindihin 'yon?" may diin niyang sabi.   "Kumakanta lang ako! Mahirap rin bang intindihin ang bagay na 'yon?! Ang sabihin mo nagagandahan ka sa boses ko kaya naiinggit ka at ayaw mo akong pakantahin!" Bumusangot lalo ang ekspresyon ng mukha ko. Nagmana ata sakin ang boses ko. Kung anong ikinaganda ko 'yon rin ang ikinaganda ng boses ko.   "Maganda rin ang boses ko kaya ba't ako maiinggit sayo?"   "Edi kumanta ka rin! Gusto mo duet pa tayo." Pinaikot ko ang mga mata ko at isinaksak ulit sa magkabila kong tenga ang earphone.   Nilakasan ko lalo ang volume nito para pag binungangaan niya na naman ako ay hindi ko siya maririnig.   Dumating rin kami sa building kung nasaan ang condo niya. Lumabas na ako ng kotse dahil alam ko naman na hindi ako pagbubuksan ng pinto ng lalaking 'to. Ano kayang nagustuhan ng ibang babae sa pagmamadaling magkaboyfriend? Kung ganito lang naman ay mas mabuting wala nalang akong boyfriend. I'd rather be alone. I don't have to rush on this s**t. Kaso inangkin ako ng halimaw na 'to kaya ngayon nagtitiis ako sa lalaking 'to. My boyfriend is purely a monster.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD