3

2184 Words
"Ba't ba ang kulit mo? Wala ka bang sariling bahay at dito ka dumediretso sa condo ko? Wag mong gawing Mall 'to." Galit niyang sabi nang pinagbuksan niya ako ng pinto dahil sa wala kong tigil na pagdoorbell nito.   Hindi ko pinansin ang pagbubunganga niya at pumasok ng deritso. Hindi niya ako hinarangan, mabuti naman at nadala na siya.   May dala akong isang paperbag kung saan nakalagay ang indoorslipper ko. Inilabas ko iyon at inihulog sa sahig. Hinubad ko ang suot kong heel saka iyon isinuot. Nakangiti akong pinagmasdan ang design nito. Bagay sakin.   Napansin ko ang pagtitig niya sa suot kong indoorslipper. Gusto niya ata. Eh sino bang hindi makakatanggi kay Spongebob. He's so cute!   "Baliw na nga isipbata pa. Abnormal. Kaya pala hindi maintindihan ang ugali dahil may pinagmanahan." Naiiling niyang sabi saka naglakad papasok sa kwarto niya.   Binalewala ko nalang ang pinagsasabi niya. Akala ko pa naman gusto niya. Tss   Umupo ako sa sala at nanood ng iba't ibang episodes ng Spongebob. Tawa ako ng tawa hanggang lumabas ang halimaw sa lungga niya.   "Hinaan mo ang boses mo! Napakaingay." naiirita niyang sigaw sakin.   Nawala ang saya sa mukha ko at napalitan ng busangot nang nilingon ko siya. Napakapakialamero.   "Hindi nga ako nagrereklamo na napakatahimik mo sa kwarto mo tapos ako bubungangaan mo dahil napakaingay ko! Edi mag-ingay ka rin!" Inirapan ko siya at ibinalik sa panonood ko. Natawa ulit ako.   "Anong klaseng utak ba meron ang babaeng 'to. Hindi ako makapaniwalang nagpapapasok ako ng siraulo sa condo ko. May mga pinsan na nga ako siraulo dumadagdag pa." sabi niya sa sarili niya. Eh sino kaya 'tong siraulo na kinakausap ang sarili niya? Tss.   Bumalik ulit siya sa kwarto niya pero ilang minutong nakalipas ay lumabas ulit siya. Wala kasi akong tigil sa kakatawa.   Natigil rin ako sa kakatawa nang biglang namatay ang tv. Mabilis na lumipad ang tingin ko sa kanya na may hawak ng remote.   "Napakaingay mo! Hindi ako makapagconcentrate sa ginagawa ko." Tumalikod siya sa akin pero mabilis rin siyang napalingon dahil binato ko sa kanya ang isang pares ng indoorslipper ko at tumama sa ulo niya.   "Nanonood ako! Ba't mo pinatay?!" Naiinis kong sabi.   "Walanghiya kang babae ka! Umuwi kana nga! Isama mo yang indoorslipper mo! Doon ka sa bahay niyo magmoviemarathon ng Spongebob mo wag dito!"   Naiinis akong tumayo at naglakad papunta sa kanya. Hinablot ko sa kanya ang remote na hawak niya pero napakahigpit nun. Dinampot ko ang isang pares ng indoorslipper ko at pinalo iyon sa braso niya kaso mukhang wala man lang epekto sa kanya. Halimaw nga ang lalaking 'to.   "Akin na yan! Anong klase kang boyfriend ha?! Kasiyahan ng girlfriend mo pinuputol mo! Akin na yan kung ayaw mong yang ano mo ang putulin ko!" Bakas sa mukha ko ang sobrang inis.   "Ano?" Pinaningkitan niya ako ng mata.   "Yang ano mo!"   "Ano?!"   "Yang kamay mo! Akin na yang remote! Bwesit!" Inagaw ko agad ang remote sa kamay niya at nagtagumpay naman ako. Agad akong tumalikod at nagmartsa pabalik sa sofa. Leche. Pakiramdam ko ang pula ng pisngi ko.   Hindi ko na magawang tumawa habang nanonood ako dahil sa pagkayamot. Ganito pala ang pakiramdam ng may boyfriend, sakit sa ulo. Kaya pala naghihiwalay agad yung iba. Kung hindi niya lang talaga kinuha ang p********e ko ay hindi ko siya pagtitiisan. I deserve a decent guy! Hindi yung halimaw na kagaya niya! Attracted ako sa mga suplado pero hindi yung kagaya niyang nasobrahan! Attracted ako sa singkit pero hindi kagaya niyang napakatalim tumingin! Everything about him is purely evil! Monster.   Nang mapagod ako sa kakapanood ay pumasok ako sa kusina niya at naghalughog sa fridge niya ng makakain. Maraming laman ang ref niya. Iba't ibang klase ng pagkain.   Itinali ko ang buhok ko at nagsuot ng apron. Pati apron niya kulay grey. Napansin ko rin na ang mga sinusuot niyang tshirt ay kulay grey. Noon pinagpapantasyahan ko ang magluto sa isang kusina kasama ang lalaking mapapangasawa ko habang naglalambingan kami pero mukhang malabo na atang mangyari ang bagay na iyon.   "Hoy babaeng baliw! Iniwan mong nakabukas ang tv! Alam mo bang ilang watts ang kinakain niyan bawat sigundo tapos inaaksaya mo?!" Bungad niya sakin nang makapasok siya sa kusina. Naagaw agad ng suot niyang tshirt ang atensyon ko. Isang kulay grey.   "Hindi ko alam at wala akong pakialam. Isearch mo sa google para malaman mo." Inirapan ko siya. Pinagpatuloy ko ang paghihiwa ng sangkap. Pati yan ibubunganga niya sakin.   Sumandal siya sa pader habang nakahalukipkip. Nanatili ang tingin niya sa akin.   "Hindi mo rin ba yan napag-aralan noong highschool ka? Eh elementary nga dinidiscuss na ang Electricity consumptions. Umamin ka nga? Bulakbol ka ba?" Tumagos sakin ang matalim niyang tingin.   Marahas kong hiniwa ang bawang at sinamaan siya ng tingin. Sa dinami dami ng tinuro ng mga teacher halos lahat yun hindi ko na maalala dahil nagkahalo halo na iyong lahat sa utak ko. Tapos may panibago na namang tinuturo ngayon sa college. Hindi ako utak computer na kayang maalala ang lahat ng iyon.   "Matino akong nag-aaral! Voltage, watts, electricity, lahat yan isa lang naman ang kahulugan. Kuryente! Pag hinawakan mo mamamatay ka!" Magkasalubong na ang kilay ko. In-on ko yung stove at nagsimulang ilagay ang mga hiniwa kong sangkap.   Lumapit siya sa stove at hininaan ang apoy nito.   "Ang baluktot ng sagot mo. Pati sa pagluluto hindi mo nababalanse ang paggamit ng apoy. Gusto mo bang masunog yang niluluto mo? Istimahin mong mabuti!" pangaral niya sakin.   Lalong tumalim ang tingin niya sakin habang ako naman ay ang sama nang makatingin sa kanya. Ba't ang raming alam ata ng lalaking 'to? Dinaig niya pa ako.   "Oo na! Leche! Lumabas ka nga kung ayaw mong ikaw ang gisahin ko dito!" Pinaikot ko ang mga mata ko.   "Subukan mong magkalat dito sa kusina ko kundi ikaw talaga ang kakainin ko." May diin niyang sabi saka nakapamulsang lumabas ng kusina.   "Halimaw!" sigaw ko sa kanya nang tuluyan siyang makalabas. Lukot na lukot na ang ekspresyon ng mukha ko habang nagluluto.   Ilang minute rin ang inaksaya ko bago ko ito natapos. Susubo na sana ako nang maalala kong may kasama pala ako. Iimbitahin ko ba siyang kumain? Wag na. Tatanggi rin naman 'yon.   Nasa gitna na ako ng pagsubo nang pumasok siya sa kusina kaya hindi ko naituloy ang pagsubo ng pagkain at nilingon siya. Lumapit siya sakin at napatingin sa sink niyang hindi ko pa nalilinisan. Nakalukot ang mukha niyang ibinalik sakin ang tingin.   "Diba sinabi ko sayong wag kang magkalat?" Iritado niyang sabi. Naglakad siya patungo sakin.   Inirapan ko nalang siya at susubo na sana nang bigla niyang agawin ang kubyertso na hawak ko at mabilis itong isinubo sa kanya. Bumusangot agad ang mukha ko. Gumaganti ba siya sakin?! Great! Gumaganti siya!   "Ba't mo kinain?! Kumuha ka nga ng sayo!" Pinandilatan ko siya ng mata.   Isasandok niya n asana ulit ang kubyertos na hawak niya sa plato ko kaya mabilis kong inilayo ang plato ko sa kanya. Bwesit na lalaking 'to.   "May laway mo na yan tapos isasandok mo pa sa pagkain ko. Kumuha ka ng sayo leche!" Padabog akong tumayo at lumipat sa pinakadulo. Kumuha ako ng panibagong kubyertos habang hindi nagbabago ang ekspresyon ng mukha ko.   "Kung makapag-inarte ka diyan akala mo sarili mong condo!" Bakas sa mukha niya ang pagkayamot.   Inirapan ko lang siya at itinuon na ang buo kong atensyon sa pagkain. Nagsimula naman siya gumalaw sa kinatatayuan niya. Kumuha rin siya ng plato at nagsandok ng pagkain sa fryingpan na niluto ko. Isang fried rice ang ginawa ko na inihalo ko ang iba't ibang sangkap. May ham at chicken na hiniwa ko ng maliliit at nilagyan ko ng greenpeas. At hinaluan ko rin ng shrimps.   "Nasobrahan pagkagisa ang kanin mo." Pagrereklamo niya habang sumusubo. Doon naman siya sa pinakadulo umupo.   Matalim ko siyang tiningnan.   "Hinihingi ko ba ang opinyon mo? Edi wag kang kumain! Pinilit ba kita?! Mabulunan ka sana." Inirapan ko agad siya.   "Sinasabi ko lang sayo para maitama mo sa susunod. Ikaw na nga 'tong itinatama ikaw pang galit!" Umismid siya sakin.   Ipinaguong ko ang mga mata ko at padabog na nagsandok ng pagkain. Isinubo ko ito at marahas na nginuya. Nang lulunukin ko na sana ito ay bumaba pa ata ang greenpeas na hindi ko masyadong namuya sa lalamunan ko. Napaubo ako sa kinauupuan ko habang sinusuntok ang dibdib ko.   Nang mapansin niya iyon ay natataranta siyang tumayo at agad naglakad ng mabilis papuntang ref saka naglabas ng isang bottled water at inilahad sakin. Nakuha ko pa siyang tingnan ng masama habang kinukuha iyon sa kanya. Mabilis ko itong tinungga at halos habulin ang hininga ko nang makabawi ako sa pagkasamid ko.   "Yan napapala mo sa kakadaldal habang kumakain." May diin niyang sabi   Kung pwede lang makapatay sa pamamagitan ng tingin ay kanina na siya humandusay sa kinatatayuan niya. Pumantay na ang magkabila kong kilay dahil sa pagkakasalubong habang mariing nakatingin sa kanya. Eh sino bang naunang magsalita.   "Kasalanan mo 'to! Nabulunan ako dahil sayo!" galit kong sabi.   Bumalik siya sa upuan niya. Magkatulad na kami ng ekspresyon ngayong dalawa, nakabusangot ang mga mukha.   "Sa akin mo pa sinisisi! Nasa akin ba yang bibig mo?"   "Salita ka kasi ng salita!"   "Eh salita ka rin naman ng salita!"   "Paano kung hindi ako nakainom agad ng tubig kanina edi namatay ako! Ano klase kang boyfriend?!"   "Ang rami mo pang sinasabi! Magpasalamat kana lang dahil binigyan pa kita ng tubig!"   "Eh halata namang napipilitan ka eh! Ayaw mo pa nga sanang tumayo! Napakapabaya mong boyfriend! Hindi ako magpapasalamat sayo dahil kasalanan mo naman 'yon!"   "Hindi ka talaga magpapasalamat?!"   "Hinding hindi!"   Tumayo siya sa kinauupuan niya at lumapit sakin. Kahit na wala akong ediya sa gagawin niya ay nanatili akong walang pakialam sa maaari niyang gawin.   "Umuwi kana kung ayaw mo namang magpasalamat!" Hinila niya ang pulso ng kamay ko pero agad ko itong hinawi.   "Ayoko!" Humalukipkip ako sa kinauupuan ko.   Napabuga siya ng marahas na hininga sa ere habang nakapameywang sa harapan ko. Napakurap ako nang mabilis niya akong inangat sa ere at isinampa sa likuran niya. Walanghiyang halimaw 'to!   "Ano ba! Ibaba mo ako!" Pinagsasapak ko ang likuran niya kaso hindi man lang siya natinag at nagpatuloy sa paglalakad palabas ng kusina niya hanggang makarating kami sa harapan ng pinto ng condo niya. Binuksan niya iyon at doon ako ibinaba sa labas.   "Edi umuwi kana kung hindi ka lang rin naman magpapasalamat! Abnormal na babae." Isinara niya ang pinto.   Naiwan akong gulat sa labas. Wala kong ulit na pinindot ang doorbell niya. Kulang nalang ay ibaon ko doon ang hintuturo kong daliri. Walanghiyang halimaw!   "Buksan mo!" paulit ulit kong sigaw habang walang tigil na pinipindot ang doorbell niya.   Ilang minuto ang nakalipas ay binuksan niya rin. Pumasok agad ako sa loob.   "Ano? Nakonsensya ka. Inamin mo rin sa sarili mong mali mo. Magpasalamat kana!" sabi niya sakin na nasa likuran ko.   Dumeritso ako sa sala kung saan nakalagay ang purse ko at kinuha iyon. Hinubad ko ang suot kong indoorslipper at isinuot ang heel ko.   "Pauuwiin mo akong nakaindoorslipper tapos hindi ko pa dala ang purse ko? Siraulo! Uuwi na ako! Mag-isa ka dito!" naiinis kong sabi. Agad akong nagmartsa palabas ng condo niya. Akala niya! Tsss.   Ni hindi ko man lang naubos ang niluto ko! Ano bang klaseng boyfriend ang lalaking 'yon? Ganoon ba ang mapapangasawa ko?! Napakawalanghiya! Halimaw! Mabubuhay niya nga ako pero araw araw naman kaming nagpapatayan! Hindi naman ito ang pinapangarap kong relasyon! Napakalayo nito sa pangarap ko! At napakalayo niya sa pinapangarap ko! Aanhin ko ang kagwapuhan niya?! Wala akong mapapala doon! He's a monster! A big scary monster!   Kainis kasi ang Stolich na 'yon! Ba't kasi fifteen pa siya! Crush ko pa naman ang batang 'yon. Suplado siya pero napagtitiisan ko naman ang ugali niya hindi katulad ng RM na 'yon na isang halimaw na parang nakawala sa zoo! Parating nakabusangot ang mukha! Ni hindi marunong ngumiti! Baka siguro pag ngumiti siya mapagtitiisan ko na siya. Eh paano ko mapapangiti ang lalaking 'yon maski ako nakita lang ang mukha niya ay napapabusangot narin ako ng mukha!   Umuwi ako sa bahay na magkasalubong ang kilay pero mabilis ko ring ikinalma ang ekspresyon ng mukha ko nang madatnan ko si Dad sa sala na pabalik balik sa paglalakad niya habang may kausap sa phone.   Nang mapansin niya ang imahe ko ay nagpaalam siya sa kausap niya sa phone at itinuon ang buong atensyon ko sakin. Lumapit ako sa kanya at hinalikan ang pisngi niya.   "Celina. Saan ka nanggaling? Napapadalas ata ang lakad mo." Sabi niya pagkatapos kong ilayo ang mukha ko sa kanya. Blangko ang ekspresyon nito at nakakunot ang noo.   "Nagpalipas lang ako ng oras sa Mall Dad. You look tired. Gusto niyo pong masahiin ko ang balikat niyo?" pag-iiba ko ng usapan. Ngumiti ako ng matamis sa kanya.   Napatango tango siya. Bakas sa mukha niya ang pagsang-ayon sa sinabi ko.   "Good idea." Sabi niya.   Inilapag ko ang purse ko sa mesa. Umupo siya sa sofa kaya sinundan ko siya doon at pumwesto sa likuran niya. Sinimulan kong masahiin ng marahan ang balikat niya. Ito ang nakakatanggal ng stress niya. Napapakalma siya nito.   "You'll be a very good wife in the future my daughter. Matutuwa sayo ang asawa mo dahil napakamaalaga mo." Sabi ni Dad na nilingon ako kahit hindi niya naman makikita ang kabuuan ng hitsura ko.   You're wrong Dad. Babalian ko ng buto ang lalaking 'yon. Tss   "Ayaw ko nalang atang magkaasawa Dad." Lalo na kung yung lalake lang naman ang mapapangasawa ko.   "What? Why sudden change of mind Celina? Hindi yan pwede. Kailangan mo akong bigyan ng apo. Sayang ang ganda ng anak ko kung tatandang mag-isa. Having a husband is very exciting Celina. You're always thrilled to wake up everyday." Buong kasiguraduhan niyang siya.   Halata ngang exciting. Parating may nagaganap na labanan sa inyong dalawa at parating nagbabangayan. Tapos matithrill ka kung ano na naman ang bagong pag-aawayan niyo. Napakaexciting! Tsss.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD