Chapter 6

1246 Words
Pagod si Trevor sa tuwing umuuwi siya sa kanyang bachelor’s pad pagkagaling sa trabaho. Halos lahat ng oras nang siya ay gising ay iginugol niya sa trabaho kung hindi man siya lumalabas para mag-sightseeing nang solo. Paminsan-minsan ay nakakausap niya si Drew kapag tumatawag ito sa kanya para mangumusta. Maliban dito ay wala na siyang koneksyon sa Pilipinas kahit pamilya niya na siyang iniwan at iniiwasan niya. He currently had a family discord. Nahahati siya nang dahil sa mga magulang na hindi magkasundo at palaging nag-aaway kahit sa maliliit na bagay. Iyon ay dahil sa minsang pambabae noon ng kanyang ama na  hindi pa rin makakalimutan ng ina. Ganito man ay hindi naghiwalay ang mga ito dahil sa dignidad at reputasyon ng pamilya nila sa Baguio. Gusto ng kanyang ina na mag-asawa na siya sa anak ng amiga nito. Ang ama naman niya ay gustong ipa-manage sa kanya ang kanilang farm. Pero architect siya at ayaw niyang maging farmer ng strawberry at poultry. For life? No way! He had a different passion. He had a different dream. And now, he is living it. Bago siya umalis ay nag-iwan siya ng sulat para sa mga magulang at nag-iisang kapatid na babae. Sinabi niya roon na ibigay ang responsibilidad sa may asawa nang nakababatang kapatid. Ito naman ang may gustong pamamahalaan ang farm nila. Iyon nga lang ay walang kumpiyansa ang ama sa asawa ng kapatid na hindi nakapagtapos ng pag-aaral. Pero sa tingin niya ay kaya naman ni Elsa iyon dahil nakapagtapos ito ng business management. Maaga nga lang itong nag-asawa at hindi nai-practice iyon. At sigurado siyang kahit paano ay tutulungan ito ng asawa. Napasulyap si Trevor sa modelo ng dream house niyang ipinadala nga sa kanya ni Drew. Sa hindi mabilang na pagkakataon ay ineksamin niya ang disenyo nito. May tatlong palapag ito, may balkonahe sa pangalawa at pangatlong palapag, may terasa sa bawat kuwarto kung saan may mga halaman. Sa unang palapag ay malaking sala, kusina, dining room, banyo, at silid. Sa pangalawang palapag ay may entertainment room, banyo, at dalawang guest rooms. Sa pangatlong palapag ang master bedroom, dalawang extra bedrooms, at dalawang banyo. Sa labas naman ay may swimming pool, garahe, at hardin. Napangiti siya. Parang nabasa ng kaibigan niya ang gusto niyang bahay para sa future family niya. Kaso nga lang ay wala siyang nobya. Mula nang naghiwalay sila ng ex-girlfriend limang taon na ang nakaraan ay puro na lang one-night stands o flings ang relasyon niya at hindi seryoso. Wala pa siyang babaeng natipuhang seryosohin pagkatapos ng breakup niya dahil sa isang third party. Hindi man lang niya alam na iniputan na pala siya sa ulo ng nobya niya noon. And that sucked! Big time. Sa ngayon ay pampalipas-oras lang sa kanya ang mga babae. Pero alam na alam niya sa sarili na balang araw ay lalagay rin siya sa tahimik. Pero hindi iyon ang problema niya sa ngayon kundi ang kung paano ang ayusin ang kanyang mga magulang gayong nandito siya sa ibang bansa, although it was like he ran away to avoid their family issues. Still, he wanted his parents to make up for good. *** “Ano? Pinaalis ng mga magulang niya patungong America si Danielle?” alunignig ni Jesse nang magkausap sila ni Lena sa isang restoran nang magkita silang magkaibigan upang mag-bonding. Tumango ang kausap. “Kasi napuna ng parents niyang nalululong na siya sa drugs lalo na’t kasama niya palagi sina Katie at Shelby.” “Ano? Palagi silang magkasama nang hindi man lang tayo kasama?” “Yup. Sila naman talaga ang close sa isa’t isa dahil magkaparehong year, samantalang ako ay junior nila at ikaw ang pinakabunso sa atin, ‘di ba?” “So, ano talaga ang nangyari?” “Well, sa totoo lang… after our celebration sa hotel four months ago, halos araw-araw at gabi-gabi na silang magkasama. I remember it well, dahil noong first few nights, tinatawagan nila ako para sumama sa kanilang mag-night out o mag-hang out lang sa penthouse sa hotel nina Danielle. I always declined dahil alam mo namang nagtatrabaho na ako at hindi pa talaga ako regular sa real estate agency until three months ago. But then, lumala pala ang mga ‘yon. After no’ng una nilang session, sunud-sunod na ‘yon. And you’re lucky dahil hindi ka napasama sa mga ‘yon kasi nga bunso ka. Kahit paano inisip din nila ang kapakanan mo. Ang weird nila. Pero nakatikim ka rin noong gabi ng selebrasyon mo, ‘di ba? It was an instant female arousal pill ang ipinatikim ni Shelby sa ‘yo noon kaya… heto ka ngayon,” anitong ikinumpas ang lumulubo niyang tiyan. “Hmm…” nasabi na lang niyang umirap. “Arguable ang sinasabi mong may paki sila sa ‘kin pero ‘wag na nga nating pag-usapan pa. Besides, hindi naman talaga ako pinilit ng mga iyon. Ako ang may gawa nito at nandito na ‘to, eh.” Napangiti si Lena bilang pagsang-ayon. “So, hindi lang in-exile si Danielle para ipa-rehab sa US at para mabantayan doon ng kuya niyang istrikto kundi sina Shelby at Katie din ay gano’n din pero dito lang sa bansa natin. Isinumbong kasi ang mga ito ni Danielle sa mga magulang ng mga ito bago siya umalis. Nandamay siya kumbaga,” dagdag na anito at napatawa nang mahina. “Ilang beses ko lang sila nakita nitong huling mga buwan at hindi nila alam ang tungkol sa pagbubuntis ko.” “Mabuti na lang ‘yong gano’n,” sabi ni Lena. “Sana ay mapabuti rin ang kalagayan nila pagkatapos ng rehabilitation nila. Dapat ba natin silang dalawin doon?” aniyang uminom ng tubig pagkakain. “Ako na lang. Huwag ka munang magpakita sa kanila sa ganyang sitwasyon at baka kung ano pa ang consequences. Baka maalala pa nila ang gabing ‘yon at baka kung ano ang maiisip ng mga ‘yon. Magkakagulo tayo, I’m sure. Ayaw mo pa naman ‘tong malaman ng ama ng bata.” “Sige, balitaan mo na lang ako tungkol sa kanila kapag nabisita mo na sila. Kawawa naman ang mga ‘yon.” “Huh! Ang sabihin mo, ang stupid ng mga iyon. Ang mga mayayaman nga naman, ‘no? Wala na kasi silang magawa sa buhay nila. Nabo-bored ang mga iyon dahil kahit hindi sila magtatrabaho ay mabibili pa rin nila ang kanilang mga luho at makapag-afford ng bisyo. Tingnan mo na lang ang nangyari sa kanila ngayon. At tayo, heto… wholesome pa rin.” Natutop nito ang bibig at napangisi. “Ay… hindi pala! Ako lang ang ang wholesome.” Akma niya itong batukan nang makailag ito at tinawanan siya nito. “Hoy, kung makapagsalita ka, parang galing ka talaga sa mahirap gayong galing ka sa pamilya ng mga doktor. Bigwasan kita riyan, eh!” “Eh… my family disowned me dahil sa lumihis nga ako ng profession, ‘di ba? Alam mo bang sariling kayod ko lang ang nagpapakain sa ‘kin since I was in college? Well, ‘yong tita kong OB-GYN mo helped me out sa tuition ko. But still, mahirap na ako. Pamilya ko lang ang mayaman.” “Hmm… at least you’re able to keep your car. So, sa tingin mo, makakabalik pa kaya si Danielle dito?” “Only time will tell.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD