Pagdating namin sa condo niya ay pinanood ko siyang maglagay ng passcode niya. Teka yun ang password niya? Ba't parang napakadali ata? Mahuhulaan ata 'yon ng bata eh. Tuluyan kaming pumasok sa loob. Hinalungkat ko agad ang laman ng purse ko. Nagdala kasi ako ng extra tshirt para hindi madumihan ang blouse ko. Pumasok ako sa Cr at nagpalit ng damit. Isa itong tshirt na may printed spongebob sa gitna at fit sakin. I love this cartoon character. Napakafluppy niya kasing tingnan. Hinubad ko rin ang suot kong palda at tanging short nalang ang naiwan sa akin. Paglabas ko ng Cr ay naabutan ko siya na kakalabas lang rin ng kwarto niya. Sandali siyang napahinto at napatingin sakin saka marahas na napabuga ng hininga sa ere habang nag-iiwas ng tingin sakin. Anong problema niya sa suot ko? Ba't ba