Chapter 5

1506 Words
“Pucha! Kailangan ko yata ng isa pang test,” nausal ni Jesse sa kanyang sarili, dalawang buwan ang nakalipas. Kasalukuyang nasa banyo siya sa kanilang bahay nang sikretong ginawa ang pregnancy test. Hindi na kasi siya dinatnan ng buwanang dalaw kaya heto siya ngayon. Malakas ang pagkabog ng kanyang dibdib dahil dito. Nakita niya ang dalawang pulang linya. Para pa siyang malilo dahil sa nakita. ‘Hindi ‘to puwede!’ sigaw ng isip niya. But then again, there was no one to blame but herself. She did it and here was the consequence, which she had to face! Napapikit siya ng mga mata at napatinging muli sa sarili sa salamin. Ano na ngayon ang gagawin niya kung talagang buntis siya? Ano ang sasabihin niya sa kanyang pobreng ina? Malaki pa naman ang tiwala nito sa kanya lalo na’t nagkaroon siya agad ng stable job. In-absorb kasi siya ng Mason Constructions pagkatapos ng kanyang OJT at naging promising ang position niya nang makapasa siya sa board exam at certified civil engineer na siya. *** “Wala naman po akong morning sickness, doc,” ang tugon niya nang tinanong siya ng babaeng OB-GYN pagkalipas ng ilang oras sa pribado nitong klinika. Ito ang inirekomenda ni Lena sa kanya nang tinanong niya ito. Nasa linya ng mga doktor kasi ang pamilya nito. Ang kaibigan lang ang tumaliwas ng kurso at naging engineer. “Then, good for you. So, ipe-prescribe ko na lang ang vitamins mo to ensure that the baby is going to grow strong and healthy while you’re having this pregnancy. Bawal ang sobrang alat at tamis. Hindi ka dapat ma-stressed. Anyway, ilalagay ko lahat dito para reminder mo,” sabay sulat nito sa prescription pad. “And whenever you need me or if you have any questions, tumawag ka lang. Kahit ano’ng oras. Huwag kang mahiya. Okay?” Ngumiti ang babaeng nasa late forties. Maganda ito at mestisahin. Naka-bun ang buhok nitong maitim at makintab. Tumango siya habang tinanggap ang iniabot nitong papel, napansin ang kumikinang nitong singsing na may malaking diamante. Napalunok pa siya nang bahagya. Ngayon niya lang tila naramdamang official na nga ang pagiging buntis niya nang mahawakan ang papel. Kaya naman nang makalabas siya ng pribadong klinika nito ay napabuntong-hininga siya. “O, ano’ng sabi ni Tita?” tanong ni Lena na sinalubong siya. Mukhang kapaparada lang nito ng kotse sa may hindi kalayuan. May mangilan-ngilang taong dumaan sa pagitan nila. “I’m two months pregnant. Hooray!” sabi niya nang matamlay. Bagsak ang balikat niya. Napatawa si Lena. “Really? It’s confirmed. Wow!” Her friend blinked in disbelief. Mukhang ito ang excited na imbes siya. Pero bakit naman siya mae-excite gayong hindi siya kasal? She is going to be a single mom soon. Kaya naman ay binigyan niya ito ng isang malungkot na tingin. Sa lahat ng mga kaibigan niya ay ito ang pinakamalapit at ito rin ang nasasabihan niya ng kahit na ano. Kaya ang nangyari noon sa hotel ay ito lang ang napagsabihan niya. Pero ngayong buntis siya, mukhang mabubunyag na rin ang nangyari noon sa iba pa nilang kaibigan. Ang dalawang malaking problema niya ay ang trabaho at kung paano niya ito sasabihin sa kanyang ina. Her mom would be let down, she knew. It pained her just to think of it. Pero ano pa nga ba ang magagawa niya? Ayaw rin naman niyang ipalaglag ang bata. It never occurred to her! “Don’t worry. Nandito lang ako para sa ‘yo,” sabi ni Lena na hinawakan siya sa braso nang hindi pa rin siya umimik. “Paano kung...?” “Don’t even think about it!” matigas na sabi ni Lena sa kanya. Nabasa kasi nito ang nasa isip niya. “Ayokong ipalaglag mo ‘yan. Your career is fine. The company won’t mind, I’m sure. Wala nang diskrimanasyon sa mga ganyang bagay sa panahong ‘to, Jesse. It’s not their business if you’re a single mom. Besides, you work hard more than anyone else at that company!” Napabuntong-hininga siya. Tama ang kaibigan. Pinagsisihan man niya talaga ang nangyari noon at problemado tuloy siya ngayon, medyo nao-overwhelm naman siyang may lumalaki palang nilalang sa sinapupunan niya. That thought amazed her. Kahit hindi niya iyon inasahan at kahit natatakot siya sa maaaring mangyari, alam niyang dapat kayanin niya ang responsibilidad na ito. Sinamahan naman siya ni Lena sa pag-uwi upang may moral support naman siya nang ibalita ang bagay na ito sa kanyang ina. Napahagulgol pa ito sa nalaman. “Saan ba ako nagkamali sa pagpapalaki ko sa ‘yo, ha? Saan?” galit na wika nito. Her mid-forties mother held her shoulders and shook her. Pero hindi siya umimik na kagat ang labi. At sa halip ay niyakap na lang ang ina. “Sori na, Ma. Sori…” Napaiyak na rin siya. “Nandito na ‘to, eh.” “Sino ba ang ama niyan, ha?” tanong nito pagkalipas ng ilang minuto, nang tumahan na ito. At siya rin. Napasulyap siya kay Lena. “Eh... ahm… um-abroad po ang boyfriend niya at ayaw ipaalam ni Jesse,” palusot nito. Napatingin silang mag-ina rito. Pinandilatan siya ng kaibigan na kumibit pagkatapos nang bumaling sa kanya ang ina. “Bakit ayaw mong ipaalam sa kanya?” May paghihinagpis pa rin sa tono ng may edad na babaeng nasa kuwarenta y singko anyos. “Ah... eh... kailangan niya kasi ang trabahong ‘yon, Ma,” aniyang sinabayan na lang ang palusot ng kaibigan. Napahugot ng malalim na hininga ang ina niya at tumango na lang. “Sige. Wala na akong magagawa diyan,” sabay talikod nito para pumasok sa silid. Nagpapahid ng luha. “Bakit ‘yon ang sinabi mo kay Mama?” tanong niya kay Lena nang pabulong nang maiwan silang dalawa sa may sala. “Eh, wala ka namang boyfriend dahil break na kayo ni Sloan matagal na matagal nang panahon at wala pang ideya ang mama mo tungkol sa kanya. Alangan namang siya ang paangkinin natin sa dinadala mo. Tapos, baka hahagilapin ng mama mo kung sino ang ama ng bata kapag nagsambit tayo ng pangalan, which is a definite ‘No-No,’ ‘di ba? Besides baka malamang one-night stand lang pala ‘yong dahilan nito. Worse, baka malaman niyang ginawa mo lang ‘yon dahil sa isang dare noong bangag tayong lahat!” tugon nito. “So alin ang mas gusto mong scenario, ha?” Hindi siya nakakibo. Kung iisipin nga naman niya ay tama naman ito. Ni hindi nga nag-iwan ng calling card ang kaniig niya sa gabing iyon. O kaya naman ay sinulatan ang tissue para man lang sabihan siya kung saan niya ito makokontak kung sakali man o magpakilala man lang sa kanya. And that just meant he didn’t want anything to do with her after she willingly threw away her virginity like it was nothing! “Kasalanan ‘to nina Danielle at Shelby, eh!” Napatitig ito sa kanya pagkasabi niyon. “We’ll keep it a secret from them for as long as we can. Hindi muna natin ipagpaalam ‘to sa mga ‘yon. Baka magkakagulo lang. Hindi dapat malaman ng mama mo ang tungkol sa nangyari. But the thing is... may pag-asa tayong malaman kung sino ang ama ng bata.” “Paano?” “Sa hotel guest list. May kopya ka.” “Eh, natapon na ‘yon matagal na.” “Damn! Hindi mo naalala kung ano’ng room ‘yon?” “Room 368. Pero, Lena. Paano kung malaman nga natin kung sino ang ama ng baby ko? Paano kung... may asawa na pala siya? Kaya nga siguro ayaw niyang mag-iwan ng ebidensya, ‘di ba? Huwag na nating alamin. Mas mabuti nang hahayaan na natin ‘yon. Mas gugustuhin ko pang wala nang iisipin maliban sa ipinagbubuntis ko. Ayokong ma-stress. Bawal nga akong ma-stress, eh, ‘di ba?” “Sigurado ka ba?” “Oo. Kaya magmo-move on na ako!” Napatitig sa kanya nang husto ang kaibigan. Kumibit na lang ito ng balikat. “Well, if you say so.  Sana maka-move on ka nga.” “Bakit naman hindi?” Lena gestured at her still flat tummy. “Eh, ‘andiyan ‘yang constant reminder mo—I mean natin—eh.” She rolled her eyes. “Bakit parang ikaw pa ang mas apektado sa ‘tin?” pabirong aniya. Umirap din ang kanyang kaibigan. “Kunwari ka pang hindi. Hindi ako naniniwalang hindi mo talaga maaalala o kaya ay maka-move on ka sa ama ng batang ‘yan! Tell me. How was it? Hindi mo naikuwento nang detalye, eh. Sinabi mo pang mabango siya at saka feeling mo ang guwapo-guwapo niya.” “Huwag ka na ngang mambuyo!” inis niyang saway. Napangisi sa kanya ang kaibigan. “Fine! O, ano’ng gusto mong kainin?”  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD