"What? Sa BTSU ka mag-eenroll ngayong pasukan? Hindi mo itutuloy doon sa pinapasukan mo? Dahil ba yan kay RM?" tanong sakin ni Anne na nasa kabilang section. Nandito kami ngayon sa isang salon, nagpapalagay ng panibagong manicure at nagpapaayos ng buhok.
"Doon kana rin. Sabay tayo magpaenroll bukas." Sabi ko. Binalewala ko ang iba niyang sinabi. Magf-first year na siya ngayong school year habang ako naman ay Second year college na. Kung kailan dalawang taon na lang ang tatapusin ko doon ko pa nawala ang p********e ko. Tsss.
"Sa lahat ng Delafuente na hahabulin mo si RM pa. He's a beast Celina. Sabagay, bagay nga kayo." Ngumiwi siya sa akin.
Napatingin ako sa babaeng naglilinis ng kuko niya.
"Ate, isaksak mo nga sa babaeng yan ang hawak mong nipper." Naiirita kong sabi saka ko pinagulong ang mga mata ko.
Pagkatapos naming magpaayos sa sarili namin ay naghiwalay rin kaming dalawa. Ako naman ay dumeritso sa condo ng halimaw. Pagdating ko sa condo niya ay wala ko itong tigil na dinorbell. Pag ito hindi ako pinagbuksan ng pinto malalagot talaga siya sakin.
Nakakailang doorbell na ako hanggang bumukas ito. Nakita ko agad ang mukha niyang magkasalubong na naman ang kilay. Papasok na sana agad ako nang mabilis niyang iniharang ang sarili niya sa dadaanan ko kaya bumangga ako sa dibdib niya. Walanghiya! Hindi purket napakatangkad niya ay ibabandera niya na sa akin! At hindi purket ang bango niya ay palalampasin ko na 'to. Bumusangot ang mukha kong tiningala siya. Ba't ba kasi ang tangkad niya?!
"Umuwi kana." Bakas sa tono ng pananalita niya ang pagkairita.
"Get out of the way." May diin kong sabi. Hinawi ko siya pero napakatigas niya para mapaalis ko. Damn!
"Hoy babaeng baliw. Hindi isang mental Hospital ang condo ko. Bawal ka dito." Iniharang niya ang isa niyang kamay sa gilid ng pinto.
Tanging pagtataas lang ng kilay ang isinagot ko. I'm dead serious about last time. Pinapanindigan ko ang mga binibitiwan kong salita. He can't make me give up that easily. I'm willing to chase him even in hell.
"Papapasukin mo ba ako o tatadyakan ko yang ibaba mo? Choose wisely. You might regret it." Ngumisi ako.
Napakurap siya sa sinabi ko. Parang tinitimbang niya kung seryoso ba ako o nagbibiro lang. Nang tinaasan ko siya ng kilay at ibinaba ko ang tingin ko doon ay unti unting nanlambot ang pagkakaharang niya sakin. Wala ko siyang kahirap hirap na hinawi at nagdederitsong pumasok sa loob. Takot naman palang masipa ang alaga niya.
"Baliw." Sabi niya na hindi nakatakas sa pandinig ko. I don't care. He's my boyfriend now. I'm gonna do what I want to do. Fair enough.1
Inihagis ko sa sofa niya ang purse ko at naglakad papuntang kusina. May pagkain pa doon sa mesa niya. Kumakain ata siya nang pinagbuksan niya ako ng pinto kanina.
Umupo ako doon at kinainan ang plato niyang kakasandok niya lang ng pagkain. Hindi pa kasi nagagalaw.
"Hoy babae. Kung nagugutom ka kumuha ka ng sayo hindi yung kinakain mo yung akin." Lumapit siya sa direksyon ko at aagawin sana ang sinusubo kong pagkain nang siya ang kagatin ko. Buti nga sa kanya.
"Aray! Walanghiya kang baliw ka! Ba't mo ako kinagat?!" galit niyang sabi.
Nilingon ko siyang hinahawakan ang parte ng kamay niyang kinagat ko at tinaasan siya ng kilay. Nasulyapan ko na medyo namula yung bahagi ng kinagatan ko. That's his fault. Iniwas ko agad ang tingin ko sa kanya. Ayokong makonsensya.
"Nakikita mong kumakain ako tapos aagawin mo. Where's your manners? I'm your girlfriend. Hahayaan mo ba akong magutom ganoon ba?" Kalmado kong sabi. Ipinagpatuloy ko rin ang pagsubo.
Padabog naman siyang naglakad papuntang ref at naglabas doon ng icecubes.
"Girlfriend mo mukha mo. Hindi ako magkakagirlfriend ng babaeng baliw. May saltik sa utak." Bakas sa mukha niya ang pagkayamot.1
Hindi na ako nagsalita pa. Ipinokus ko nalang ang atensyon ko sa pagkain. Siya ba ang nagluto nito? It tastes good huh. Mabubuhay niya na ako nito.
Pagkatapos niyang dampian ng icecube ang kinagat ko ay kumuha siya ng panibagong plato at inilapag iyon sa mesa, doon sa dulo. Kung makaasta siya akala niya rin gusto kong tumabi sa kanya. This is his prize for taking my virginity. Pahihirapan ko siya hanggang magsisi siya sa ginawa niya sakin.
"Hugasan mo yang pinagkainan mo!" sigaw niya sakin nang tumayo na ako at lumabas ng kusina.
"Anong akala mo sakin katulong mo dito?!" sigaw ko pabalik.
Narinig ko ang ilang hagalpak na nangagaling sa kusina pero hindi ko ito pinansin at nagdederitsong naglakad papuntang sala. Binuksan ko ang flatscreen tv niya saka nanood ng palabas.
Ilang minuto ang nakalipas ay lumabas rin siya ng kusina na nakabusangot ang mukha. Wala na bang bago sa ekspresyon niyang yan? Yan lang ata ang alam niyang ekspresyon.
Lumipad agad ang tingin niya sakin. Bumusangot lalo ang mukha niya. May ikakabusangot pa pala siya?
"Ginagawa mo nang hotel ang condo ko. Abnormal na babae. Tapos naghiheel ka pa sa loob. Akala mo ba ang daling maglinis dito? Hubarin mo yang heel mo kung ayaw mo yang paliparin ko palabas." Naiirita niyang pinagmasdan ang suot kong heel na nakapatong sa mini table niya kung saan ko ipinatong ang dalawa kong paa.
"Ayoko nga. Ang lamig ng sahig mo. Wala ka bang kasweetan sa buto mo? Anong klase kang boyfriend?" Sinamaan ko siya ng tingin.
Hindi na maipinta ang ekspresyon ng mukha niya. He's pissed. He's mad. He's angry. He's upset. One word, monster.
Pinanood ko ang likod niyang naglakad sa sulok ng condo niya at may kinuha doon. Ilang saglit lang ay naglakad ulit siya papunta sakin kaya agad kong itinuon ang atensyon ko sa pinapanood kong movie.
"Oh ayan. Suotin mo yan." Inihulog niya sa sahig ang dalawang pares ng indoor slipper na kulay grey. Ngayon ko lang napansin na halos lahat ng kulay ng mga gamit niya ay kulay grey. Mahilig ba siya sa kulay na iyon?
Sinulyapan ko sandali ang indoor slipper niya pero ibinalik ko ulit sa screen ng tv. Ang laki naman ng paa niya.
"Ang panget ng design. I don't want to wear that thing." Ipinulupot ko sa isa't isa ang braso ko. Kitang kita ko sa periphiral vision ko kung paano unti unting lumukot ang hitsura niya. What an ill-natured guy.
"Edi wag! Ang arte! Wag na wag mong subukang maglakad gamit yang heel mo kundi nakayapak kang uuwi!" Agad siyang tumalikod sakin.
"Edi hindi ako uuwi!" sigaw ko naman sa kanya pabalik. Akala niya. Tss.
Pumasok na siya sa kwarto niya habang naiwan naman ako sa sala. Sumagi sa utak ko ang pag-eenroll sa BTS University bukas kaya tumayo ako at naglakad papunta sa kwarto niya.
Kinatok ko iyon. Nakalock eh.
"Ano na naman?! Umuwi kana!" sigaw niya sa loob.
"Buksan mo ang pinto! Leche ka! Wag mo akong pinapasigaw!" Hinampas ko ng malakas ang pinto ng kwarto niya.
May narinig akong kalabog sa loob at ilang sandali lang ay bumukas rin ang pinto. Nakabusangot na naman ang mukha niya at magkasalubong ang kilay.
"Nakapag-enroll kana?" Itinaas ko ang isa kong kilay.
Gusto kong magmukhang mabait pero hindi bagay sakin lalo na't kaharap ko ang lalaking 'to. He's too bitter!
"Tapos na." Iritado niyang sagot. Hindi ba pwedeng sumagot siya ng maayos at yung kalmado? Siya na nga tung may kasalanan sakin siya pa tung nagagawa akong supladuhan. Kapal ng mukha!
"Where's your schedule? Let me see." Inilahad ko sa kanya ang palad ko.
Nagkasalubong ang dalawa niyang kilay. "Ba't mo gustong makita? Hoy baliw na babae tigilan mo ako sa kaabnormalan mo! Umuwi kana!" Isasara niya na sana ang pinto ng kwarto niya nang mabilis kong iniharang ang isa kong paa doon para manatiling nakaawang ang pinto ng kwarto niya.
Tinaasan ko siya ng kilay habang ang sama niya namang makatingin sa akin. Parang nagpapatayan kaming dalawa sa pamamagitan ng tinginan namin. Nakipagtitigan ako sa kanya hanggang siya ang unang nag-iwas. I won !
"Hindi ako uuwi kung hindi ko makikita ang schedule mo. Give it to me. Bilis!" Nangangalay na yung kamay kong nakalahad sa kanya. Pag ako nainis lilipad talaga 'to papunta sa mukha niya.
"Ano ako uto-uto?" Iritado niyang sabi.
Ibinaba ko ang kamay ko. Tinitigan ko siya ng mabuti at napangiti ng pilya. I'm tired extending my hand calmly. Hindi niya rin naman ibibigay kahit anong hingi ko doon ng mahinahon. I have my own way though.
Napakurap siya nang bigla akong lumapit sa kanya lalo. Kumunot ang noo niya at unti unting napaatras hanggang nakapasok siya ng tuluyan sa kwarto niya ganoon rin ako. May kinakatakutan pala ang lalaking 'to?
"H-Hoy babaeng takas sa Mental! Lumabas ka!" pananaboy niya sakin.
"Ibibigay mo ba o maghuhubad ako sa harapan mo?" Mataray kong sabi. Bakas parin sa mukha ko ang nanunuya kong ngiti. Kadiri.
Nakita ko kung paano nagflex ang muscle niya nang hinawakan niya ang ulo niya at napabuntong ng marahas na hininga. He's frustrated. Am I a distraction?
May dinukot siya sa bulsa ng suot niyang pants 'tsaka inilahad sakin ang phone niya. Aba! Masunurin naman pala.
Hinablot ko iyon sa kanya at tiningnan ang schedule niya. Ipinasa ko pa ito sakin.
"Abnormal na babae." Bulong niya sa sarili niya.
Kung makapagsalita siya akala niya napakatino niya. Tss.
Ibinalik ko rin sa kanya ang phone niya. Nakuha pa akong ismiran ng loko. Tinaasan ko naman siya ng kilay saka ako tumalikod at lumabas sa kwarto niya.
"Uuwi na ako. Babalik ako bukas." Sabi ko.
"Hindi na kita pagbubuksan ng pinto!" sigaw niya sakin.
Binalewala ko lang iyon at tuluyan nang lumabas ng condo niya. Kinabukasan ay sabay kami ni Anne na nag-enroll sa BTSU College Building. Malaki ang kabuuan ng campus nila. May underground kung saan pwede mong ipark ang kotse mo, malaking field, gymnasium at kung ano ano pang pasilidad.
"Miss, pakimatch yung schedule ko sa schedule na 'to." Inilahad ko sa babaeng incharge sa schedule arrangement ang phone ko. Napatingin siya doon sa screen ko at unti unting kumunot ang noo. Napatingin siya sakin na parang kinakabisado ang mukha ko. Isang pagtataas ng kilay ang ginawa ko kaya napatikhim siya at ibinalik ulit ang atensyon sa screen ng phone ko.
"Girlfriend po ba kayo ni RM Delafuente?" tanong niya habang tinatype na sa computer ang magiging sched ko.
"Wala kang pakialam sa bagay na yan Miss. Iba yung pinapagawa ko sayo kaya yun ang pagtuunan mo ng pansin." Kalmado kong sabi.
Agad niyang naitikom ang bibig niya. Pagkatapos kong ipafinalyze ang magiging sched ko sa 1st semester ko ay dumeritso kami ni Anne sa malapit na Restaurant sa school. YOONMINED Restaurant. Ang weird ng pangalan.
"Ba't may mga picture ang magpipinsang Delafuente dito?" Iginala ko ang paningin sa kabuuan ng lugar. Sandali akong napahinto sa isang picture ng isang Delafuente. Nakatopless ito at ibinabandera ang abs niya. Sumagi naman sa utak ko ang nangyari sakin na napagmasdan ko ang katawan ng pinsan niyang tanging boxers lang ang suot.
"Namumula ka Celina. Tigilan mo nga ang kakatitig diyan sa picture ni Jame Brancen na nakatopless. Halatang pinagnanasaan mo." Pinaningkitan niya ako ng mata.
"Lilinisin mo ba yang utak mo o ako ang dudukot niyan palabas para linisin ko?" Sinamaan ko siya ng tingin.
Pinaikot niya lang ang mga mata niya. Hindi yan natatablan ng kamalditahan ko dahil wala rin naman yang pinagkaiba sakin. Kaso nabusted nung Delafuente na gusto niya kaya yan ang naging epekto sa kanya. Naging manhid.
Nasa gitna na kami ng pagkain nang pumasok ang dalawang Delafuente. Lumipad agad ang tingin ng isang Delafuente sa mesa namin at natuon ang tingin sa pinsan ko na tahimik na kumakain. Yung isang napakaputing Delafuente na may blangkong ekspresyon ay nilagpasan lang kami habang nakapamulsa at yung isa naman ay nilapitan agad kami na bakas sa mukha ang ngiti. Pati yung mga mata niya ay ngumingiti narin. Siya yung may picture na nakatopless. Sa pagkakaalam ko kapatid niya yung isa. Ang laki ng pinagkaiba ng dalawa.
"Hey Anne." Bati niya sa pinsan ko. Tiningnan niya ako na may ngiti sa labi at itinuon ulit kay Anne.
"Oh bakit?" Mataray na sagot ng pinsan ko.
"Saan ka mag-aaral ngayong sem? Sa school ba namin?" Nakangiti niyang sabi. He's too charming. Katulad ng awra niya ang gusto ni Julie na isang Delafuente na si JK kaso ang pinagkaiba ng dalawa ay nag-uumapaw ito sa karisma habang si JK naman ay simpleng gwapo. Pero kung may pagkakatulad ang dalawa ay nakakaakit ang mga ngiti nila.
"Unfortunately." Kibit balikat na sagot ng pinsan ko at sinamaan ako ng tingin. Sinalubong ko lang siya ng pagtataas ng kilay.
Napakurap ang Delafuente na nasa harap namin at umatras.
"Sige, pasok na ako." Tumawa ito at tumalikod. Napakamasiyahin niya kumpara sa RM na iyon. Tss.
Ibinalik ko ang tingin sa pinsan ko na nagpatuloy sa pagsubo ng pagkain.
"Ba't hindi ang lalaking 'yon ang nagustuhan mo?" tanong ko sa kanya.
Inilapag niya ang hawak niyang kubyertos at nilunok ang nginunguya.
"Ask my heart." Sagot niya sakin.
"Hindi ka ba nakakaattract sa Delafuente na 'yon?" tanong ko ulit. Sumubo ako ng pagkain habang hindi inaalis ang tingin sa kanya. My cousin is pretty. Yun nga lang napakachoosy. She deserved a decent guy though.
"You won't be attracted if you like someone else cousin." May diin niyang sabi.
Itinikom ko na ang bibig ko. Hindi pa nakakamove on ang bruha. You can't move forward if you can't move on.