CHAPTER 2

1117 Words
*CHAPTER 2* Inikot ko uli ‘yung paningin ko sa paligid, pero wala na talagang mauupuan. Nahihiya naman akong lumapit doon sa lalaki, at itanong kung pwede akong maki-share. Mukha pa namang ang weird niya, kasi nasa loob siya ng coffee shop pero ‘yung hood ng jacket niya nakasuot pa rin sa ulo niya na parang gusto niya itago ‘yung buong mukha niya. Hindi ko makita ‘yung mukha niya, kasi sa may pader siya nakaharap, pero sa tingin ko, ka-edad ko siya, dahil nasa porma ng pananamit niya. Nangangawit na ‘ko sa paghawak ng tray, kaya nahihiya man ako, no choice na ‘ko, kaya bago pa ‘ko maunahan ng iba, naglakad na ‘ko palapit sa kanya then I asked him. "Can I join you? The place is full and ito na lang kasi ‘yung available na seat." Hindi siya tumingin sa 'kin, pero sumagot. "Sure."  Hindi man lang ako tiningnan. May pagka-suplado siya, pero masasabi kong ang ganda ng boses niya. "Thanks," sagot ko, tapos pinatong ko na ‘yung tray sa table at naupo ako. Sinimulan ko nang inumin ‘yung coffee, at pakonti-konting kain ng donut habang pinagpatuloy ko ‘yung pagbabasa ng libro. Medyo naiilang nga lang ako, dahil hindi ako sanay na may kasamang lalaki. Mabuti na lang talaga at tahimik siya at hindi ko na masyadong pansin ang presence niya, lalo na’t masyado nang natutuon ‘yung atensyon ko sa pagbabasa. Pero minsan napapatingin ako sa kanya kapag iinom ako ng coffee o kaya susubo ng donut. Kahit na medyo nakatago ‘yung mukha niya sa hood ng jacket niya, pansin ko na cute pala siya. Ang tangos ng ilong niya, maganda ‘yung mamula-mula niyang labi, pero ‘yung mata niya hindi ko makita kasi nakapikit siya. Tulog ata. Habang nakatingin ako sa kanya, napansin ko na may cord sa harapan niya. Nakikinig siguro siya ng music. Medyo napatagal na ‘yung pagtitig ko, nang bigla siyang dumilat. Bigla ko tuloy nilagay ‘yung libro sa tapat ng mukha ko, at umarte na nagbabasa. Grabe, ang lakas ng kabog ng dibdib ko! Nakakahiya! Nahuli niya ata ‘kong nakatingin! Oh my God. Sana hindi. Sana hindi. "Maganda ‘yung libro na ‘yan. Nabasa ko na," narinig kong sabi niya. Ako ba ‘yung kausap niya? Hindi ako sumagot at umarte na lang ako na ‘di ko siya narinig. Hindi ko naman sigurado kung ako nga ‘yung kausap niya ‘tsaka nahiya na ‘kong tingnan siya. "Miss, ikaw ‘yung kinakausap ko." Nagsalita siya uli kaya napilitan na ‘kong ibaba ‘yung libro ko tapos tinuro ko ‘yung sarili ko at nagtanong, "Ako?" "Yeah. Wala naman akong kasama rito, ikaw lang." "Oo nga naman," sagot ko at matipid ko na lang siyang nginitian. "Maganda ‘yung libro na ‘yan kaso tragic ‘yung ending. Namatay ‘yung bidang lalaki," parang wala lang sa kanya nang sabihin niya ‘yon. "Bakit mo sinabi?!" Medyo napalakas ata ‘yung boses ko kasi napatingin ‘yung ibang tao sa ‘kin na nasa loob ng coffee shop. Nakakahiya. Ito naman kasing lalaking ‘to, spoiler! "Sorry." ‘Yon lang talaga ang sasabihin niya pagkatapos niya i-spoil ‘yung pagbabasa ko?! Paano ko pa ma-eenjoy ‘yung story? Alam ko na ‘yung ending! "Ugh! Kainis..." bulong ko. Binaba ko na ‘yung libro at ipinatong sa table. Nawalan na kasi ako ng gana. Kinain ko na lang ‘yung natitira pang donut habang nakasimangot. Masarap ‘yung donut kanina pero parang ‘di ko na malasahan ngayon sa sobrang inis ko. "Miss, sorry… Huwag ka nang sumimangot d’yan." "Sobrang na-hook na ‘ko rito sa binabasa ko, na halos ayaw ko na bitawan, tapos bigla mong sasabihin ‘yung ending? Kainis talaga.” Napahalukipkip ako sa sobrang inis. Hindi ako nahiyang sabihin sa kanya ‘yung nararamdaman ko. Inis na inis talaga ako. "Sorry na. Ano bang pwede kong gawin para makabawi?" Nag-isip pa siya saglit. "Ah, alam ko na!" biglang nagliwanag ‘yung mukha niya. Kulang na lang makakita ako ng bumbilya sa ibabaw ng ulo niya. Bago pa niya masabi ‘yung naisip niya, nag-ring ‘yung phone niya. "Miss, wait lang. I have to take this call." Kinuha niya ‘yung phone niya mula sa bulsa ng pantalon niya at kinausap ‘yung nasa kabilang linya. "Hello. O, sige, sige. Pupunta na ‘ko d’yan. Pasensya, ‘di ko namalayan ‘yung oras. Ok! In ten minutes nand’yan na ‘ko. Bye," tapos pinatay na niya ‘yung phone. "Miss, I have to go. Tungkol sa atraso ko, let’s meet here again tomorrow. Same time. May ibibigay ako sa 'yo," pagkasabi niya noon, may kinuha siya sa bulsa ng jacket niya. Shades pala. Sinuot niya agad sa mata niya at saka siya tumayo at naglakad palayo. Sinundan ko siya ng tingin. Nag-shades pa siya, eh makulimlim naman sa labas. Ang weird talaga. Nawala na siya sa paningin ko kaya ibinaling ko na lang ‘yung atensyon ko sa pagkain, nang may bigla akong maalala. Teka lang! Pagkatapos niyang i-spoil ‘yung ending ng librong binabasa ko, at pagkatapos niya akong paasahin na may gagawin siya para makabawi sa mortal sin niyang nagawa, bigla na lang niya akong iiwan? Ni hindi ko man lang nasabi kung payag ba ‘ko o hindi sa gusto niya. Bigla pa tuloy akong namroblema kung imi-meet ko ba siya kinabukasan. Parang ilang minuto lang naman kaming nagkasama rito sa table na ‘to, at nagkapalitan ng konting salita, feeling close na siya agad. Pakiramdam ko tuloy bigla akong nagkaroon ng obligasyon sa kanya dahil naisip ko na baka magpunta siya bukas tapos hindi naman ako pupunta. Naawa naman ako kung paghihintayin ko siya. Wala na akong choice, sa ayaw at sa gusto ko, pupunta uli ako rito para i-meet siya. Nang maubos ko na ‘yung coffee at donut, nag-decide na ‘ko na bumalik sa dorm. Habang naglalakad ako pabalik sa dorm, naiisip ko ‘yung lalaki sa coffee shop kanina. Hindi ko man lang natanong ‘yung pangalan niya. Kahit anong information tungkol sa kanya wala akong alam, tapos makikipagkita ako sa kanya uli kahit hindi ko pa alam kung ano ba ‘yung gagawin niya,  para pambawi sa ginawa niyang pang-i-spoil sa ‘kin. Parang nagtatalo na tuloy ang isip ko. Parang ayaw ko na pumunta. Magiging masamang tao ba ako kapag ‘di ko siya sinipot? Kung tutuusin siya itong may atraso sa ‘kin pero parang ako pa ang naabala. Napabuntong-hininga ako. Hay, bahala na nga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD