4

2162 Words
"Anong pinaggagawa mo sa condo ni RM pag nandoon ka?" tanong sakin ni Anne. Nandito siya ngayon sa bahay kasama ang parents niya dahil may pinag-uusapang isang business trip ang mga magulang namin kaya dito na sila nagdinner. Nasa baba sila habang kaming dalawa ay nandito sa loob ng kwarto ko. Kapwa kami may pinagkakaabalahan sa phone namin habang nakasandal sa headboard ng kama ko. i********:.   "Kahit ano para simulan ng pag-aaway namin. Parating galit ang lalaking 'yon kaya parati rin kaming nagbabangayan. Doon nauubos ang oras ko." I rolled my eyes.   "Kung makapagsalita ka akala mo napakakalmado mo ring tao. Kaya kayo nag-aaway dahil rin naman hindi ka marunong magtimpi." Sabi niya.   Sinamaan ko siya ng tingin pero ibinalik ko rin sa screen ng phone ko. Kahit gusto ko siyang batuhin ng unan ay sinikap kong magpigil dahil magugulo lang ang arrangement ng maganda kong kwarto.   "Parati kasing nakabusangot ang mukha niya kaya nahahawa narin ako. Naiinis ako sa tuwing ganoon ang ekspresyon niya." Bakas sa buo kong mukha ang pagkairita. Iniisip ko pa lang ang mukha ng lalaking 'yon ay nasisira na ang araw ko.   "Make him laugh then." Sabi niya.   Anong klaseng pagpapatawa ang gagawin ko? Kilitiin siya? Eh baka ihagis agad ako ng lalaking iyon palabas ng condo niya.   "How?" Kunot noo kong tanong.   Dahan dahan siyang napalingon sakin na agad nagkasalubong ang kilay. Umaandar na naman ang pagiging bruha ng babaeng 'to.   "God Celina! Gamitin mo yang utak mo. Meron ka naman niyan siguro sa loob ng ulo mo diba?" Pinaningkitan niya ako ng mata.   "Alam mo naman na nananapak rin ako diba? Kaya nga kita tinatanong dahil hindi ko alam!" Bumusangot ang mukha ko.   Ibinalik niya ang atensyon niya sa screen ng phone niya. Ilang minuto lang ay may binasa na siya doon. Nagresearch siya.   "Sabi dito magjoke ka raw o bumanat. Pag tumawa sila ibig sabihin kinikilig sila o natatawa talaga sila." Paliwanag niya.   Banat? Yung mga kadiring tanong? Yung pangbobong tanong? What the hell! Eh wala akong alam sa mga ganyan.   "Ito nalang ibanat mo sa kanya. Baka kiligin 'yon pag ginawa mo 'to." Ipinakita niya sakin ang screen ng phone niya.   Unti unting nagkasalubong ang dalawa kong kilay. Seryoso ba ang babaeng 'to?! Eh halos magsisigaw nga ako pag hinahawakan ako nun tapos yan pa ang ibabanat ko?! Just great!   "Pag nakuha mo ang kiliti niya mapapaamo mo na siya. I know he's untamable. Kahit nga ikaw napakahirap mapaamo. But because you're untamable maybe you can tame that guy." Sabi niya.   Laman ng utak ko buong gabi ang pinagsasabi ng baliw kong pinsan. Kung napatawa ko siya ay may posibilidad na mapaamo ko siya. That's it! That's my goal for tomorrow! Patatawanin ko ang halimaw na 'yon. I'll use my force if needed, just in case.   Kinabukasan ay pumunta ako sa condo niya. Isang nakabusangot at lukot na lukot nga na mukha ang nagbukas ng pinto. Kahit naiimbyerna ako sa ekspresyon ng mukha niya ay sinikap kong maging kalmado. Sabi ni Anne ay kailangang magtimpi ako. The f**k!   Hinanap ko agad sa bawat sulok ng condo niya ang indoorslipper ko kaso hindi ko ito mahanap. Hindi kaya itinapon niya? Mabilis ko siyang sinamaan ng tingin.   "Nasan ang indoorslipper ko?!" Hindi ko na mapigilang sumigaw dahil sa inis na nararamdaman. Spongebob ang design nun tapos itatapon lang?!   "Nasa basurahan. Tingnan mo nalang doon. Kahit saan mo kasi iniiwan kaya napagkakamalan kong kalat. Hindi naman iyon sa akin kaya natapon ko." Sabi niya sa isang blangkong ekspresyon habang nakaupo sa sofa at nage-scan sa laptop niya.   Unti unti nang bumibigay ang pagpipigil ko. Gustong gusto ko na siyang lapitan at ipukpok sa ulo niya yang laptop na ginagamit niya nang sumagi sa utak ko ang boses ni Anne na wag maghysterical para maisakatuparan ko ang misyon ko. Marahas akong napabuga ng hininga sa ere at pilit ikinalma ang sarili.   Halos ibaon ko ang mga paa ko sa paglalakad papunta doon sa mini trashcan niya. Inapakan ko ang handle nito saka ito bumukas at tumambad ang indoor slipper kong nag-iisa doon. Wala pang laman ang basurahan niya maliban sa indoorslipper ko at mukhang kakabili lang ng trashcan na 'to kaya malinis pa. Kinuha ko ito sa loob at isinuot. Lecheng lalake! Wala talagang pakialam sa maaaring isipin ng girlfriend niya!   Huminga ulit ako ng malalim at naglakad papalapit sa kanya. Sinilip ko ang ginagawa niya at nakita ang isang documents. May binubuo siyang report? Parang business matter eh. Estudyante pa lang naman ang lalaking 'to ah?   Tumabi ako sa kanya pero hindi gaanong malapit baka magreklamo ang siraulo na dinidisturbo ko siya. Tsss.   Kinabisado ko muna sa utak ko ang gagawin kong banat. Kikiligin kaya siya nito? Lagot talaga siya sakin pag hindi!   "Alam mo ba kung ilang buto meron ang tao?" Ngumiti ako ng pilit. Leche. Nagmumukha akong timang sa pinaggagawa ko. Ba't ba kasi sa dinami dami ng banat ay ito pa? Ako pa ang nagmumukhang chansing dito.   "300 pag bata ka pa pero pag matanda kana ay nababawasan na ang bilang at nagiging 206. Elementary pa ako ay alam ko na yan tapos college kana hanggang ngayon hindi mo parin alam ang bagay na 'yan. Paano ka nakapagcollege sa utak mong ganyan?" sabi niya habang ipinagpatuloy ang ginagawa niya at hindi man lang ako nililingon.   Nalaglag ang panga ko. Paano ako babanat kung napakatalino ng lalaking 'to?! Hindi ko inaasahang mangyayari ang bagay na 'to. Ibang iba 'to sa inaasahan ko!   "Bumabanat ako! Dapat tinatanong mo ako ng ilan!" Hindi na maipinta ang mukha ko.   Sandali siyang napahinto sa pagtitipa ng mga letra at nilingon ako. Nang makita niyang seryoso ang mukha ko ay ibinalik niya ulit sa ginagawa niya.   "Edi ulitin mo. Hindi mo naman sinasabi na babanat ka agad. Kahit ano nalang talagang pumapasok sa kokote mo baliw na babae." Sabi niya.   Naikot ko ang mga mata ko. Nawalan na tuloy ako ng gana.   "Alam mo ba kung ilang buto meron ang tao?" tanong ko habang nakabusangot parin ang mukha ko. Hindi ko na magawang ngumiti ng pilit. Sinira niya ang diskarte ko kanina.   "Ilan?" tanong niya sa isang kalmadong tono.   "Alam mo naman diba?! Eh ba't mo tinatanong?! Paano ka nakatungtong sa college sa utak mong ganyan?! Bwesit! Diyan kana nga!" Naiirita akong tumayo at nagmartsa patungong kusina. Sa sobrang pagkayamot ko ay ikinain ko nalang iyon ng cake para matanggal ang inis sa buo kong sistema.   Ilang minuto rin akong nagbabad sa kusina habang kumakain ng cake at nakakatatlong slice na ako ng chocolate mousse. Hindi na ako babanat. Magjojoke nalang siguro ako para mapatawa siya.   Nang makaisip na ako ng pwedeng magpatawa sa kanya ay lumabas rin ako ng kusina. Nasa sofa parin siya at patuloy na nagtatype sa laptop niya. Lumapit ulit ako sa kanya at umupo sa dati kong posisyon kanina.   "May joke ako." Blangko kong sabi.   "Ano na naman bang pumasok sa utak mo abnormal na babae? Pati ako dinadamay mo sa kabaliwan mo. Anong joke ba yan?" Hindi niya inalis ang tingin niya doon sa ginagawa niya.   Ang rami niya pang sinasabi tapos interesado naman pala sa joke ko. Tss   "Pagkatapos patayin si Jose Rizal saan napunta ang ulo niya?" walang kabuhay buhay kong tanong.   Napaawang ang bibig niya at alam kong leleksyunan niya na naman ako kaya inunahan ko na siya. Sisirain niya na naman ang diskarte ko.   "Subukan mong sabihin sakin ang sagot sa tanong ko kundi ihahampas ko sayo yang laptop mo sa ulo mo. Magtanong kana lang kung saan!" Humalukipkip ako sa sofa. Hindi ko na maiwasang ipagsalubong ang dalawa kong kilay dahil sa lalaking 'to.   "Saan?" inosente niyang tanong.   "Edi sa piso. O sige tumawa kana." Sagot ko.   Napahinto ulit siya sa pagtitipa sa keyboard ng laptop niya at napatingin sakin ng seryoso.   "Ba't ako tatawa sa joke mong napakaluma na. Eh alam ko na yan simula nang elementary ako. Tapos walang kabuhay buhay mo pa itong sinasabi sakin. Sino ang matatawa niya maski ikaw ay hindi ramdam ang pinagsasabi?" Bakas sa mukha niya ang pagkairitado.   Ba't ko pa kailangang magpakahirap eh alam ko namang hindi siya marunong tumawa. Hindi nga marunong ngumiti.   "Ba't ang rami mong sinasabi? Tatawa ka ba o hahampasin pa kita?" may diin kong sabi. Napakatalim na ng tingin ko sa kanya.   "Siraulong babae. Ha Ha Ha Ha Ha." Walang kabuhay buhay niyang sabi. "O ayan. Masaya kana?!"   "Hindi ganyan ang tawang gusto ko! Yung malutong! Yung may ekspresyon ang mukha!"   "Ha! Malutong! Ha Ha! Malutong! Malutong! Ha Ha Ha—Aray! f**k! Tigilan mo nga—Aray!" daing niya dahil pinagsasapak ko na ang braso niya. Nang-iinis eh! Simpleng pagtawa lang ang hinihiling ko hindi niya pa magawa ng tama at dinadaan pa ako sa katalinuhan niya! Ako tuloy ang nagmumukhang bobo sa aming dalawa. Kainis!   "Halimaw ka nga talaga! Hindi marunong tumawa!" sigaw ko sa kanya habang wala parin akong tigil sa kakasapak sa kanya.   Isinarado niya ang laptop niya at isinangga ulit ang kamay niya sa sarili niya. Hinawakan niya ang magkabila kong kamay hanggang hindi ko na ito maigalaw dahil sa sobrang higpit ng pagkakahawak niya.   Napasandal ako sa sofa dahil sa pagdiin niya sakin doon. Tumama sakin ang matalim niyang tingin sa mga mata ko. Sandali akong napatitig doon. Ngayon ko lang napansin na ang ganda pala ng kulay ng mga mata niya. Nakakatakot itong pagmasdan dahil sa pitch black nitong kulay pero naaakit kang titigan ito. Ang singkit niyang mga mata ang mas lalong nakadagdag ng puntos sa kanya para magmukha siyang suplado.   Unti unting huminahon ang ekspresyon ng mukha niya hanggang pumungay ang mga mata niya. Hindi ko namalayan na ang tagal ko na palang nakatitig sa hitsura niya.   "Umuwi kana." Nag-iwas siya ng tingin sakin at unti unti akong binitiwan.   Hindi ako makapagsalita. Pakiramdam ko ay umurong lahat ng letra sa bibig ko. Kinuha niya ang laptop niya at tumayo. Sinundan ko ang imahe niyang naglalakad papasok sa kwarto niya. Sandali siyang huminto sa pagpasok.   "Kung wala kang balak umuwi, itikom mo yang bibig mo. Wag kang disturbo." Nilingon niya ako at sinamaan ng tingin saka siya pumanhik sa kwarto niya.   Nanatili akong nakatitig doon sa kwarto niya kahit na ilang sigundo na siyang nakapasok sa loob. Laman ng utak ko ang mga mata niya. What's with that pitch black gaze? Nakakatakot pagmasdan pero naaakit akong titigan iyong muli. Para iyong titig ng halimaw pero hindi ako natatakot na sumugal mapagmasdan lang ang ganoong mga mata. Gustong gusto kong titigan iyon ng matagal. In that way, I know he wont harm me. That monster won't harm me.   Pumasok ako sa banyo dala dala ang toothbrush kong may printed design ng mukha ni Spongebob. Kulay yellow rin ito. Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin habang nagto-toothbrush. Hindi ko magawang ialis sa utak ko ang mga mata niya. Ano bang nangyayari sa sistema ko? Hindi ko maipaliwanag ang kakaibang nararamdaman ko sa tuwing maaalala ko ang mga mata niya.   Pagkatapos kong magtoothbrush ay inihalo ko iyon sa grey niyang toothbrush. Mag-iiwan na ako ng toothbrush dito dahil dito rin naman ako kumakain. Lumabas rin ako ng banyo nang makasalubong ko siya.   Umismid siya sakin at nilagpasan ako. Wala nga akong ginagawa tapos galit siya. Parating galit! Walang alam kundi magalit!   Umupo ako sa sofa at in-on ang tv niya. Ilang sandali ang nakalipas ay lumabas siya ng banyo niya na lukot na lukot ang ekspresyon at hawak hawak ang toothbrush ko.   "Sayo ba 'to?! Gusto mong ikuskos ko 'to sa lababo?! Ba't mo inilagay katabi ng toothbrush ko?!" Naiirita niyang sabi.   Napatitig ako sa mukha niya pero ipinokus ko ang tingin ko sa mga mata niya. Kahit ang layo niya sakin ay pansin na pansin ko ang mga mata niyang napakatalim ng tingin sa akin.   "Bakit? Doon naman talaga dapat ilagay ang toothbrush ah. Hindi yan pakalat kalat kaya wala kang karapatang itapon." Nanatili ang tingin ko sa kanya. Ayokong alisin ang pagkakatitig ko sa mga mata niya.   Padabog siyang bumalik sa banyo. Rinig na rinig ko ang pagrereklamo niya doon sa loob. Kahit ano nalang ang pinagsasabi niya pero hindi ko iyon masundan. Tanging 'abnormal' 'baliw' na babae lang yung klaro sa akin.   Paglabas niya ng banyo ay agad na lumipad ang tingin ko sa kanya pero hindi siya nakatingin sakin ng direkta. Gusto kong matitigan ang mga mata niya pero nakatingin iyon sa ibang direksyon habang magkakasalubong ang kilay niya.   "Hindi ko mahanap ang remote mo. Hanapin mo nga." Sabi ko sa kanya na nagpatigil sa paglalakad niya at napalingon sakin. Gotcha!   Naglakad siya papunta sa direksyon ko habang hindi ko naman inaalis ang tingin ko sa kanya.   "May mga mata ka pero hindi mo makitang nasa harap mo lang. Wag mo akong ginagawang katulong mo sa sarili kong condo baliw na babae kundi mahahagis kita palabas." Padabog niyang kinuha ang remote at inilahad sakin.   Kinuha ko iyon sa mga kamay niya habang nakatitig parin sa mga mata niya. Hindi ko na maipasok sa utak ko ang pinagsasabi niya. Masyadong nakukuha ang buo kong atensyon ng mga mata niya.   Umalis rin siya sa harapan ko nang makuha ko ang remote sa kanya. Napabusangot ang mukha kong sinundan siya ng tingin. Gusto ko pang titigan ang mga mata niya. Paano niya kaya nakuha ang ganyang klaseng mga mata? Namana niya kaya sa Mom niya? O baka naman sa Dad niya? Pag nagkaanak kami gusto ko mamana ng anak ko ang mga mata niya.   Napakurap ako dahil sa pinag-iisip ko. Did I just...? Ba't ko naisip ang bagay na iyon? Alam kong siya ang mapapangasawa ko dahil inangkin niya ang p********e ko pero hindi ko inisip na magkakaanak kami. I think I'm bewitched, bewitched by his eyes.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD